(This chapter is dedicated to our birthday girl, Magix_Gorgeous. I pray for your success in life and all the happiness in the world. Naks! Keep on smiling! 😊) 💜💜🎁🍰🎉
Ginising siya ni Gin para kumain. Hirap mang bumangon ay pinilit niya para hindi mag-alala ang mga ito. Ngayon nya naramdaman lahat ng pagod sa ginawang paglalakbay. Masakit halos ang buong katawan niya. Mukhang di na muna nila kailangan pang mag-exercise ni Gin dahil qouta na siya sa pagod.
Pagkatapos kumain ay agad siyang bumalik sa pagtulog. Nalimutan na niya ang palaging bilin ng ina na huwag matulog ng busog dahil baka bangungutin siya.
Kinabukasan
"Gin, matutuloy ba ang pagdiriwang na sinabi ng mama mo kagabi?"
" Oo ang dinig ko ay gaganapin ito mamayang gabi." tugon ni Gin.
"Kung ganoon ay kailangan din nating maghanda ng mga iaambag sa handaan mamaya. Nasaan pala si Aetos?"
" Maaga siyang umalis at nangaso. Ano ba ang mga kailangan mo at ihahanda ko para sayo?"tanong ng kapareha.
" Pagdating ni Aetos sa pakisabing linisin agad ang makukuha niyang karne dahil maglelechon tayo. Tulungan mo din akong ibilad ang ating mga dalang pagkain at balat ng hayop. Yung mga tankay ng halaman ay paki-abot na lamang sa akin at kailangan ko munang ibabad ang mga iyan sa tubig." mahabang wika ng babae.
Naging abala na ang dalawa sa pag-aayos ng kanilang mga dalahin.
" Oo nga pala, may asin ba kayo dito? Saan tayo pwedeng mamili ng mga kailangan natin? "
"Mayroong maliit na pamilihan dito. Nais mo bang sumama sa akin? Marami akong puting hiyas na maaari nating ipambayad." nakangiting tugon ni Gin.
"Talaga?! Yes! Tara na babe! Let's go!" excited na wika ni Naiad.
"Ay wait, hintayin muna natin si Aetos. May kailangan akong ibilin sa kanya."
Isang malaking baboy ramo na dala ng limilipad na agila ang nakita ni Naiad sa di kalayuan. Namangha siya sa lakas nito, sabagay sisiw lamang dito ang manghuli ng malalaking hayop.
Paglapag ni Aetos ay pinagbilinan ito ni Gin na linising mabuti ang dalang karne. Alisin ang lamang-loob ngunit huwag itatapon at ihanda lamang sa malinis na dahon ang dagdag na tagubilin ni Naiad. Nagpaalam na sila upang mamili. Pagbalik nila ay siya na ang bahalang maglagay ng pampalasa dito.
"Last na lang pala Aetos, pwede bang mangolekta ka ng maraming uling? Salamat!" tumango lamang ang tahimik na ibon at itinuloy ang ginagawa.
Masayang nagpunta sa pamilihan ang excited na babae. Hawak kamay pa sila ni Gin. Dahil umaga na ay marami na ang mga tao sa paligid. Naghahabulan ang ilan sa mga bata. Totoo nga na tanging mga batang babae lang ang hindi anyong hayop kapag ipinapanganak.
Aliw na aliw siyang panuorin ang mga cute na tutang beastman. Hindi lamang lobo mga lahi ng mga ito. Mayroong ding mga baby tiger, leopard, hawk, bear at fox.
Ang kukyut! Nais niyang lapitan ang mga ito at hawakan. Pero di niya pwedeng basta gawin iyon dahil mangangahulugan na nais niyang maging kapareha ang mga ito. Ayaw niyang matawag na isang pedophile.
Di gaya ng nakasulat sa libro, ang mga kababaihan dito ay hindi naman malilit at pangit. Ilan ang medyo may katabaan ngunit di niya masasabing pangit sila. Ang iba ay kinakawayan pa siya at nginingitian. Sa tingin niya ay kumalat na ang balitang may bagong saltang babae sa tribo.
Habang nagmamasid pa din sa paligid ay may isang grupong lumapit sa kanila. Karga ng matangkad na lalaki ang isang magandang babae ng kulay blond ang buhok at may mapang-akit na mga mata. Sa likod nila may may tatlong beastman pang nakasunod at may bitbit na mga tila pinamili nila. Sa tingin niya ay mga lahing lobo at oso ang mga ito base sa mga tainga nila.
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasyAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...