Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ang sakit sakit ng ulo ko ngunit nang makitang hindi pamilyar ang kwarto ay isinawalang bahala ko iyon at agad akong nagpanic.
'Ano bang nangyari kagabi? Nasan ako?'
Agad kong tiningnan ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Napahinga ako ng maluwag nang makitang parehong damit pa rin gaya ng suot ko kagabi. At pinakiramdaman ko rin ang sarili ko. Kung may masakit ba sa katawan ko. Napahinga ulit ako ng maluwag nang wala naman akong maramdaman. Thanks God buo pa ako!
Pero, teka sinong nagdala sa'kin dito?! At kaninong kwarto 'to?!
Inabot ko ang cellphone na nasa bedside table. Binuksan ko iyon at ganoon nalang ang gulat ko nang makitang mayroong sandamakmak na mga text galing kina Sanji, Precious at Wena. Tinatanong kong nasaan ako.
From Sanji:
Max, asan kana? Nag aalala na kami sa'yo!From Precious:
Umuna ka bang umuwi?From Wena:
Uy, Max. Uuwi na kami. Wer na u?Napahilamos ako sa mukha ko nang malaman na walang kaalam alam pala ang mga kaibigan ko! Basta ang naaalala ko lang kagabi ay nagpaalam akong mag CR. Pagkatapos kong mag CR ay may humarang sa'king lalaki at napasandal ako sa dibdib niya. Yun lang. Sino naman kaya ang lalaking iyon? Mukhang iyon ata ang nagdala sa akin dito!
Paglapag ko ng cellphone ko sa bedside table. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito.
'Hindi na talaga ako iinom, promise.'
May biglang pumasok sa isip ko. Agad kong hinanap ang bag ko. Oh my god! Baka nanakawan ako!
Nakita ko iyon sa isang mini table na andoon. Kaya habang sapong sapo ang ulo ay pumunta ako roon. Agad kong binuksan ang shoulder bag ko. Napahinga ako ng maluwag nang masiguradong wala akong nawala. Ilalapag ko na sana ang shoulder bag dahil kukunin ko sa bedside table ang cellphone ko para makaalis na. Nang may nakakuha ng atensyon ko. May dalawang Advil na naroon sa mini table at isang basong tubig. May nakita rin akong isang papel doon.
Noong nasa kama ako ay hindi ko iyon makita kanina dahil nakaharang ang shoulder bag ko. Ang munting papel ang nakaagaw talaga ng atensyon ko. Kaya kinuha ko iyon at binasa.
'Good morning. Please, take that Advil. Alam kong masakit ang ulo mo ngayon. Huwag kasing uminom kapag hindi naman kaya hehe.'
-Future mo ^_^
Habang binabasa ko ang sulat ay biglang pumasok sa isip ko si Aiden? Siya ba ang nagdala sa'kin dito? Argh! Nakakainis! Naikuyom ko ang kamao ko kasama ang papel nang matapos kong basahin ang nakasulat.
Mabilis ang paghinga nang kinuha ko sa bedside table ang cellphone ko at ipinasok iyon sa loob ng shoulder bag ko. Nang biglang may kumatok.
Binuksan ko naman iyon. At bumugad sa akin ang isang unipormadong babae na may dalang pagkain.
"Ma'am, andito na po ang breakfast niyo na pinahanda ni Sir. Ipapasok ko nalang po ba sa loob?" nakangiting sambit nito.
'Sir? So kilala niya kong sino ang nagdala sa'kin dito.'
Kahit naiinis, I remained calm.
"No, I'm leaving." I said.
Nakita ko naman ang pagkahiya ng babae, "O-Okay po." wika nito.
Pinigilan ko ang babaeng umalis.
"Btw, sino pala ang nagdala sa'kin dito?" tanong ko."Bawal pong sabihin." nahihiyang sambit nito.
Napakunot naman ang noo ko.
"Pero noong dinala ka po niya rito ay ibinilin niya po sa amin na dalhan ka ng breakfast pagkagising niyo po. At pagkatapos po nun ay umalis siya." bawi nito.
Napatango tango ako.
Nilisan ko ang hotel na iyon. Whoever that man ay wala na akong pakialam.
Sumakay ako ng kotse patungo sa Auztriex Condominium. Pagdating ko sa condo. Tsaka ko lang tinext ang mga kaibigan ko na okay lang ako.
Tiningnan ko ang oras. It's 8:30 am na pala. Dahil wala naman akong gagawin ngayon. Nakatulog ako pagkatapos kong uminom ng gamot para sa sakit ng ulo.
Alas onse ng umaga ng magising ako. Nagugutom ako kaya agad akong nagtungo sa kusina. Hindi ko trip kumain ng kanin ngayon kaya mga prutas ang kinain ko.
Habang ngumunguya ng apple ay nag-isip isip ako kung anong pwedeng gawin ko ngayon. Hindi naman pwedeng yayain ko sina Sanji magmall dahil busy sila kahit linggo. Sa huli ay napagpasyahan kong pumunta sa mansion. Halos isang buwan na ang nakalipas noong huli kong bisita roon.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumanhik sa kwarto upang maligo. At inihanda na ang sarili.
Wala akong sinabihan na bibisita ako sa mansion. Kaya nagulat sina mommy nang dumating ako.
Nakipagbeso-beso ako kay mommy.
"Mabuti at bumisita ka rito." sambit ni mommy.
"Maxjen. Is there a problem, anak?" nag aalalang tanong ni Dad.
Kakababa lang niya galing sa Office niya."Wala, Dad. Bumisita lang ako. Wala naman po akong gagawin sa condo kaya pumunta ako rito." nakangiting sambit ko.
Napatango tango naman ito. At umupo sa upuang nasa harapan ko na katabi ni mommy.
"Hon, I'm planning to have a new business." malambing na sambit ni mommy.
"What business, hon?" buong atensyon ni Dad ay na kay mommy na.
Tahimik na pinagmamasdan ko lang sila.
'Aw ang sweet'
Pero napatigil ako nang may napagtanto.
'Sa panahon ngayon wala na akong mahahanap na gaya ni Dad na mapagmahal at maalaga. Lahat ng lalaki mga manloloko!'
"Gusto kong magtayo ng Bakery." nakangiting sambit ni mommy.
"Ok, then." wika ni Dad at hinalikan ang noo ni mommy.
'Shet,lalanggamin ako dito eh!'
As usual, niyaya ko na naman si Dad na maglaro ng chess at may pusta ulit. Sa kasawiang palad, natalo ako. Si mommy naman ay nagbake ng blueberry cake para sa meryenda namin. Kahit natalo ako sa pustahan ay parang nanalo na rin ako nang matikman ko ang blueberry cake na hinanda ni mommy. Ang galing talagang magbake ni mommy! Siguradong sisikat agad ang Bakery niya kapag nagkataon.
It's 6:00pm nang napagpasyahan kong umuwi sa condo. Inaya pa nga ako ni mommy na sa mansion nalang magdinner ngunit tinanggihan ko. Nag order lang ako sa drive-tru ng McDo para sa dinner. Ginaganahan kasi akong magsulat ngayon. Kaya hindi pwedeng balewalain. Kumakain ako habang nagtatype. Ang raming idea ang nasa isip ko.
Kinabukasan ay pumasok na ako sa SYHT Publishing. Inaasahan ko nang ipapatawag ako ni Sir Klyron sa opisina niya. Kaya nang sinabihan ako ni Scarlett ay agad akong pumunta sa opisina nito.
"What's wrong with you, Max?" tanong nito na bakas ang pagka disappoint.
"What?" inosenteng tanong ko pabalik.
"Why? Bakit Tragic?"
Nakuha ko naman ang pinahiwatig niya.
"Well, okay naman po ang Tragic. What's wrong with that? It's realistic nga dahil we all know that in this world there is nothing permanent and even love can only be temporary." saad ko.
Bumuntong hininga naman ito.
"So from romance writer to tragic writer?" saad nito.
Napangisi naman ako dahil doon.
"Ano bang trip mo? Masyado ka namang bitter, Max." asar ni Sir Klyron.

YOU ARE READING
Embracing The Worth
Любовные романыMaxjen Klea Aczid, a full-time author at a well-known publishing company. She's a famous author with her romance genre novels. She has an angelic face and contagious smile. But despite her smiles, anger hides in her heart. It started when she caught...