Habang kumakain ay nagpatuloy si Naiad sa paglalahad ng mga bagay tungkol sa kanya at sa dating buhay. Tahimik lang na nakikinig ang mga kapareha niya.
Inilahad niya kung ano ang uri ng kanilang pamumuhay. Kung paano sila manamit at ano ang iba't-ibang kasuotan na mayroon sa mundo.
Ibinahagi rin niya kung paano ang pulitikal na sistema ng bawat bansa at ang iba't-ibang lengguwahe ng mga bansang ito. Syempre hindi na niya mabanggit lahat dahil masyadong malawak ang mundo at hindi na niya ito napag-aralan.
"Oo nga pala may nalimutan akong banggitin sa inyo. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ako gaya ng ibang babae dito." Seryosong wika ni Naiad.
"Alam na namin yan. Kakaiba ka naman talaga. Katawan pa lang masasabi ko ng hindi gaya ng mga babae dito na sobrang matataba at mababaho." Nakapamaywang na sabat ni Khuram.
"Hindi pisikal na anyo ang tinutukoy ko. Ang sinasabi ko ay ang tungkol estrus ko..buwanan kasi ang sa akin. Hindi ako gaya ng iba na isa beses o dalawang beses lang sa isang taon. Labing dalawang beses sa isang taon ako kung datnan."
Nanlaki ang mata ni Khuram sa narinig. Napatayo naman si Gin. Nababakas ang pag-aalala sa mga gwapong mukha ng mga kapareha.
"Ibig sabihin ay maaari kang magbuntis ng dalawang beses kada taon.. Kamangha-mangha ang iyong katawan." wika ni Sid.
"Kaya walang sino man ang dapat na makaalam nito. Hindi maaring lumabas sa ating pamilya ang sikreto ko dahil magiging mapanganib kung malalaman ng ibang tribo lalo na ng mga feral." Pabulong na wika ni Naiad sa mga seryosong lalaki.
"Huwag kang mabahala mahal ko, lahat ng aming narinig ay di makakalabas ng bahay na ito. Ikaw ang pinakamahalaga sa amin at puprotektahan ka namin anuman ang mangyari." Tugon ni Gin sa nag-aalalang kapareha.
"Hindi ko sana gustong sabihin pa ito, kaya lang ay mahalagang impormasyon ito tungkol sa akin kaya may karapatan kayong malaman."
"Dahil sa mga nalaman namin ay mas pangangalagaan ka namin. Hindi ka maaaring mapahamak. Simula bukas kailangan namin na mas maging malakas pa." Seryosong wika din ni Aetos.
"Salamat Aetos, sayo din babe.. Simula din pala bukas ay tuturuan ko kayong bumasa at sumulat. Importanteng matuto kayo nun para magkaroon tayo ng komunikasyon sa isa't - isa kung sakaling may mangyaring di maganda."
"Maaari mo din ba akong turuan?" Nahihiyang tanong ni Sid.
"Oo naman. Lahat kayo ay tuturuan ko. May mga laro o libangan din akong ituturo sa inyo." Nakangiting tugon ni Naiad.
"Dahil mo lang ako sa iyong silid ay malilibang na ako.." Namumulang wika ni Khuram.
"Gusto mo talaga akong pagurin, ha Khuram?!"
Binatukan ni Torben si Khuram at sinenyasang manahimik na. Nakikita niyang mag-iinit na naman ang ulo ni Naiad sa kakulitan ng kaibigan.
"Patawad.." Agad nang tumahimik sa Khuram at nakinig na lamang.
Nagpatuloy ang kanilang usapan hanggang sa hapunan. May mga pagkakataong nagtatanong sina Gin at Sid sa kanya at sinasagot naman nya ito. Kadalasan ay tungkol sa pamumuhay at mga paraan ng paluluto at pagtatanim.
Si Aetos naman ay tungkol sa pakikipaglaban ang tinatanong. Nais niyang malaman kung paano ipinagtatanggol ng mga tao sa mundo ang kanilang mga sarili.
Masaya niyang ibinahagi na maraming uri ng martial arts sa mundo. May mga lugar kung saan itinuturo ang mga ito at hindi lang matatanda ang maaring turuan dahil ang iba ay nag-aaral na ng self defence kahit na bata pa lamang.
Sinabi rin niya na karaniwan ang mga kompetisyon kung saan pinapamalas ng mga kasali ang husay nila sa pakikipaglaban. May mga kababaihan din na mahusay sa martial arts.
Nagliwanag ang mga mata ni Khuram sa narinig.
"Maaari mo din ba kaming turuan ng martial Arts? At maaari din ba tayong magkaroon ng mga kompetisyon?", tanong ni Khuram.
" Ang totoo ay hindi namam ako marunong ng mga martial arts. Napapanood ko lang ang mga iyan sa tuwing may mga kompetisyon sa TV. Ang alam ko lang ay kung paano ang mga rules aa mga iyon. Halimbawa, sa boksing dapat ay mga kamao lang ang gagamiting sa pakikipagbuno. Sa katawan at mukha lang dapat maaaring sumuntok. May tagapaghusga na kasama ang dalawang naglalaban. May labing dalawang rounds iyon at di ko maalala kung ilang minuto bawat round. Sa taekwondo naman ay mga paa lang ang dapat na gamitin. Magsisipaan ang bawat isa, may katumbas na puntos ang bawat matagumpay na sipa. Masyado pang mahaba kung ipapaliwanag ko lahat kaya sa ibang araw ko na lang yan ibabahaging muli." Mahabang tugon ni Naiad.
"Nakakatuwa ang iyong mundo, kaya lang sobrang nakakadismaya ang mahihinang lalaki sa inyo." Umiiling na sambit ni Torben.
"Hahaha! Tama ka diyan Torben, sobrang mahihina talaga sila kung ikukumpara sa inyo. At saka dito halos lahat ng kalalakihan at napakagwapo samantalang sa lugar namin, kung sino pa ang mga panget sila pa ang babaero. Ngunit hindi ko naman nilalahat."
"Nakakaawa talaga ang mga babae sa mundo nyo kung ganyan lahat ng lalaki." Sabat ni Khuram.
"Tulad ng sinabi ko, hindi lahat ng lalaki ay masama. Marami pa din ang mabubuti at tapat sa kanilang asawa. Yung iba kahit na wala pang sariling pamilya ay mabuti naman sa kanilang magulang at kapatid. Hindi man malalakas ang mga kalalakihan sa amin ay bumabawi naman sila sa husay ng kanilang pag-iisip at mga kamay. Maraming mga gawain na tanging mga kalalakihan lang ang makakagawa. Gaya ng pagbuo ng mga gusali at bahay. Iba pa rin kasi ang kanilang pisikal na lakas kumpara sa amin."
"Ganoon pala.. Kung ganoon ay hindi na ako masyadong galit sa mga lalaki sa mundo ninyo. Pero di pa rin ako payag na pinagtatrabaho nila ang mga babae." Tugon ni Torben.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero para sa akin na lumaki sa hirap ay masaya ako sa aking mga pinagdaanan. Ipinagmamalaki ko na kahit ako ay isang babae, ako'y may kakayahan din na magtrabaho at makatulong sa aking pamilya. Sa mundo namin mahalaga na mayroon kang papel na ginagampanan maliban sa pagiging maybahay. Iba pa rin ang pakiramdam na kumita ng sarili mo salapi. Maraming pwedeng gawin ang isang babae at nasa kanya ang pagpapasya kung ano ang nais niyang gawin. Kalimitan lang na pumipigil sa bawat tao na mangarap at gawin ang mga nais sa buhay ay ang kahirapan. Hindi kasi lahat ng tao ay may kakakayahang pinansiyal. Halos lahat kasi kailangan tustusan ng salapi maging tirahan, serbisyo man o pagkain."
"Pasensya na kayo at napakahaba na ng mga nasabi ko. Baka nabuburyo ma kayo?" Natatawang wika pa ni Naiad.
"Sa totoo lang ay marami kaming natutunan sayo mahal ko. Kaya naman kaminay nalilibang sa iyong mga pagkukwento." Tuhon ni Gin.
"Kung ganoon ay pwede bang bukas na lamang ulit tayo magpatuloy ng kwentuhan? Medyo sumasama na kasi ang aking pakiramdam."
Agad na nagbahala ang kanyang mga kapareha. Naisip agad nila na baka dahil sa pagpupumilit niyang humawak ng snow kaya sumama na ang pakiramdam nito.
"Halika na at bubuhatin kita, mahal ko." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Gin.
"Ayos lang ako babe, kaya kong tumayo."
Nagpumilit siyang tumayo ngunit ilang hakbang pa lang ay bigla na siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo at agad na nawalan ng malay.
Tarantang itik naman ang kanyang mga kapareha sa biglang pagbagsak ni Naiad. Mabuti na lamang at nasa tabi niya si Gin at agad na nasalo ang kapareha.
Dinala nila ito sa kwarto at agad na tiningnan ni Sid ang kundisyon ni Naiad. May kaalaman si Sid sa panggagamot dahil siya ang napiling turuan ng kanilang manggamot sa tribo. Alam niyang magagamit niya ang pagiging manggagamot upang makakuha ng magandang kapareha.
"Wala akong nakikitang problema sa kanyang kalusugan. Isa na lang ang hindi ko pa nagagawang suriin. Gin maaari ko bang amuyin si Naiad sa parteng iyon?" Makahulugang tanong ni Sid sa kapatid.
Pagtango na lamang ang itinugon ni Gin bilang pahintulot.
Dahil sa pahintulot ni Gin ay na ginawa ni Sid ang dapat gawin, lumapit siya sa walang malay na babae at inamoy ang ibabang bahagi ng katawan nito. Agad niyang nalaman ang totoong kalagayan ni Naiad.
"Nagdadalang tao ang inyong kapareha."
BINABASA MO ANG
Ako sa Beast World
FantasíaAno nga ba ang gagawin ng isang pinay kung siya ay mapunta sa Beast World? This is my first time writing a story. Please don't judge me.. Kung hindi ito ang nais mong istorya o genre ay huwag na lamang basahin. Maraming salamat at happy reading sa a...