Ang Oso At Tigre Part 1

455 21 10
                                    

Mature Content 18+ only

Kahit gabi na ay nasa kagubatan si Gin upang mangaso. Kailangan niyang maging abala upang makalimot. Alam niyang hindi kayang ikubli ng pagod ang nararamdaman niyang paninibugho.

Ganito rin ang pakiramdam niya noong tanggapin na ni Naiad si Aetos. Tila dinudurog ang kanyang puso at paulit-ulit na tinatapakan. Nais niyang manakit at magwala pero di niya ito pwedeng ipakita sa minamahal.

Dahil sa matatag na pag-iisip ni Gin ay hindi siya nagagawang lamunin ng kadiliman sa kanyang puso. Mas nananaig pa rin ang pagmamahal niya kay Naiad.

Ang may mangyaring masama dito ang hindi niya kakayanin. Kaya kahit masakit ay handa niyang tanggapin ang mga bagong kapareha ni Naiad.

Muli siyang tumakbo ng mabilis at habang pinakikiramdaman ang paligid. Lihim niyang hinahangad na makatagpo siya ng mga feral upang may mapagbalingan ng galit.

"Torben halika na rito sa tabi ko.." nahihiyang wika ni Naiad sa nakatulalang oso.

Di pa rin makapaniwala ai Torben na magiging kapareha niya ang pinaka perpektong babaeng nakita niya. Wala sa hinagap na may tatanggap sa isang tulad niya.

Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa tabi ni Naiad. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. Ngayon lang siya nakahawak ng ganito kalambot na buhok.

Dumapo din ang palad niya sa makinis na pisngi nito. Mamula mula ang magandang mukha nito. Ang mahahabang pilik-mata na lubos na nakakaakit sa kanya.

"Sigurado ka na bang handa kana sa akin? Maaari ka pang tumanggi kung di ka pa handa.. Hihintayin pa rin kita.." pabulong na wika ni Torben habang marahang hinahaplos ang mukha ni Naiad.

Saglit na natigilan si Naiad sa sinabi ni Torben. Hindi kasi ito madalas magsabi ng saloobin. Hindi rin ito demanding sa atensyon niya at ginagawa lamang ang mga nakaatas na gawain sa kanya.

Hindi niya mapagkakailang isang mabuti at maalagang beastman si Torben. Hindi handlang ang pagiging malaking bulas nito at pagkakaroon ng masungit na aura upang hindi niya ito mahalin.

Isang tunay na papabear si Torben. Malaking lalaki at brusko ngunit tulad ng halos lahat ng kalalakihan sa mundong ito, gwapo din si Torben. Minsan iniisip niya kung "kakayanin" niya ba ito kung sakaling magsiping na sila. Ngayong gabi niya malalaman ang kasagutan.

"Handa na ako Torben. Wag kang mag-alala sa akin at hindi ako napipilitan." nakangiti niyang tugon habang nakatitig sa mga mata nito.

Dahil sa narinig ay hindi na nag-alinlangan pa si Torben. Agad siyang yumuko at marahang inilapat ang mga labi sa malambot na labi ni Naiad.

Pareho silang tila nakuryente matapos maglapat ang mga labi. Napapikit na din si Naiad at agad na tinugunan ang marahang paghalik ni Torben. Ang unang banayad na halik ay napalitan ng mapaghangad na halik.

Ang pananabik ni Torben ay unti-unti nang natutugunan ni Naiad. Hindi na naghintay pa at kusa nang hinubad ni Naiad ang mga saplot sa katawan.

Napanganga si Torben sa kagandahan tumambad sa kanyang harapan. Paghangang agad na napalitan ng pagnanasang matagal na kinimkim.

Napansin ni Naiad na tila di nito alam kung paano ang dapat gawin kaya siya na mismo ang nagkusang lumapit sa nakaupong si Torben.

"Aalisin ko na 'to ha.." nakangiti niyang wika habang tinatanggal ang munting bahag ni Torben.

Tumambad ang malaki at naghuhumindig nitong pagkalalaki. Malalaki ang kina Gin at Aetos pero ibang level ang kay Torben. Napalunok si Naiad at napaisip kung kakayanin ba kaya niya ang mala-bbc nitong alaga.

Ako sa Beast World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon