'Thanks God, gumaling na si daddy!'
Daddy informed us that he will go to work na. Hindi na namin siya napigilan dahil nagpumilit na talaga siya. Sa tingin ko ay ayos na naman siya dahil sobrang tigas na ng ulo!
Andito ako ngayon sa SYHT Publishing. Ipapasa ko na ang nobelang kakatapos ko lang isulat.
Nagtungo ako sa cubicle ni Cristine upang ipasa ang nobela ko. We also talked about the book cover. Maya maya ay bumalik na ako sa cubicle ko nang maging maayos na ang lahat.Hindi pa naman ako nakakaupo, Scarlett called me. Sinabi niyang may kailangan daw sa akin si Sir Klyron. Kaya agad akong nagtungo sa office nito.
Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. I saw him busy with his paperworks.
"Good morning, Sir. Do you need anything?" pormal na sambit ko.
"Drop the formality, Maxjen. Hindi ako sanay." he chuckled.
"Anong kailangan mo?" malamig kong sambit.
"Can I invite you for lunch?" tanong nito.
"Hindi pa kasi ako kumakain. Wala akong kasabay." pangongonsensya pa nito.
Kung dati ay papayag ako kasi nakakahiya kung tumanggi ako sa kanya dahil boss ko siya. Ngayon ay nagbago na. Ayoko ng mapalapit sa kahit sinong lalaki dyan.
"Uhm. I'm sorry, Sir. May gagawin pa kasi akong importante." pagdadahilan ko.
Napaawang saglit ang bibig niya. Hindi ata inaasahan ang pagtanggi ko.
"Oh, okay." tipid niyang sabi at tipid na ngumiti sa akin.
Pagkalabas ko ng opisina ni Sir Klyron ay dumiretso ako sa cubicle ko. Iniligpit ko agad ang mga gamit ko. Half-day lang kasi ako ngayon. Pupunta pa kasi ako sa shop ng pinagawan ko ng stickers and key chain. Bukas na kasi ang book signing ng SYHT Authors at naisipan kong iyon ang magiging freebies.
Pagdaan ko sa shop ay nakahanda na ang stickers at key chain na pinagawa ko. Nakalagay ito sa isang paper bag. Pagkaabot nito sa akin ay agad ko naman itong binayaran.
Pagkauwi ko ng condo ay naghanap ako ng maisusuot ko bukas. Hindi naman halatang excited ako di ba? Actually, it's my first time to go booksigning with my co-SYHT authors. Palagi kasi akong nagsosolo. I choose white square neck shirt and brown high waist trouser. Pagkatapos ihanda ang mga dadalhin ko bukas. I went to the kitchen and cooked beef steak for my dinner.After I ate, I wash the dishes. And go to my room to sleep. It's around 9'o clock when I go to sleep. Dahil maaga akong natulog, I woke up at 5 o'clock. Kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa gym, nasa baba lang iyon.
Pagkarating ko roon ay parang gusto ko nalang bumalik sa condo. I saw Aiden there, carrying a dumbbell with his two hand and damn his muscles flex. Tagaktak ang pawis, shit ang hot niya!
Oh. Shut up, Maxjen. He's a jerk!
Aalis na sana ako nang bigla siyang tumingin sa'kin. So, instead of leaving the gym. I confidently entered the gym. Kaysa naman isipin niya na iniiwasan ko siya o kaya I am affected to him. Naglatag ako ng floor mat na andoon. I'll do warm up first. I plunged my headset on my phone at hinanap ang pinakaborito kong kanta ni Taylor Swift na Mirrorball.
Pagkatapos kong magwarm up ay dumiretso ako sa treadmill. Hindi pa man ako nagtagal ng ilang minuto roon ay naramdaman ko na s gilid ng mata ko ang paggamit ng isang tao sa treadmill na katabi ko. Nilingon ko ito dahil napansin ko ang pagtitig niya sa'kin.
"Hey, breakfast?" nakangiting asong bungad ni Aiden.
Sinamaan ko siya ng tingin.
'What are he doing here? Don't tell me, pumunta lang siya rito sa Auztriex Condominium para maggym?'
"So sungit talaga." puna nito.
I rolled my eyes and top the stop botton in treadmill. Walang imik akong umalis doon. Nawalan na ako ng ganang mag exercise. Gusto ko nalang bumalik sa condo ko.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito.
'It's Aiden'
"Why are you avoiding me?" he said in baritone voice.
"Bakit required bang pansinin ka lagi?" nakataas kilay kong sambit.
Tumaas ang gilid ng labi niya. Tila ba naaliw sa'kin. Ngunit kalaunan ay naging seryoso rin.
Bigla niya akong hinigit palabas ng gym. Sa bilis ng panghahatak niya sa'kin ay hindi ko na alam kung saan kami pupunta. He immediately stop walking, sisinghalan ko na sana siya nang bigla niya akong isinandal sa pader na naroon. Nagulat ako ng hawakan niya ang aking panga at hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ay mas lalo akong nagulat sa kasunod niyang ginawa.
Sa isang iglap ay itinuwid niya ang pagitan ng aming mga labi. Natulos ako sa kinatatayuan ko. Nanatiling nakadilat ang mga mata ko samantalang siya ay nakapikit. Nang hiniwalay niya ang labi niya sa'kin ay may binulong siya sa'kin malapit sa aking tainga.
"I like you." he whispered.
Nanlaki ang mga mata ko sa mas lalong pagkagulat. Bigla akong natauhan, parang ginulo niya ang buong sistema ko sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kusa nalang lumipad ang mga palad ko papunta sa kanyang mukha.
Napatagilid ang kaniyang mukha sa lakas ng sampal ko. Nagpakawala ako ng nakakainsultong tawa.
"Well, the feelings are not the same. I won't like you! And I'll never like you! I don't want to say your face, again. You boys are the same." after I said that, I walked out.
Pagkapasok ko sa condo ay napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito. Wala sa sarili akong naghanda ng almusal at naghanda ng sarili para pumunta sa booksigning.
Pagpunta ko sa booksigning ay nilibang ko ang sarili ko sa pakikipagsalamuha sa mga kapwa ko manunulat. I feel guilty dahil alam ko sa sarili ko kahit hindi ko man aminin ay apektado ang buo kong pagkatao sa nangyari kanina.
Hapon na, kaunti nalang ang nagpapasign ng books. Napag-usapan naming mga SYHT Authors na magkaroon ng dinner sa isang restaurant. Kasama rin sa dinner ang aming boss, si Sir Klyron.
It's 8 o'clock nang matapos kami magdinner. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Saktong kasabay ko si Sir Klyron sa parking lot, tahimik siya ngayon. Hindi tulad ng dati na maingay siya, iyong tipong siya nagbibigay ng topic para makausap lang ako.
Papasok na ako ng kotse nang lumapit si Sir Klyron sa'kin. Mayroon siyang dalang bouquet of roses sa kaliwang kamay at ang kanang kamay naman ay nasa bulsa.
"Max, for you. Congratulations!" nakangiti nitong bati.
Tiningnan ko siya, ni hindi ko magawang suklian ang ngiti niya.
"Thank you, but you don't need to give me that." sambit ko.
'Alam ko na ang mga galawang iyan. Why men give flowers to women ba? Diba dahil gusto nila ang babae?'
He chuckled, "Accept it, it's my way of congratulates you."
"Then give my co-authors bouquet of flowers too when you congratulate them, Sir." I said in sarcastic way.
I know it's rude. I don't mean it, I think the day was just too much for me so that I can said those words.
![](https://img.wattpad.com/cover/293976281-288-k589608.jpg)
YOU ARE READING
Embracing The Worth
RomanceMaxjen Klea Aczid, a full-time author at a well-known publishing company. She's a famous author with her romance genre novels. She has an angelic face and contagious smile. But despite her smiles, anger hides in her heart. It started when she caught...