Dahan dahang tumayo si Jarvis habang iniinda ang natamong mga suntok galing kay kuya. Masamang tingin lang ang ginawad nito bago lumabas ng condo.
"What the fvck?! He's the one who cheated. At ang lakas pa ng loob niyang sisihin ka sa nangyayari sa kanya!" hindi pa rin kumakalma si kuya. Galit na galit pa rin ito. Kung hindi ko pa napigilan ay baka sumunod pa ito kay Jarvis.
Nang mapakalma niya ang kaniyang sarili, "Are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni kuya.
Pinunasan ko ang luha ko at tumango sa kanya. Agad naman niya akong niyakap.
"You're too precious to be cheated, lil'sis." kuya whispered.
Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Masyadong marami akong iniisip at naguguluhan din ako.
Kinaumagahan ay pumasok ako sa trabaho. Una akong kinumusta ni Sir Klyron. At ngayon naman ay kachika ko si Scarlett.
"Max, have you opened your social media accounts yet?" tanong ni Scarlett.
Umiling ako, simula kasi noong nangyari sa Selzio Company, hindi ko binubuksan ang social media accounts ko. Dahil alam ko, kapag binuksan ko ang mga iyon. Dagdag sakit ng ulo na naman iyon.
"You know what, Max? I'm so proud of you! Your readers are not toxic. At nakita ko sa social media na ipinagtatanggol ka nila sa mga bashers." balita sa akin ni Scarlett.
Napangiti ako, " Yeah, my readers and supporters....they mean a lot to me."
Dumating ang hapon, nothing important happens. Nagliligpit na sana ako ng mga gamit ko nang biglang pumunta sa cubicle ko si Scarlett.
"Max, this coming 23rd of August will be your book signing in MOA." she informed.
'It's five days from now.'
Napatango tango naman ako bilang tugon.
Pagkauwi ko sa condo ay nagluto ako ng hapunan, I cooked menudo. Ilang minuto ang nakalipas nang matapos akong magluto. Napagpasiyahan kong dalhan si kuya ng ulam. Pero pagkatok ko sa condo niya ay walang sumasagot, walang tao.
Saan naman kaya nagpunta si kuya?
Baka nasa barkada na naman ito. Pero sasabihan ako nun eh.Bumalik nalang ako sa condo at mag isang kumain. Pagkatapos kong kumain ay pumanhik agad ako sa kwarto. Gaya ng dati kong ginagawa. Nagpapalit ako ng pantulog na damit at humaharap sa laptop ko. Kaunting kabanata nalang at matatapos ko na ang nobela ko.
Pagkalipas ng ilang oras ay nakaramdam na ako ng pagkaantok. Kaya isinave ko muna ang aking naitype bago matulog.
Kinabukasan ay papasok na sana ako sa trabaho. Nakita ko si kuya sa parking lot. May kausap ito sa cellphone, hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.
"Ash, no matter what happens I will never leave you. I'm on my way to the hospital....okay, bye. I love you..." rinig kong sabi ni kuya sa kausap. Nang napabaling ito sa gawi ko, agad akong nagtago.
'Si Ate Ashley Daine ba ang kausap niya? And w-what? What about hospital thingy?'
Nang pumasok si kuya sa kotse niya at pinaharurot iyon. Agad akong sumakay sa kotse ko at sinundan siya. Pero mabagal lang ang pagmamaneho ko upang hindi niya mahalata na sinusundan ko siya.
Mabuti at hindi traffic. Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Scarlett.
"Girl, hindi ako makakapasok ngayon may emergency lang." napakagat ko ang ibabang labi.
[ Okay, sasabihin ko nalang kay Sir.] wika nito sa kanilang linya.
"Pero susubukan kong pumasok mamayang hapon." wika ko.
[Okay, sige. Ingats ka nalang.]
"Salamat, bye." at pinatay na ang tawag.
Nag focus na ako sa sasakyan ni kuya. Huminto siya sa Arilles Hospital, isang sikat na hospital dito sa Pilipinas.
'Ano kayang ginagawa niya rito?'
Nang iparada niya ang sasakyan sa parking lot at naghintay muna ako ng ilang minuto bago isunod na iparada ang kotse ko.
Nakita ko siyang pumasok sa hospital. Sumunod naman ako sa kanya pero sinigurado kong hindi niya mahahalata.
Nakasunod lang ako sa kanya. Ngunit biglang may nabunggo ako kaya nawala sa paningin ko si kuya.
Naiinis na binalingan ko ang nasa harapan ko. Pero natunaw ang pagkainis ko nang makita ang gwapo nitong mukha kahit magkasalubong pa ang kilay nito.
Pero t-teka parang pamilyar ang mukha niya ah?!
"Miss, tumingin ka nga sa dinaraanan mo." masungit nitong sabi.
Pati boses niya pamilyar din! Pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita dati.
"Ahm...I-I'm sorry. May s-sinusundan kasi ako." nahihiyang paghingi ko ng tawad.
Lumambot naman ang ekspresyon nito, "It's okay, but next time tumingin ka sa dinaraanan mo." sambit nito.
Aba't iniinis talaga ako nito ah?!
Umalis na ito sa harapan ko. At ako naman ay namomroblema kung saan bang kwarto pumasok si kuya.
Sa huli, napagdesisyunan kong umupo na nalang sa upuan na andoon. Na nagsisilbing nilang waiting area. Ayoko namang magbukas ng mga kwarto para lang makita si kuya at malaman kung ano ang pakay niya rito. What if ibang kwarto ang mabuksan ko, edi nakakahiya.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa lumalabas si kuya sa isa sa mga kwarto. Tatayo na sana ako at uuwi na sana. Tatanungin ko nalang si kuya mamaya. Ngunit napatigil ako nang biglang may kumalabit sa akin.
Namilog ang mata ko nang makita si Ysabelle.
Si Ysabelle ay isa sa mga kaklase ko noong high school. Hindi ako makapaniwalang isa siya sa mga nurse dito sa Arilles Hospital.
Nginitian ako nito, "Anong ginawa mo rito, Max?" tanong nito.
"Ah, may binibisita lang." sagot ko.
"Sinong pasyente? Baka kilala ko." sambit nito.
Nagdadalawang isip naman akong itanong sa kaniya. Baka mali ang hinala ko.
Nginitian ko lang siya. "Oy, kumusta ka na pala? May asawa ka na ba?" tanong ko.
Pabirong inirapan naman ako nito. "Well, okay lang naman ako. And I'm engaged." nakangiti nitong wika at ipinakita pa ang diamond ring sa ring finger niya.
Saglit akong natigilan ng may maalala ngunit napangiti rin sa kanya.
"Congrats, kailan ang kasal?" tanong ko.
"Sa December pa. Punta ka ha? Ipapadala ko sa'yo ang invitation." nakangiti nitong sabi.
Natigil ang usapan namin ng biglang tinawag siya ng kapwa niya nurse.
Babalik na sana ako sa pagkakaupo nang biglang bumukas ang pintuan ng isang kwarto. And unexpectedly, I saw kuya Kleo pushing a wheelchair....at si ate Ashley Daine na nakasakay dito.
I was shocked. Nagulat din sila nang makita ako. I saw ate Ashley Daine. Namamayat na siya, namumutla ang mga labi niya. Halos hindi na siya makilala dahil ang mahaba at itim niyang buhok dati ay kalbo na ngayon. At kitang kita sa katawan niya na nanghihina na siya.
'This is the reason why kuya came back here in the Philippines?'

YOU ARE READING
Embracing The Worth
RomanceMaxjen Klea Aczid, a full-time author at a well-known publishing company. She's a famous author with her romance genre novels. She has an angelic face and contagious smile. But despite her smiles, anger hides in her heart. It started when she caught...