Araw ng linggo, kasama ko sina Wena, Precious at Sanji na magsimba. Opo, tama ang nabasa niyo. Kahit naman ganito kami ay palasimba kami. Ito ang lakad namin tuwing linggo kapag nagkaroon ng oras at walang importanteng inaasikaso. Nagsisimba kami pagkatapos ay kumakain sa paborito naming fastfood chain mula pa noong college kami, ang McDonald.
"Tara sa DAINE." yaya ko.
"Sure."
"Sige ba,basta libre mo."
"Yey! Shopping, shopping!"
Pagdating namin sa DAINE, as usual marami pa ring bumibili. Magaling talagang mamahala si ate Jessa.
Babayaran na sana namin ang aming mga piniling damit sa counter nang makita kami ni ate Jessa. Sinabing libre nalang daw sa amin iyon. Hindi na naman kami naiiba sa DAINE.
Papalabas na kami ng shop nang bigla naming nakasalubong si Aiden na naka black cap.
"Long time no see?" nakangising sambit nito.
"Hi, how are you?" nakangiting tanong ko.
"I'm good."
"Ahm...I finally move on?" may sasabihin pa ata siya ngunit tila nag aalangan ito.
Nakuha ko agad ang sinabi niya. Tungkol ito sa pagkamatay ni ate Ashley Daine.
Mukhang naramdaman ata ng mga kaibigan ko na may gustong sabihin si Aiden sa akin ngunit nag aalangan ito dahil nandito sila. Nagpaalam muna silang mag-iikot ikot lang.
"Sa parking nalang tayo magkita kita, Max." sambit ni Wena.
"Coffee?" aya niya.
"Sure."
Pumunta kami sa malapit na coffee shop. Pumwesto kami sa gilid kung saan glasswall lang ang nakaharang. Kaya nakikita ko ang mga nangyayari sa labas. Umuulan pala, kita ko sa labas ang mga taong may dalang mga payong at nagmamadali upang hindi mabasa.
Natuon ko ang atensyon ko kay Aiden nang nilapag ng waiter ang aming inorder na coffee. Tahimik lang itong nakatingin sa akin. Minuto ang lumipas at nakakailang na. Ano ba ang pakay niya?
"Do you have something to say?" naiinip na kasi ako. Inaya niya ako tapos wala din naman siyang sasabihin.
"Thank you." sincere niyang sabi.
Nag-abang pa ako ng susunod na sasabihin niya ngunit wala ng sumunod.
"'Yon lang ba ang sasabihin mo? I have something to do pa kasi."
Tatayo nasa ako nang hilain niya ako paupo uli.
"Stay."
Huminga ako ng malalim. Bakit ba siya ganyan? Tinatanong kong may sasabihin pa pero hindi naman sumasagot.
"Aiden, my time is too precious to waste. Marami pa akong gagawin, make it quick." wika ko.
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganito ang inaakto ko.
"I am the one who handle the Vaultrix Company now." biglang sabi nito.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"I accepted Dad's offer to me. I can't believe that Vaultrix Company is in stable states now from bankruptcy and it's because of me."
So? Pakialam ko naman?
"Congratulations,good for you. But why are you saying that to me?" nagtatakang tanong ko.
"Because you're the reason why I became who I am now." naging malamlam ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/293976281-288-k589608.jpg)
YOU ARE READING
Embracing The Worth
RomanceMaxjen Klea Aczid, a full-time author at a well-known publishing company. She's a famous author with her romance genre novels. She has an angelic face and contagious smile. But despite her smiles, anger hides in her heart. It started when she caught...