*Patawad sa matagal na update. Sobrang busy lang talaga mga bhing.. 😔😭*
Habang dumadaan ang mga araw ay mas ramdam na ni Naiad ang lamig ng panahon.
"Ang ginaw! Grr.. Kakailanganin ko ata ng patong-patong na pang-ginaw." wika ni Naiad habang nagpapainit sa tabi ng apoy. Nakatalukbong siya ng makapal na kumot yari sa malambot na balat.
"Mas malamig pa yan sa pag-ulan ng nyebe." tugon ni Gin.
Yakap-yakap siya ng kapareha upang mainitan. Halos buong umaga nang nakaupo malapit sa apoy ang babae. Hindi kasi talaga siya sanay sa malalamig na lugar.
"Sandali, kailangan ko siguro ng exercise para pawisan kahit paano." agad siyang kumalas kay Gin at nag-umpisang mag warm up.
Tahimik lang siyang inoobserbahan ng mga kapareha. Natutuwa ang mga ito sa nakikitang kakaibang mga galaw ni Naiad.
Pagkatapos ng stretching ay ginawa na niya ang mga basic routine ng pag eehersisyo gaya ng lunges at plankings. Nagkatinginan pa sina Gin at Aetos habang pa simpleng nakangiti.
Halos di na sila napapansin ni Naiad dahil abala sa ginagawang pag eehersisyo. Hindi siya aware na sobrang nag-eenjoy na nag mga ito sa mga ginagawa niya.
Nanlaki ang mata ng mga ito nang mag-umpisa na siyang tumalon-talon. Lahat ng pwedeng umalog ay umaalog. Natulala si Gin habang may tumutulong dugo naman sa ilong ni Aetos.
BLAG! Nagulat silang lahat dahil sa mga nag bagsakang kahoy sa may pintuan.
Si Torben lang pala habang tarantang dinadampot ang mga kahoy. Pulang-pula ang mukha nito at agad ding lumabas ng bahay."Anong nangyari kay Torben?" naguguluhang wika ni Naiad.
"Ayos lang siya. Ituloy mo lang ang ginagawa mo.." tulala pa ding wika ni Gin habang nakangiti.
" Oo nga.. Sa tingin ko kailangan mo talaga ang ehersisyo.." duguan ang mukhang pagsang-ayon ni Aetos.
"Anong nangyari sayo Aetos?!" laking gulat ni Naiad paglingon kay Aetos.
Nahinto ang pag eehersisyo ni Naiad at inasikaso ang duguang ilong ni Aetos. Si Gin naman ay panay pa din ang pag udyok sa kanya na mag ehersisyo.
"Tama na! Titigil na ako! Para na kayong mga baliw jan!" sigaw ni Naiad.
Malungkot na natahimik ang dalawa. May bago na silang misyon ngayon. Ang panatilihing malusog ang pangangatawan ni Naiad.
Kinaumagahan ay biglang naalala ni Naiad ang pangakong pagbisita sa byenan at pinsan ni Gin. Agad siyang nagplano ng mga dapat gawin.
Abala siya sa pag aayos ng mga nais iregalo sa mga ito. May mga pagkain at tsaa na tiyak niyang magugustuhan ng byenan.
"Marami ka yatang dala. Sigurado ka bang ayos lang na marami kang ibigay sa kanila? Baka maubusan ka naman." tanong ni Gin sa kanya.
"Ano kaba mahal ko.. Sa pinanggalingan ko kasi ganito kami sa tuwing bibisita sa kamag-anak. Lalo na sa magulang ng aming kapamilya. Tanda ito ang paggalang at pasasalamat ko sa kanila."mahabang tugon niya sa kapareha.
" Ngunit hindi mo na kailangang mag-abala pa. Tiyak akong may pagkain naman nakalaan ang mga kapareha nila para sa kanila." nalilito pa ding wika ni Gin.
" Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Hindi ko nais na insultuhin ang kanilang pamilya. Alam ko na may kakayahan silang maglaan ng pagkain. Ang ibibigay ko ay tanda lang ng aking paggalang at pakikipagkaibigan. Regalo ko lamang ito sa kanila."
"Bakit hindi na lang mga bulaklak ang iregalo mo sa kanila?" curious ding tanong ni Aetos.
Labis talaga ang pag-aalala ng mga ito na baka maubusan siya ng makakain sa pagdating ng taglamig. May mga pagkakataon kasi na malakas ang bagyo ng nyebe at hindi nila kakayaning lumabas para mangaso.
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasyAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...