Napagpasyahan nilang dito nalang matulog sa condo ko.
Tulog na si Wena sa mahabang sofa habang si Precious naman ay inom pa ng inom.
'May kakaiba talaga rito kay Precious eh.'
Si Sanji medyo okay pa naman siya haha. Tumabi naman siya sa'kin.
"Oy,Max.May bumabagabag ba sa'yo?" tanong ni Sanji,nang mapansin niyang malalim ang iniisip ko.
"Paano nga kung may babae si Jarvis?" wala sa sariling sabi ko.
"Alam mo Max,masasagot lang 'yang mga tanong mo kapag tinanong mo siya.O kaya kapag nahuli mo siyang may kasamang babae." wika ni Sanji.
Dalawa lang ang kwarto sa condo ko kaya natulog si Wena at Precious sa guess room habang kami naman ni Sanji sa kwarto ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Pumunta agad ako sa banyo upang maghilamos at magmumog.
Pagkalabas ko ng kwarto ko nagtungo agad ako sa kusina para maghanda sana ng breakfast namin.Kaso nakita ko si Wena,siya pala ang unang nagising sa amin.
"Good morning,Max!" bati niya sa'kin.
Umupo naman ako sa upuan doon, "Good morning." bati ko sa kanya.
Maya maya ay nagising na sina Sanji at Precious.
Sabay sabay na kaming kumain,si Wena ang unang natapos samin kumain at nagmamadaling nagpaalam na samin dahil may aasikasuhin pa siya sa presinto.Nagpaalam na rin sina Precious at Sanji pagkatapos kumain dahil may schedule sila ngayong araw.
Pagkatapos ko hugasan ang mga pinagkainan namin ay pumanhik naman ako sa kwarto para maligo. Pupunta kase ako ngayon sa SYHT Publishing. Nagsuot lang ako ng yellow off-shoulder,high waist jeans at flat shoes. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok na kinulot ko ng kunti.
Nang dumating ako sa SYHT Publishing Inc. agad akong pumunta sa cubicle ko para asikasuhin ang collaboration namin ni Eliza, my co-writer. May plano kasi kaming gumawa ng series. Kinausap ko rin si Cristine,my new editor.Tinanong niya din ako sa mga opinion ko.Like,okay lang ba yung bookcover ng recent story ko ngayon?
Mabilis lumipas ang oras and it's 4pm nang mapagpasyahan kong umuwi.
Habang hinahanap ang susi ko sa bag ko, nag ring ang cellphone ko.
Nang makita ko ang caller at nalaman na si Jarvis iyon, sinagot ko agad ang tawag.
"Napatawag ka?" tanong ko sa kanya. Bigla ko naman naalala ang hindi namin pagcelebrate ng 3rd anniversary namin kaya naiinis pa rin ako sa kanya.
'It's our 3rd anniversary at dapat importante yun samin,sa kanya!'
[Nagtatampo ka parin ba? I'm sorry ok? Tinawagan kita kasi gusto kong bumawi sa'yo,let's have a dinner,hon.]
"Ok." maikling sagot ko.
Sinabi niya sa'kin kung saang restaurant kami magdidinner.
Pumasok agad ako sa kotse ko at pinaharurot iyon papunta sa paborito naming restaurant.Maayos naman ang suot ko kaya hindi ko na kailangang umuwi sa condo para magpalit ng damit.
Pagdating ko sa restaurant,nakita ko agad siya. Nakaupo siya di kalayuan sa pintuan ng restaurant kaya agad ko siyang nakita.
Nang nasa harapan na niya ako,lumapit siya sa akin.
"Good eves,hon." bati niya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.
Nang pareho na kaming nakaupo ay umorder na kami.Habang hinihintay ang order namin,tahimik lang kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/293976281-288-k589608.jpg)
YOU ARE READING
Embracing The Worth
Roman d'amourMaxjen Klea Aczid, a full-time author at a well-known publishing company. She's a famous author with her romance genre novels. She has an angelic face and contagious smile. But despite her smiles, anger hides in her heart. It started when she caught...