CHAPTER 23

21 2 0
                                    

Last day bago matapos ang kontrata ko sa SYHT Publishing ay nagkaroon ako ng issue sa kompanya. Iyon pala ang pinag-uusapan ng mga empleyado noong isang araw. Nalaman nilang binasted ko ang CEO ng SYHT Publishing. Hindi sila makapaniwala na ang aming butihing boss ay nagkagusto sa'kin. Naiirita rin sila sa pagbasted ko kay Sir. Mas okay na 'yung you're true to yourself even other people against it. But Sir Klyron promised that he will fix that. He also want me to comeback in SYHT Publishing pero sinabi kong pag-iisipan ko pa.

Sabado ngayon at nasa condo lang ako. Dahil tapos na ang contract ko sa SYHT Publishing ay nag-iisip isip ako kung ano bang pwede kong pagkaabalahan.

Gusto ko sanang magbakasyon sa Switzerland kaso malapit na ang kasal ng kaibigan kong si Ysabelle. So I decided to attend her wedding first bago pumunta sa Switzerland.

ANDITO ako ngayon sa bahay nina Ysabelle. Sinusukatan kaming bride maids ng napili niyang Fashion Designer para sa kasal niya.

"Ikaw, Max. Kailan mo balak magpakasal?" tanong ni Ysabelle sa'kin.

'Wala siyang alam tungkol sa lovelife ko.'

"Wala pa akong planong masakal...I mean makasal." sagot ko at uminom ng juice.

Kakatapos lang kaming sukatan. Ysabelle offered us snacks at nagkaroon kami ng time para magkachikahan.

"Max, you're 27 years old already. Ikaw nalang ata ang hindi pa nag-aasawa sa batch natin." sambit ni Ysabelle na binuntutan ng tawa.

I rolled my eyes, "Whatever, Ysa. It doesn't matter, as long as I'm alive."

"Bitter."

"Sorry, noong umulan kasi ng asukal nakapayong ako." sarkastikong sabi ko.

Mahinhing tawa lang ang naging tugon niya.

It's six o'clock at night when I decided to go home. Pagkarating ko sa bahay, agad akong nagbihis ng damit. May usapan kami nina Sanji,pupunta kaming bar ngayon.

Nakasuot ako ng black backless dress ngayon at pinaresan ng stiletto. Nang sa tingin ko ay kontento na ako sa ayos ko. I immediately go to parking lot then drive to Quinco Bar.

"Kakanta daw ngayon si Precious." sabi ni Sanji nang makadating ako sa palaging pwesto namin.

"Really? Where is she?" tanong ko.

"Andoon naghahanda na." tugon ni Wena.

Pansin kong ang dami palang customers ngayon. Who wouldn't come to Quinco Bar if the famous singer will be sing tonight here?

Maya-maya ay lumabas na si Precious, naghiyawan naman ang mga tao.

Naglakad siya sa gitna ng stage habang nakahawak ng microphone.

"Good evening guys, ahm...I have 3 songs that I'll sing tonight." panimula ni Precious.

"The first song is for my friend there." turo niya sa pwesto namin, kinawayan naman namin siya.

"That's our precious." sigaw ni Wena.

"Woah." nakisabay din si Sanji sa pagsigaw. Samantalang ako ay napapangiti sa kanila.

Oh,I love this kind of friendship.

"The second song is for you guys, thank you for coming here!" sambit ni Precious.

Naghiyawan naman ang mga tao.

"The third one....ahm, for the man that I've always loved, I know you're here?" kita ko sa mga mata ni Precious na may hinahanap siya.

"Oy, may pa 'the man that I've always loved' na pala si Precious ngayon." wika ni Wena.

Nagsimula ng kumanta si Precious. Friend of Mine by Lea Salonga ang kinanta niya for us. Next, Enchanted by Taylor Swift. At ang pinakahihintay namin, ang kanta niya para sa 'the man that I've always loved' niya.

Isa lang by Arthur Nery

Nakakatuon sa isang direksyon ang mga mata ni Precious habang kinakanta iyon. Hindi namin makita kung sino ang tinitingnan niya. Baka iyon na 'yung lalaking sinasabi niya.

Nang matapos siyang kumanta, agad na bumaba ng stage si Precious. Pero hindi siya sa amin patungo, pumunta siya direksyon kung saan nakatuon ang mga mata niya kanina. Hindi na namin siya nakita dahil sa rami ng tao.

"Baka andoon 'yung guy na sinasabi niya, hayaan nalang natin muna siya." sabi ni Sanji.

"Let's go to dance floor?" aya ni Sanji.

Tumayo na sina Sanji at Wena ngunit nanatili akong nakaupo, balak kong magpaiwan.

"I'll stay here." I said.

"Okay."

Isang oras ang nakalipas, dumating si Precious sa table namin. Nasa dance floor pa sina Sanji at Wena.

Mukhang hindi maganda ang pag-uusap nila 'nung guy kasi pansin kong galing pa lang siya sa iyak.

"Are you okay?" nag aalala kong tanong sa kanya.

"Paano naman ako hindi magiging okay, Max." sabi niya at binuntutan pa ng tawa.

"Okay."

Uminom lang kami ni Precious habang hinihintay sina Sanji at Wena. Sabay-sabay kasi kaming uuwi at siguradong sa iisang condo na naman kami matutulog lahat dahil sa kalasingan.

Maya maya ay nagulat ako sa biglang paghikbi ni Precious. Naparami na yata ang nainom niya.

"Max, he will never like me..."

She lean her head on my shoulder. Hinaplos ko naman ang buhok niya.

"He always saw me as her best friend and younger sister..."

Pilit ko siyang pinapakalma kasi her shoulder was shaking.

"He always pushed me away...."

"And it's hurt."

Ilang minuto ang lumipas ay napakalma ko na si Precious. Pero makatulog siya sa balikat ko, mabuti nalang at dumating na sina Sanji at Wena.

"Anong *hik nangyari dyan?" tanong ni Wena.

Lasing na rin pala ang dalawang 'to.

"Winasak ang puso." sagot ko.

"Okay lang 'yan, basta hindi winasak 'yung nasa gitna." wika ni Sanji at binuntutan pa ng tawa.

Ilang sandali ay nagising na si Precious. Dahil lasing silang tatlo at ako lang ang medyo matino sa ngayon ay ako ang nagdrive. Sa condo kami ni Sanji tumuloy, since iyon lang ang pinakamalapit sa Quinco Bar.

Inalalayan ko si Precious. Si Sanji at Wena ay nakakapaglakad pa naman ngunit pagiwang giwang.

Pagkapasok namin sa condo ni Sanji ay agad kaming nagtungo sa kwarto niya. Madalas kaming apat natutulog dito kapag sa Quinco Bar kami nag-iinom at kasya naman kami sa king size bed ni Sanji.

Habang nakahiga na kaming lahat biglang nagsalita si Precious.

"Bakit di mo ako magustuhan? Habol ako ng habol sa'yo pero tinutulak mo ako palayo. Ganon ba ako ka hindi mo gusto? Ha?"

Precious was sleep talking. Pero sino kaya ang lalaking sinasabi
niya?

"I hate you...I hate you...nakakainis ka."



"....Klyron Deiv Czaux."


Wait....what?! Si Sir Klyron? Wtf?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now