Sa KabundukanMabilis na tumatakbo palayo sa nasusunog na tribo ang isang puting alamid (white fox), sa likuran nito ay nakasakay ang isang umiiyak na batang babae. Mahigpit na kumakapit ang bata dahil kung malalaglag siya ay katapusan na rin nila.
"Kuya, natatakot ako.. Malapit na sila!" Bulong ng bata sa kapatid na patuloy lang sa pagtakbo ng mabilis.
Sa di kalayuan ay dinig niya na nakasunod ang isang grupo ng mga feral. Naliligo sa dugo ang mga ito at nakalabas pa ang mga dila na tila tuwang-tuwa sa nagaganap na pagtugis.
Hindi na niya tinangka pang lumaban dahil batid niyang hindi siya uubra sa dami ng mga ito. Pagtakas na lamang ang naiisip niyang paraan upang mailigtas ang kanilang mga buhay.
"Whahahha! Takbo! Sige takbo! Parating na kami prinsesa! Hahahaha! Hindi ninyo kami matatakasan!"
Nakakakilabot na tawanan ang maririnig mula sa mga ito. Inatake ng grupo ang Tribo ng mga Alamid at inubos ang kalalakihan dito. Matagumpay nilang napasok ang tribo dahil nasa paglalakbay upang mangalakal ang malalakas na bantay ng tribo.
Nabihag na nila ang lahat ng kababaihan dito maliban sa isa. Ang anak ng pinuno at ang pinakamagandang babae ng tribo. Bagamat bata pa ito ay tiyak nilang magiging sulit kung mapapalaki nila ito.
"Kailangan kong makaisip ng paraan. Malapit na sila sa amin. Kung hindi ko sila maiisahan ay mapapahamak ang aking kapatid. Ako na lang ang maasahan niya."
Hindi na alintana ni Kizu ang pagod na nararamdaman, ang mahalaga ay ang mailigtas niya ang kapatid mula sa mga tumutugis na feral. Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo.
Nakatulong na kabisado niya ang kabundukan kung kaya't nagagawa niyang lumayo mula sa mga humahabol sa kanila. Kailangan na lamang niya makatawid ng ilog upang magawa na niyang itago ang kanilang amoy.
Natatanaw na niya ang ilog kaya mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Kakailanganin niya ng sapat na panahon upang magawang linlangin ang pang-amoy ng mga feral kaya bawat segundo ay mahalaga.
Nakatawid na sila ng ilog. Pilit niyang ininda ang lamig ng tubig dahil kung susuko siya ay mawawalan ng saysay ang lahat ng paghihirap niya. Sa kabilang dako ng gubat ay may lihim na daanan ang mga alamid upang makababa ng kabundukan.
Matapos niyang itago ang kanilang mga bakas ay agad na nagtungo sila sa lihim na yungib. Dito ay nagawa na niyang ilapag ang nangingig na kapatid. Nagpalit anyo siya at binuhat ito. Kahit na nababalot ng kadiliman ang yungib ay malinaw niyang nakikita ang daan.
Inaalala niya ang kapatid na patuloy pa rin ang panginginig sa kanyang bisig. Isang luma at maduming balat ng hayop ang natagpuan niya at agad na binalot dito ang kapatid.
"Pagpasenyahan mo na muna ang ibabalot ko sayo Nizu,madumi at mabaho. Wala kasi tayong nadalang pangiginaw mo." Puno ng awang bulong niya sa kapatid.
"A-ano ka ba k-kuya, h-hindi ka dapat h-humingi ng t-tawad sa akin. M-maraming s-salamat sa pagliligtas m-mo sa 'kin.." Mahinang tugon ng kapatid.
"Huwag kang mag-alala dahil ilalayo kita rito. Magkikita rin kayo ng iyong ama. Sa ngayon ay matulog ka muna sa bisig ko. Hindi kasi tayo maaring huminto dahil baka mahanap nila ang bakas natin."
"N-natatakot pa rin ako kuya.. Nahuli na lahat ng aking mga kaibigan a-at ang kanilang mga ina. N-nakakaawa silang lahat.. Huhuhu!" Muling dumaloy ang mga luha ng pobreng bata ng maalala ang kinahinatnan ng mga kaibigan sa kamay ng mga feral.
"Hangga't nabubuhay ako ay walang makakapanakit sayo Nizu. Ikaw na lang ang natitira kong kapatid at pamilya kaya ipagtanggol kita." Seryosong wika ni Kizu sa kapatid.
Muli niyang tinahak ang ang madilim na yungib. Maraming lusutan dito, mabuti na lamang dahil kasama sa pagsasanay nila ang kabisaduhin ang pasikot-sikot sa lihim na yungib. Paghahanda sa ganitong pag-atake, na sa kasamaang palad ay nangyari na nga.
Puno ng hiyawan at alulong ang maririnig di kalayuan sa labas ng yungib. Kasunod ang pagtatalo at paglalaban ng mga feral. Kailangan nilang may mapagbalingan ng galit, dahil sa hindi na nila makita ang mga tinutugis na alamid.
Nasa malalim na bahagi na ng yungib ang dalawa bago nagpasyang magpahinga. Sa tingin nila ay hindi na sila agad natutultol ng mga feral na humahabol. Wala pang isang oras na pahinga ay muli na silang nagpatuloy upang makalabas na ng yungib. Anumang oras ay maaari na silang matagpuan ng mga feral.
Mahigit tatlong oras ang tinagal ng kanilang paglabas ng yungib. Unti-unti nang nakakaramdam ng panghihina si Kizu. Nakapasan sa kanyang likuran ang kapatid dahil ayaw niyang masugatan ng mga bata ang mga paa nito.
Paglabas ng yungib ay sinalubong sila ng malamig na hangin. Muling nakaramdam ng pangangatog ang bata ngunit hindi ito nagrereklamo. Batid niya ang kailangan nilang magpatuloy upang mabuhay.
Nababalot na ng yelo ang paligid, tanging malakas na ihip ng hangin ang kanilang naririnig sa paligid. Maging ang dating maiingay na ibon at mga kulisap ay tila nahihimlay sa mahimbing na pagtulog. Tahimik na nagpatuloy ang magkapatid.
Batid ni Kizu na nagugutom na ang bata sa kanyang likuran. Dinig na dinig kasi niya ang pagtunog ng tiyan nito. Ngunit sa kabila ng gutom at pagod ay hindi niya ito naringan ng pagrereklamo. Mas lalo siyang naawa sa nanginginig na kapatid.
Nakakita sila ng isang prutas na nalaglag mula sa puno. Nag-iisa lang ito ngunit sapat na upang pansamantalang tugunan ang gutom ng batang babae. Nais niyang hatian ang kapatid ngunit hindi nito tinanggap.
Mukhang nakalayo na nga sila ng tuluyan at di na basta masusundan pa ng mga feral. Ngunit ang bangis ng panahon naman ngayon ang kanilang kalaban. Kailangan pa rin nilang magpatuloy upang makahingi ng tulong sa ibang tribo. Ngunit may makakakita pa kaya sa kanila?
Sa ikalawang araw ng paglalakbay ay hindi ma kinaya pa ng batang babae. Nawalan na ito ng malay at inaapoy ng lagnat. Maging si Kizu ay hirap na din maglakad sa mayelong daanan.
Saglit siyang huminto upang magpahinga at tingnan ang lagay ng kapatid. Inaapoy ito ng lagnat at hindi na magising. Unti-unti nang bumibigay ang katatagan ng loob ni Kizu. Si Nizu na lang ang mayroon siya. Kung mawawala ito ay paano na siya?
"Nizu, kapatid ko.. Parang-awa mo na wag kang susuko.. Makakahanap tayo ng tulong. Gagaling ka din. Ililigtas kita.."
Napatingala siya upang magdasal sa Panginoon ng mga Beast. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang lumilipad. Nabuhayan siya ng pag-asa. Pag-asa na sana ay isang beastman ang lumilipad.
"TULONG!! Parang awa mo ma tulungan mo kami!" Sigaw ni Kizu sa ibon.
Wala na din siyang natitirang lakas. Nawala na sa paningin niya ang ibong natanaw. Tila nagkamali siya.. Hindi isang beastman ang ibon. Ngayon ay wala na silang pag-asa.. Hindi na niya maililigtas pa ang kapatid.
Mahigpit na niyakap ni Kizu ang walang malay na bata. Tanging init ng katawan na lamang niya ang kaya niyang ibahagi rito. Wala na siyang natitirang lakas upang magpatuloy.
Bago tuluyang pumikit ang mata niya ay may naaninag siyang lumapag na ibon. Agad itong nagbagong-anyo at naglakad papalapit sa kanila.
"Parang-awa mo na.. Ang kapatid ko.. Tulungan mo siya.." Tuluyan nang nawalan ng malay si Kizu.
"Kaawa-awang mga bata.." Agad na binuhat ni Aetos ang dalawang batang walang malay at itinakbo sa kanilang tahanan.
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasyAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...