CHAPTER 18

29 2 0
                                        

Pagkatapos kong kumain ay pumanhik na ako sa kwarto upang maghalf bath nang makatulog na.

Nakahiga na ako sa malambot kong kama. Bago pumikit ang talukap ng aking mga mata ay naalala ko ang mga nangyari kanina. Nakakapagod pala ang araw na ito!

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Nagluto ako ng breakfast ko. Nagtext rin sina Sanji na pupunta sila sa book signing ko.

It's 8am when I took a bath. Pagkatapos maligo ay nag ayos na ako. I wore white off-shoulder dress na pinaresan ng white flat shoes. Naglagay ako ng light make up at medyo kinulot ang straight kong buhok.

May kinuhang organizer ang SYHT Publishing. Hindi pala ito basta bastang books signing lang, meet & greet din ito. Kaya pagdating namin doon ay maayos na. Kasama ko pala sina Sanji, Precious at Wena.

Pagpasok ko palang, marami ng tao. Nakita ko agad sina Sir Klyron at Scarlett sa may stage!

Humiwalay ako sa mga kaibigan ko. Taas noo akong umakyat sa stage samantalang nakaupo naman sina Sanji sa unahan.

Nagsimula na ang event.

"Thank you so much for coming! Nakakataba po ng puso, seeing all of you here. I feel your endless support for me. And I truly appreciate it!" panimula ko.

Nagtuloy tuloy ang event. Umupo na ako sa upuang inukupa para sa akin. Nagsimula na akong pirmahan ang mga libro kong binili ng mga minamahal kong mambabasa. Kadalasan talaga hindi lang libro ang inaabot nila sa'kin. Mayroon din silang gifts sa akin gaya ng chocolates, biscuits, candies, flowers at iba pa.

Pagkalipas ng isang oras ay hindi pa ako natatapos magpirma. Pero Hindi ako napapagod and I always give genuinely smile to my readers.

May isang reader na nakakuha ng atensyon ko. Naka white t-shirt, black short, black leather jacket, black cap, white shoes, white mask at naka eyeglasses. Pero malinaw kong nakita ang nakakaakit na amber niyang mga mata.

He reminded me to someone....

He handed me the book that he bought.

Kinuha ko naman iyon at gaya ng ginagawa ko sa ibang readers. I smiled and ask him, "What's your name?"

"Reev." maikling sagot niya.
Sinulat ko ang mensahe ko sa kanya sa libro.

'Reev,thank you for supporting me. Take care always and be happy.'

At pinirmahan iyon. Inabot ko sa kanya ang libro, "Thank you for coming. I really appreciate your support." I sincerely said.

Ngunit pagkaabot ko sa kanya ng libro ay may ibinigay naman siya sa akin na isang bouquet ng red roses at isang hugis puso na chocolates.

Mas lalong nakakuha iyon ng atensyon sa mga tao roon.

Naisip ko na it's rude if tanggihan ko iyon.Kaya kahit nag aalangan man pero tinanggap ko iyon at nilapag sa mesa.

"T-Thank you." nakangiting sambit ko. Ngunit agad napawi iyon nang makilala ko kung sino siya. 

Tinanggal niya kasi ang mask niya, "You're welcome." nakangising sambit ni Aiden na nakakainis. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang ibinalik ang mask. Natatakot atang may makakilala sa kanya.

"What are you doing here?" bulong ko sa kanya 'yung sakto lang na kami lang dalawa ang magkakarinigan.

"Well, obviously. I am a fan." nakangisi niyang sambit.

Inirapan ko siya, "Whatever."

I can see the amusement of his eyes before he left.

It 5 o'clock in the afternoon nang matapos ang event. Hindi ako nakaramdam ng pagod bagkus kagaanan ng loob ang nararamdaman ko ngayon.

Sir Klyron congratulates me for successful event. Kuya Maxjon called me to congratulate me too.

Napagpasyahan naming magdinner nila Sanji sa isang Italian Restaurant. Habang kumakain kami ay panay naman ang aming kwentuhan.

"Your such a good author, Max." puri ni Wena.

"Sus, sinasabi mo lang 'yan kasi nilibre ko kayo." natatawang sambit ko.

"Max, sa susunod love story ko naman isulat mo." biro ni Precious.

Natawa ako, "Oo naman."

"Tapos patayin mo siya." pang aasar ni Wena. Napasimangot naman si Precious.

"Max, bakit di mo itry na maging international author?" tanong ni Sanji sabay simsim ng wine.

"Pag-iisipan ko pa." sagot ko.

Pagkatapos naming kumain. Dumiretso kami sa Quinco Bar. Sa una pa sayaw sayaw lang kami sa dancefloor at hindi umiinom. Ngunit nang mapagod ay umupo na kami sa pwesto namin. Tatlong sunod sunod na shot ng tequila ang tinungga ko. Pwede naman akong maglasing ngayon kasi saturday naman bukas. Atsaka hindi naman ako pababayaan nina Sanji.

Pagkalipas ng dalawang oras, umiikot na ang paningin ko. Medyo natamaan na ako ng alak. Nagpaalam ako kay Wena na nasa table lang namin. Samantalang sina Sanji at Precious ay nagsasayaw sa dancefloor.

"Wen, CR lang ako." paalam ko. Tumango lang ito.

'May pagkaboyish talaga ang isang iyon!'

Pa zigzag akong naglakad papuntang CR. Nang malapit na ako sa pintuan ay muntik na akong mabuwal. Mabuti nalang ay napakapit ako sa malapit na upuan doon.

Pagkapasok ko sa CR ay agad akong pumunta sa isa sa mga cubicle doon.

Narinig kong bumukas ang pinto ng CR.

"Girls, are you already know that Ayesha left Jarvis?" sabi ng babaeng boses na narinig ko mula s labas.

"Oh? Noong nakaraang buwan lang may nagviral na scandal nila, right?" wika ng kausap niya.

"Too bad, they're famous person especially Jarvis fiancee. The scandal spread like a virus." rinig kong sambit ng maarteng boses ng babae.

'Mga chismosa! Hindi ba sila nakakaintindi ng MIND YOUR OWN BUSINESS?!'

Nang narinig ko ang pagsara ng pinto ng CR ay tuluyan naman akong lumabas.

I stare myself in the mirror. Namumungay na ang mga mata ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago napagpasyahan na lisanin ang banyo. Ngunit hindi pa ako nakakaalis nang biglang may pumasok na lalaki. Tiningnan ko agad ang mukha niya upang makilala. At pag angat ko ng tingin sa kanya ay nakita ko agad ang pagngisi niya sa'kin.

I don't know if I'm just drunk. But I'm seeing Aiden right now, in front of me!

Duduruin ko sana siya ngunit nanghina ako at napasandal sa makisig niyang dibdib. Maya-maya naramdaman kong bumaliktad ang sikmura ko.

Sinukahan ko ang kanyang damit!

"WHAT THE—!" hindi ata inaasahan ng taong 'yun ang gagawin ko.

Napapikit ako. Naramdaman ko nalang na umangat ako sa ere.

At ang huling narinig ko ay ang sunod sunod na mura ng lalaking kumakarga sa akin ngayon.

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now