Starting that day, Sir Klyron doesn't talk to me anymore. Ganoon naman ang mga lalaki diba? Why would they wasting their time? Kung tinanggihan sila, marami pang iba diyan at madali lang magpalit. But I think nachachallange si Sir Klyron sa'kin. Hindi ata niya matanggap na tinatanggihan ang isang tulad niya.
Sa tuwing pumapasok ako sa trabaho ay palaging may isang pulang rosas na nasa desk ko. I didn't keep it, I threw it on the trash can. Ano naman kasi ang gagawin ko sa bulaklak? Makakain ko ba 'yan? Hindi ko alam kong sino ang nagbibigay sa'kin ng mga bulaklak pero may hinuha ako kung sino.
It's been a month simula noong nangyari ang booksigning with my co-SYHT authors. Isang buwan na rin may nagpapadala ng mga pulang rosas sa desk ko. Pero ngayong araw ay kakaiba, mayroon na itong kasamang sulat. Binuklat ko ito at binasa.
'If you want to know me, let's meet in cafeteria now.'
Sa totoo Lang wala naman akong pakialam kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak. But I'm little bit curious who he is. So I found myself heading to the cafeteria. Whoever that man, I want to make him stop dahil wala siyang mapapala sa'kin.
Pagkarating ko sa cafeteria ay inilibot ko ang paningin ko. Kaunti lang ang tao rito ngayon dahil oras ng trabaho. Napatigil ang mga mata ko sa isang lalaking nakatalikod, hindi kalayuan sa'kin. Sumisimsim ito ng kape.
I walked towards him. Napaawang ang labi ko ng makitang si Sir Klyron iyon. Matamis na ngiti ang bati niya sa'kin.
"Have a sit." aya nito.
Sumunod naman ako. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"So, you're the one who sending me a red roses?" paratang ko sa kanya.
Nahihiyang napatango si Sir Klyron.
"Uhm, look. I'm sorry for being snobbish these past few weeks? I didn't mean that." panimula nito.
Huminga muna ito ng malalim bago sundan ang sasabihin.
"Maxjen, I like you not because you're one of the best seller author of SYHT Publishing. I like you in a romantic way." he confessed. Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa ibabaw ng mesa.
May hinala na ako dati pa na it's possible that Sir Klyron likes me. Ngunit nagulat pa rin ako sa pagtatapat niya.
"Can I court you, Max?" may pagsusumamo sa kanyang mga mata.
Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya. Dahan dahan akong napailing.
"I'm sorry, Sir. I don't want to give you a false hope. You know my past, right? I don't think that I'm ready for a relationship yet. I'm traumatize." paliwanag ko.
"Sir, you're like a friend and brother to me. So it's hurt for me too, that I found out that you like me in a romantic way while I like you as a family. I know after this conversation, it'll never be the same like before. I think it's better this way instead of getting deepen." I said and after that I left the cafeteria.
Pagkalabas ko ay nakahinga ako ng maluwag. Feeling ko gumaan ang pakiramdam ko. Bumalik ako sa cubicle ko. Naupo ako sa swivel chair at wala sa sariling napatingin ako sa calendar. Isang linggo nalang ay matatapos na ang contract ko.
May plano sana akong magpahinga muna sa pagsusulat. Nakapag ipon naman ako at magtravel lang muna sa ibang bansa.
It's 5 o'clock in the afternoon nang umuwi ako sa condo. As usual pinagluto ko ang sarili ko ng hapunan at pagkatapos hugasan ang pinagkainan ay aakyat sa kwarto para matulog.
Maaga akong nagising kinabukasan. Pupunta kasi ako sa gym. Sumasali kasi ako sa yoga. At kapag alas otso na ay bumabalik ako sa condo para mag almusal.
Papasok ako ngayon sa SYHT Publishing. Ang kaso ay hindi ako makakapagdrive ng kotse ko kasi coding niya ngayon. Kaya napilitan akong magtaxi. Saktong traffic pa naman kaya paniguradong late akong darating sa SYHT Publishing.
Nakahinga ako ng maluwag ng malapit na kami sa SYHT Publishing, ilang metro nalang. Ngunit napairap nalang ako sa hangin nang biglang tumigil ang taxi.
"Ma'am, nag aberiya po ang kotse ko." pahayag ng driver.
Wala akong choice kundi maglakad nalang papuntang SYHT Publishing.
"Ah. Okay lang, manong. Ito ho ang bayad." abot ko sa pamasahe.
"Malapit na naman ang SYHT Publishing, kaya ko na itong lakarin. Salamat." sambit ko at bumaba na ng sasakyan.
Nagsimula na akong maglakad papuntang SYHT Publishing Building. Napadaan ako sa Starbucks kaya napabili muna ako ng paborito kong Iced Caramel Macchiato with two pumps of white mocha.
Naaliw ako sa paglalakad papuntang SYHT Publishing. Kaya labis ang pagkagulat ko ng biglang may humablot ng bag ko. Isang lalaking nakabonet at puro itim ang suot.
"Tulong! Kinuha yung bag ko!!!" pagsisigaw ko.
Kinakabahan ako dahil naroon din sa loob ng bag ang wallet ko. Naroon ang mga importanteng bagay tulad ng credits card ko at ilang ID.
And suddenly, may isang lalaking humabol sa guy na nagholdap sa'kin. Luckily naabutan niya ang lalaki. Kwenilyuhan at pinagsusuntok niya ito. May sinabi pa ang lalaki sa holdaper na dahilan ng biglang pagkatakot nito. Kinuha ng lalaki ang bag ko sa holdaper at pinakawalan ang holdaper. Kumaripas naman ito sa takbo.
Naglakad papalapit sa'kin ang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya. Naka-white cup siya, naka-white na mask, naka-gray t-shirt at naka-slacks.
He handed me my bag. Chineck ko naman ang laman at nang masigurado kong walang nawala ay binalingan ko siya.
"Thank you." pagpapasalamat ko.
Inilapit niya ang bibig sa tainga ko.
"Take care, next time. I'm not always here to save you." he said in baritone voice. Nanindigan ang mga balahibo ko sa batok.
Hindi ko namalayan na umalis na siya sa harapan ko. It's weird, parang nakita ko na siya dati? His voice was familiar. But I can't confirm who he is.
Dahil sa nangyari ay mahigpit kong hinawakan ang bag ko papuntang SYHT Publishing. Pagkapasok ko palang sa building ay tulad ng parati kong ginagawa. Binati ko ang mga guard. Ramdam ko na pinagtitinginan na ako ng ilang empleyado. Ang iba ay bumubulong pa sa kausap. Para bang ako ang pinag-uusapan nila.
What's happening?

YOU ARE READING
Embracing The Worth
RomanceMaxjen Klea Aczid, a full-time author at a well-known publishing company. She's a famous author with her romance genre novels. She has an angelic face and contagious smile. But despite her smiles, anger hides in her heart. It started when she caught...