Pag-aaral Sa Taglamig

316 19 6
                                    


Nagising si Naiad sa malapad na bisig ni Torben. Sa sobrang lamig ng gabi ay kinailangan niya ng extra heater at si Torben ang nahila niya. Nakayakap din sa kanya si Gin at nagkasya na lang sa bandang ulunan niya si Khuram. Hindi niya nakita sa paligid si Aetos, malamang sa labas na ito natulog upang magbantay.

"Good morning Torben.." Tumingala si Naiad at binigyan ng halik sa labi ang naalimpungatang oso. Kung nakaanyong tao lamang ito ay makikita ang labis na pamumula ng gwapong mukha ni Torben.

Pumaling ang babae sa kanyang likuran at sunod na hinalikan ang gising na rin na si Gin. Nakangiti itong tinugunan ang mainit niyang halik. Napahagikhik siya dahil ayaw pang bumitaw ng kapareha sa kanyang labi. Ramdam ni Naiad ang pag-iinit ni Gin dahil sa halik niya.

"Babe.. Baka gising na ang mga bata." Pabulong na wika niya sa kapareha.

"Huwag kang mabahala.. Tulog pa sila." Tugon ni Gin habang abala na ito sa paghalik at paghaplos sa kanyang katawan.

Alam niyang nagsasabi ng totoo ang kapareha dahil sa matalas na pandinig nito. Dahil sa walang tigil na paghaplos nito sa kanya ay nag-init na din si Naiad at tumugon sa mga halik ni Gin.

Hindi na niya alam kung paanong naalis ang mga saplot dahil sa pagkadarang niya sa ginagawa ni Gin. Naramdaman na din niyang kumilos si Torben sa likod niya at marahang humaplos sa kanyang likuran pababa. " Mukhang mapapasubo ako sa kanila ngayong umaga.." Isip ni Naiad. Hindi na din niya pinagkaitan ng atensyon si Torben at hinawakan ang pisngi nito upang maabot ang labi.

Abala na si Gin sa dibdib niya at si Torben naman sa kanyang labi. Mahihinang ungol ang pinakawalan ni Naiad dahil sa pleasure na nararanasan. Maya-maya pa ay biglang may pagkilos sa kanyang ulunan. Si Khuram ay gising na.

"Aba-aba... Mukhang nalimutan ninyo akong isali." Nakangisi nitong wika bago tumayo at nagtungo sa bandang paanan niya.

Napasinghap siya sa ginawa ni Khuram. Agad kasi ito pumwesto sa paanan. niya ay pinaliguan ng halik ang kanyang mga binti pataas sa kanyang hiya until he reach her spot. Kung dati ay baka nagtatakbo na siya sa hiya ngunit ngayon ay nasisiyahan na siya sa tuwing ginagawa iyon ni Khuram.

Di nagtagal ay napuno ng mga impit na pag-ungol ang kanilang silid. Kahit na tatlo pa ang kasiping ni Naiad ay buong ingat naman ang mga ito sa kanya.

Matapos ang kanilang "exercise" ay agad na inihanda na nina Torben at Khuram ang pampaligo at pagkain ni Naiad. Si Gin ay sinamahan lamang siya sa loob ng silid. Muli siyang nakaidlip dahil sa pagod.

***

"Ngayon ay uumpisahan na natin ang pag-aaral na bumasa." Pag-uumpisa ni Naiad. Nakapalibot sa kanya ang mga kapareha at dalawang bata habang nakikinig.

"Mahalaga na matututo kayong magbasa at sumulat dahil maaari tayong mag-usap ng hindi na kailangan pa magsalita. O magbigay ng isang mensahe sa kapamilya na nasa ibang lugar. Maaari din na magbigay ng tagubilin gamit ang pagsusulat. Higit sa lahat ay maganda itong paraan upang magpalitan ng impormasyon ng hindi nalalaman ng iba. Di ba masaya?" Excited na wika ni Naiad sa pamilya.

"Maganda ang iyong naisip mahal ko. Sige turuan mo ako." Pagsang-ayon ni Gin.

"Kami din po ni kuya, nais din namin na matuto." Nakangiting wika ni Nizu.

"Ako ang pinakamatalino sa tribo kaya di kana mahihirapan na turuan ako, aking reyna." May pagyayabang na wika ni Khuram.

Umiling lamang si Torben sa inasal ng kaibigan. Di man niya lubos na nauunawaan ang sinasabi ni Naiad ay sumang-ayon pa rin siya.

"Sabihin mo lamang kung kailan tayo mag-uumpisa. May mga kailangan ka ba sa pagtuturo?" Biglang sabat ni Aetos. Kung hindi ito nagsalita ay di mapapansin ni Naiad na nakauwi na pala ang ibon.

"Magandang tanong yan Aetos, nawala na sa isip ko ang mga kagamitan natin. Maaari nyo bang ilabas ang mga pinatuyo nating balat ng puno? Dahil wala pa tayong papel kaya iyon muna ang ating gagamitin upang magsulat. Kung may malalapad na tabla kayong makukuha ay pwede na iyon. Sa ngayon ay uling na lang muna ang ating ipansusulat dahil ito lang ang mayroon tayo dito sa bahay."

Agad na tumalima ang kanyang mga kapareha upang kumuha ng mga kagamitan. Ang kanilang malapad na pader ang ginawang black board ni Naiad. Isinulat niya ang alpabetong filipino at sa ibaba naman ay ang english alphabet. Hindi na rin niya pinalampas na turuan ng matematika ang mga kasama upang matuto ang mga ito sa pagbibilang ng malalaking numero.

Araw-araw ay ipinapasaulo ni Naiad ang alpabeto at mga pantig sa kanyang mga mag-aaral. Hindi niya akalain na sa maikling panahon ay kabisado na ni Aetos at Sid ang mga ito kaya mas nag- advance na siya ng itinuro sa mga ito. Iyon ang pagbabasa ng mga salita na kanyang isinulat. Hinahati niya ang oras sa pagtuturo ng Filipino, English at math.

Bilib din siya kay Gin dahil kahit na abala ito sa kanyang mga leksiyon ay nagagawa pa din na alagaan siya at siguraduhin na hindi siya nagugutom at komportabe lang palagi.

"Khuram, paki ulit ito. Mali ang sagot mo sa 3+4." Seryosong wika ni Naiad sa tigreng kapareha.

"Mahal ko, baka ikaw ang nagkakamali. Tingnan mong maigi.. Walo ang tamang sagot!" Pagpapaliwanag nito.

"Nizu, ano ang tamang sagot?" Tanong niya sa katabing bata.

"Pito po!" May confidence na sagot ni cute na bata.

"Tingnan mo at mas alam pa ng bata. Paki ulit na lang lahat maliban sa una."

"May naitama ako? Sabi ko na nga ba at ako ang pinakamatalino dito." Mayabang na sagot ng makulit na tigre.

"Haha, nakakatuwa talaga yang self confidence mo Khuram. Kahit naman siguro sino sa inyo ay masasagitan ang 1+1." Pigil ang tawang wika ni Naiad. Ayaw sana niyang mapahiya si Khuram kaya lang sobrang nakakaloka din talaga ito minsan.

"Torben kapatid! Bakit ka tumatawa diyan? May problema ka ba sa akin?" Pagpuna ni Khuram kay Torben na tahimik na tumatawa habang nag sasagot din ng gawain.

"Hindi kita tinatawanan kapatid. Pero kung gusto mo ng laban ay nakahanda ako." Sagit ni Torben.

"Manahimik na kayo! Tapusin nyo na muna ang mga iyan saka kayo maglaban sa labas." Pabulyaw na wika ng kanilang kapareha.

Kahit na abala sila sa pag-aaral ay pinapayagan pa rin niya na mag-ensayo ang mga ito sa pakikipaglaban dahil kailangan ng mga ito na mas maging mahusay pa sa pakikipaglaban. Dahil sa mundong mapanganib ay ang kaniyang mga kapareha lamang ang kanyang maaasahan.

"Aetos, napakahusay mo. Ikaw ulit ang pinakaunang makatapos. Dahil diyan ay ikaw ang tatabi sa akin mamayang gabi."

"S-salamat.." Nahihiyang wika nito sa kapareha.

Sobrang naging abala siya nitong mga nakaraang araw kaya wala na siyang panahon na matulog sa kanilang bahay. Kaya ang ayain siya ni Naiad na matulog kasama nito ay isang napakalaking biyaya na.

"Haha, bakit naman tahimik ka? Halika dito. Nami-miss na kita Aetos. " Agad siyang niyakap ni Naiad at binigyan ng halik sa labi. " Okay lang ba kung bukas ko na iche-check ang inyong mga sagot? Inaantok na kasi ako. Iidlip lang muna ako." Dugtong pa ni Naiad bago siya nagpabuhat kay Aetos.

"Magpahinga ka na mahal ko. Kami na ang bahala dito." Malambing na wika ni Gin bago siya halikan sa noo.

Si Sid ang nagpatuloy na tumanggap ng mga katanungan ng mga bata kabilang si Khuram. Ang iba naman ay nag-asikaso na magluto ng makakain ni sa hapunan. Alam ni Gin na mahilig si Naiad sa masasabaw na pagkain. Nakakatulong ito sa nararamdaman niyang lamig kaya palagi siyang nagluluto ng sinabawang karne.

Limitado na din ang kanilang mga gulay kaya kay Naiad lang ito nakalaan. Ang mga bata ay karne ang kniyang ipinapakain. Upang muling makapag imbak ng gulay ay muling lumabas sina Torben at Gin upang humanap ng ilang gulay sa gubat. Meron pa din kasing mga natitirang halaman doon na natatabunan lamang ng yelo.

Sa paglalakad ni Gin sa gubat ay may nakaagaw ng kanyang pansin. Malayo pa ang mga ito ngunit dinig na dinig niya ang yabag ng mga estrangherong nilalang.

" Mga  bhing patawad sa late update.. Huhu.. Palagi na lang ako nagso-sorry. Sira pa din kasi ang cp ko. Pasensya na kasi wala akong pambili ng bago. Basta sa tuwing mabubuksan ko ito ay pipilitin kong makapagsulat. SALAMAT SA INYONG LAHAT NA MATIYAGANG NAHIHINTAY SA AKING MGA UPADATE. AYLABYU MGA BHING! 😘😘🤗💜💜💜"

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon