Mahabang Gabi Sa Taglamig

393 21 11
                                    

*** Patawad mga Bhing dahil sa super late na update ko. Sobrang sira na kasi ang cp ko kaya mahirap magsulat. 😔😔😔😭 Thank you sa mga sumusuporta pa din sa istorya ko. 🙏 ***

~~~~~~~~~~~~~~~~

Tila may naghahabulang daga sa dibdib ni Naiad dahil sa labis na pagkabahala. Habang lumilipas ang bawat oras na wala siyang balita mula sa mga kapareha ay mas lalong nadadagdagan ang kanyang takot at pag-aalala.

Mahigpit niyang niyakap si Nizu upang kahit papaano ay ma-comfort niya ang sarili. Ngunit maging ang maliit na katawan ng bata ay nanginginig din sa labis na pangamba. Naisip niya na hindi lamang siya ang nag-aalala kaya minabuting tatagan ang kaloob para sa mga batang kasama.

Hindi na nga nagtagal ay nakarinig siya ng mabibigat na yabag mula sa labas ng kanilang tahanan. Hindi ito pamilyar na yabag. Kahit na ang may malaking bulas na si Torben ay hindi ganito kabigat ang yabag ng mga paa.

BLAG!
BLAG!!

Sinundan ito ng malalakas na tunog mula sa mga tumitilapon at bumabagsak na mga bagay. Napaiyak sa labis na gulat at takot sina Naiad. Mahigpit niyang niyakap ang mga bata at tahimik na ring lumuha.

Ilang minuto pang nagpatuloy ang mga ingay at sigawan na alam nilang nagmumula ito sa mga paglalaban sa itaas. Gustuhin man ni Naiad na tulungan ang mga kapareha ay alam naman niya na wala rin siyang magagawa at magiging liability lamang.

Biglang may kumatok mula sa kanilang ulunan. Bahagyang bumukas ang pintuan at sumilip ang magagandang mata ni Aetos.

"Mahal ko.. Dinig ko hanggang sa labas ang tibok ng iyong puso. Huwag kang mabahala at ayos lamang kami." Mahinahong wika ni Aetos sa lumuluhang kapareha.

"Nasaktan kaba? Kumpleto pa ba ang daliri mo? Patingin ako ng mga kamay mo! May dugo ka sa mukha, sugatan ka ba?! Halika at gagamutin kita Aetos. Huhuhu.." Bakas ang takot sa tinig na tugon ni Naiad. Dahil sa nerbiyos ay kung ano-ano na ang kanyang nasasabi.

Bahagyang natawa si Aetos sa tugon ng kapareha. Ngunit mas nananaig ng labis na saya sa kanyang dibdib dahil sa pinapakitang pagmamahal ng kapareha. Agad niyang ipinakita ang kumpletong daliri at pinunasan ang dugo sa kanyang mukha.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ni Aetos. Marahan niyang hinaplos ang magandang mukha ng kapareha. Tila dinudurog ang kanyang puso bawat pagpatak ng mga luha nito. Napakapalad niyang tunay.

"Huminahon ka muna mahal ko.. Tingnan mo at kumpleto pa ang daliri ko. Hindi rin sa akin ang dugo dahil di ko hahayaan na masugatan ako. Alam kong mag-aalala ka kaya nag-iingat ako, huwag ka ng umiyak." Nakangiting wika ni Aetos habang pinupunasan ang kanyang luha na walang humpay ang pag-agos.

"Sorry... Takot na takot kasi ako para sa inyo. Mahal ko kayo Aetos... Mag-iingat ka. Balikan mo agad ako dito..."

"Matulog ka na muna. Paggising mo ay nasa tabi mo na kaming lahat. Mahal na mahal din kita.. Kaya tumahan kana ha? " Mabilis siyang hinalikan ni Aetos sa labi bago muling isinara ang pinto at umalis.

Nagpatuloy pa ang mga ingay sa labas ng kanilang tahanan. Nangangahulugan na maraming kalaban pa rin ang nagtatangkang pumasok sa kanila na hindi naman makalampas sa kanyang matibay na bantay.

Sa kabilang dako. Patuloy pa rin ang paglusob ng mga feral. Sa pamumuno ng dambuhala at marahas na alakdan ay pilit na nilang winawasak ang malaking tarangkahan ng tribo.

"Napakalamya ninyo! Iilang kahoy lamang ay hindi ninyo maitumba?! Ako na lang ba palagi ang gagawa ng lahat? Mga walang silbi!" Malakas na sigaw ng alakdan.

"P-patawad pinuno! I-ito na po at masisira na namin.." lakas-loob na turan ng isang itim na lobo.

"Lumayas kayo diyan at ako na ang wawasak! Mga inutil! Uumagahin na lang tayo ay wala pang nangyayari dahil sa katangan nyo! Bakit ba kayo ang napunta sa grupo ko! Pwe!" Agad na tinadyakan ng alakdan ang mga kasamahan gamit ang malalaki at matatalim na galamay.

Ang ibang feral ay nakailag, ngunit ang mga di pinalad ay sugatang nagpagulong-gulong sa sahig na nyebe. Pilit na pinamamanhid ang mga sugat sa katawan gamit ang yelo.

May mga alagad na rin naman siyang nasa loob dahil sa bandang dulo ng tribo ang mga ito nagmula. Ngunit nakapagtatakang wala pa sa mga ito ang dumarating upang buksan ang tarangkahang kanina pa sagabal sa kanilang pananakop.

Malalakas na pagbayo ang ginawa ng malaking alakdan sa naglalakihang tarangkahan na gawa sa mga troso. Dahil dito ay unti-unti ng bumibigay ang mga kahoy.

"Ganito dapat ang manira! Manood kayong mabuti ng inutil kong alagad! Whahahaha!" Mayabang na sigaw na sinundan pa ng malakas na pagtawa  sa mga kasama.

Ilang saglit pa ay may mga panibago na naman silang mabibihag na kababaihan. Sa tingin niya ay maraming babae at pagkain ang nakatago sa tribo. Nakatisod siya ng ginto. Naglalaway pa habang iniisip ang mga gagawin sa sandaling makahawak siyang muli ng babae.

Magpaparaos siya hanggang magsawa sa mga ito. Sa tingin niya ay wala pa rin makatatalo sa angkin ganda ng mga alamid sa kabundukan. Ngunit sino ba naman siya upang maging pihikan pa? Kung hindi niya magustuhan ay maaari naman ihapunan na lamang ang mga ito.

Lihim siyang naliligayahan sa mga naiisip. Mas lalo pang lumakas ang pagbayo niya sa tarangkahan. May matibay na pundasyon ang mga bakod. Sa tingin niya ay pinaghandaan talaga ng mga ito ang posibleng pag-atake sa kanilang tribo.

Lalong lumakas ang pagtawa niya ng kumalas na ang mga kahoy sa pagkakatali ng mga ito. Isang malakas na pwersa pa ay tuluyan na itong bumigay. Isa-isang nagsitumba ang mga naglalakihang troso.

Malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga feral. Agad silang sumunod sa pinuno at inantay ang susunod na ipag-uutos nito.

"Ano pang tinatanga-tanga ninyo mga hunghang? Aba'y lumusob na kayo! Mga hindi nag-iisip! Basta ipunin nyo muna ang lahat ng kababaihan. Ako ang mauuna sa lahat. At tulad ng nakagawiaan, paslangin ang lahat ng kalalakihan! Pantawid natin ang mga iyan sa taglamig! Whahahaha!" Malakas ng utos nito. Ngayon ay maghihintay na lamang siya. Ang mga inutil niyang alagad na ang bahala sa lahat.

Muli niyang inalala ang huling paglusob nila. Napakagaganda ng kababaihan sa bundok na iyon. Sayang lamang at nakatakas ang isang bata na may pinakamagandang mukha sa lahat. Pero sa tingin niya ay tapos na ang kanyang paghahanap.

Ngunit sa gitna ng pagmumuni ay tila sinasampal siya ng biglang katahimikan. Nasaan na ang mga ingay ng mga naglalabang beastman? Maging ang takot at pagtili ng mga kababaihan ay hindi niya madinig.

Agad siyang naalerto, ngunit bago pa makagawa ng pagkilos ay isang malakas na pagtama ng matigas na bagay ang kanyang naramdaman sa tagiliran.

Paglingon niya ay isang malaking troso ang nasa tabi. Agad siyang lumundag upang humanda sa pag-atake. Kung sino man ang kalaban niya ay tiyak na dudurugin ng kanyang matitigas at matatalim na pansipit.

Galit niyang inalam kung sino ang pangahas at duwag na naghagis ng troso sa kanya. Ngunit bago pa siya makapag mura ay muli na namang lumipad ang isang malaking punong kahoy sa kanyang mukha. Mabilis siyang umilag ngunit dahil sa kanyang laki ay nahagip pa din ang kanyang isang paa.

"Sino kang HAYOP KA! Ang lakas ng loob mong pumalag! Isa ka lamang hamak na pagkain sa aking lamesa! Lumabas ka at humarap sa iyong kamatayan!" Nagpupulos sa galit na sigaw nito.

Sa di kalayuan ay marahang naglalakad ang isang lalaki. Matangkad at maputla ito. Marahang inaangat ng hangin ang mahaba at puting-puti nitong buhok. Salamat matalas na paningin ng mga feral at malinaw niyang nakikita ang nilalang kahit na tila ay katulad ito ng mga nyebe sa paligid.

"Nakita rin kita sa wakas.." Mahinang wika ng puting nilalang na tila nagbigay ng kilabot sa dambulang alakdan.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon