Masakit Na Alaala

335 19 1
                                    


Nagising si Naiad sa mabangong amoy ng pagkain. Nasa kusina na pala si Gin at abala sa pagluluto. Pagmulat niya ay ang gwapong mukha ni Aetos ang bumungad sa kanya.

Hindi kasi ito makaalis mula sa pagkakayakap niya kaya nagpasya na lamang na hintayin siyang magising. Sulit din naman ang kanyang paghihintay dahil mahabang oras niyang natitigan ang magandang mukha ng kapareha.

Nang makitang gising na siya ay agad siyang hinalikan ni Aetos sa labi at binati.

"Magandang umaga.. Sweet.. Heart?" Nahihiyang wika ni Aetos mabilis din nitong pinunasan ang tumulo niyang laway.

"Good Morning din. Hehehe.. Pasensya na naglaway na naman ako."

Komportable na siya sa mga kapareha kaya di na nya alintanang makita ng mga ito ang mga nakakahiya niyang eksena.

"Huwag kang mag-alala dahil di naman nabawasan ang iyong ganda." Tugon ni Aetos habang inaalalayan na siyang tumayo.

"Wag mo na akong bolahin.. Alam ko naman na bias kayo sa akin." Natatawang sabi nya sa kapareha.

Agad silang nagtungo sa kusina at nilapitan niya si Gin upang halikan bago nagtungo sa banyo at nagmumog. Lalo siyang nakaramdam ng gutom dahil mas malapit na sa kanya ang mga pagkaing niluto ni Gin.

"Babe, nasaan pala ang iba? Di ko nakikita sina Khuram at Torben.." Tanong niya kay Gin.

"Nanguha si Torben ng panggatong at nangaso naman si Khuram. Kailangan natin ng dagdag na karne dahil may mga bata tayong bisita." Tugon ni Gin sa kanya.

"Ah, ganun ba. Si Sid naman saan nagpunta?"

"Nagtungo naman siya sa pamilihan. Kailangan daw niya ng mga halamang gamot. Huwag mo na silang alalahanin dahil umuwi rin ang mga iyon mamaya. Kami na lang ni Aetos ang sasabay sa iyong kumain." Malambing na wika ni Gin sa kanya.

Hindi na siya nag-usisa pa at agad na tinugunan ang tawag ng kanyang sikmura. Ayaw rin niyang malipasan ng gutom dahil buntis siya.

Habang tahimik na kumakain ang tatlo ay isang sigaw mula sa silid ni Aetos ang kanilang narinig. Agad silang napatakbo upang malaman ang nangyari.

"Nasaan kami? Sino kayo?!"Sigaw ng batang lalaki habang yakap ang nahihimbing na kapatid.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi namin kayo sasaktan.. Kaya huminahon ka muna hijo. Ako si Naiad at sila ang aking mga asawa.. Siya si Gin at si Aetos naman ang nagligtas sa inyo. Natagpuan niya kayo sa gubat nang walang malay."

"Hindi ba ninyo kasamahan ang mga humahabol sa amin?" Naluluha ng tanong ng bata.

"Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa inyo. Pero narito kayo ngayon sa tahanan namin at nasa teritoryo kami ng Tribo ng mga Lobo." Kalmadong paliwanag niya sa batang nababakasan pa rin ng takot sa mukha.

Natahimik ang bata na tila nag-iisip. Sinisipat din nito ang paligid na tila sinisiguradong nagsasabi siya ng totoo. Pinunasan nito ang namumuong luha sa mga mata bago muling nagsalita.

"Maraming salamat sa pagliligtas ninyo sa amin.. Akala ko mamamatay na kami..bakit hindi pa gising ang kapatid ko? " Pigil sa pagluha ang bata habang nagsasalita.

"Sa tingin ko ay nagugutom kana. Mas mainam na kumain ka muna para bumalik ang iyong lakas. Hindi pa nagigising ang kapatid mo, kahapon lang ay inaapoy siya ng lagnat pero napainom na siya ng gamot kaya humupa na ang lagnat niya. Ngayon ay kumain ka na muna para may lakas ka na alagaan siya. " Mahabang wika niya sa nag-aalalang bata.

Tumango lang ang bata. Hinalikan nito sa noo ang natutulog na kapatid bago sumama kay Naiad upang kumain. Dahil sa ilang araw na di nakakain ay hindi nagkamayaw ang bata kung ano ang uunahing isubo.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon