CHAPTER 20

27 2 0
                                        

Tinanong din ako ni Cristine, 'yung editor ko. Bakit daw naging tragic 'yung novels ko?

Ewan ko. Basta nagising nalang ako na nahiligan ko na ang tragic genre.

I know that hindi ito madali. Romance genre was my brand. Doon ako nakilala at talagang bihasa na ako sa pagsusulat ng ganoong genre. But now, I want to write something. Something that realistic. Iyong biglang sasampalin ka nalang ng realidad na sa mundong ito lahat pansamantala.

Linggo ngayon at kasama ko ang aking mga kaibigan sa pagsimba. Taimtim kaming nagdasal at nagpasalamat sa diyos sa lahat ng mga biyayang natatanggap namin. Hindi kami nagkaroon ng mahabang bonding dahil kahit linggo ay may mga importanteng bagay kaming aasikasuhin.

Pagkatapos magsimba ay nagtungo agad ako sa mansion namin. Nag alala ako nang tumawag si Mommy kanina lang na nahilo si Dad.

Pagkadating ko sa mansion ay pinagbuksan agad ako ng gate. Iginaya ako ng aming katulong sa kwarto nina mommy at daddy. Nasa pintuan pa lang ay natanaw ko na si daddy na nakahiga sa kama. Habang kausap naman ni mommy ang family doctor namin.

"Dad, how are you? Are you okay po?" nag aalalang tanong ko.

Ngumiti naman si Dad nang makita ako. "I'm okay, anak. Pahinga lang ito."

Bumaling naman ako kay mommy, "Mom, what happened? Bakit nahilo si Dad?"

"Iha, calm down. Okay lang ako." natatawa naman si Dad sa reaction ko.

Why? Anong nakakatawa? Nag- aalala ako. What's wrong with that? Am I really overacting? I just really....love my dad.

Umalis muna ng kwarto ang family doctor namin para makapag-usap kaming tatlo ng pribado.

"Your father, ang tigas ng ulo. He has a fever last night. And he's continuing do paperworks!" saad ni mommy.

"Dagdag pa na nagkaroon ng problema sa company." dagdag pa nito. Napahilot naman ako sa sentido ko.

"Dad naman, 'wag niyo naman ibabad ang sarili niyo sa trabaho."

"Anong gagawin ko? There's a problem in our company. Alangan naman tumunganga ako and do nothing." mahinahong sambit ni daddy.

"Kung sana pumayag ang kuya mo na maghandle ng kompanya...." hindi na tinuloy ni daddy ang sasabihin niya at nagbuntong hininga.

"I'm okay, I just need rest. And everything will be fine." wika ni dady with assuring smile. Para hindi na kami mag alala.

Kinagabihan ay tumawag sa akin si kuya Maxjon. He asked about dad's condition. And he's worried also. It was new to us ang biglang pagkasakit ni Daddy sa kabila ng mahabang panahon. Naalala ko na ikwenento rin ni Grandma sa amin ni kuya noong nandoon pa ako States ang tungkol sa pagkakasakit ni Daddy when he was a kid. Kapag nagkakasakit daw si daddy kahit lagnat lang ay matagal itong gumaling. Tumatagal ito ng halos isang linggo!

Dahil sa pagkakasakit ni Daddy ay madalang akong bumibisita sa mansion. Mommy took the paperworks. Si Mommy muna ang pumalit sa mga kailangang trabahuin ni daddy sa kompanya dahil nagpapahinga pa ito. At kahit magpumilit man siyang magtrabaho ay hindi pa rin namin siya papayagan. He needs to relax.

Sa totoo lang hindi ko pa rin maintindihan. Bakit pa kailangang magtrabaho kung mayaman ka na naman? Is it just all about money and power? Iyon nalang ba ang importante? Observe, look around. You will see that there are things na makakapagpasaya sa'yo at magpapagaan ng pakiramdam mo. It's better to have a simple life with happiness and contentment. To live a life to the fullest. And above all, a healthy lifestyle.

Sa sumunod na mga araw. Condominium, Publishing Company, Mansion lang ang pinupuntahan ko. Halos hindi ko na nga makausap ang mga kaibigan ko. Lalo na't malapit na ang deadline ng isang novel ko. May papalapit na booksigning din kasama ang SYHT Authors.

Sabado ngayon at narito ako sa mansion. Andito na pala ako umuuwi kapag weekend na. Naabutan ko si mommy sa kusina at abala na naman sa nakasanayan niyang gawin. She really loves baking.

"Good afternoon, mom." I kissed her cheek.

"Ano pong binabake niyo ngayon?" masiglang tanong ko.

"I'm baking banana cake." nakangiting sagot ni mommy.

Dahil abala si mommy at ayoko siyang maisturbo. Nagpaalam akong umakyat sa ikalawang palapag ng mansion. Pagkarating ko ay nagtungo ay ako sa pinakadulong kwarto kung saan ang kwarto ko kapag tumitira ako rito. Inilagay ko muna ang mga gamit ko roon at nagbihis. Bago puntahan si daddy sa kwarto nila ni mommy. Pagpasok ko sa kwarto nakita ko si daddy na nanonood ng TV. Napansin niya yata ang biglaang pagbukas ng pinto Kaya napabaling siya sa akin.

"Maxjen, you're here." malumanay na bati sa akin ni daddy.

Mapapansin na pumayat talaga siya at halatado na ang katandaan niya.

"Yes, dad. Remember po, umuuwi ako rito every weekend?" sambit ko. Napatango tango naman ito.

Pinatay ni daddy ang tv at ibinaling sa akin ang atensyon.

"Maxjen, palagi ka yatang nagpupuyat?" napansin niya yata ang eyebags ko.

"A-ano po, malapit na po kasi ang deadline ng nobelang sinusulat ko." hindi makatinging sagot ko.

Napakunot pa ang noo ni Daddy.

"Baka mamaya hindi mo na inaalagaan ng maayos ang sarili mo?" puna ni daddy.

"Bakit hindi ka magtayo ng sariling mo publishing company? Sa pagkakataong iyon ay ikaw ang nakakataas at hindi taga sunod lamang." dagdag pa nito.

Napatikhim ako, "Dad, I'm okay. This is all I want, sapat naman ang salary ko para matugunan ang mga needs ko." pangatwiran ko.

"Kahit na. Maxjen, the time will come na magkakapamilya ka."

"It's my husband's problem kung paano niya ako buhayin at ng magiging anak ko." iyon nalang ang tanging nasagot ko.

"And I think, I will never fall inlove again? Itinatak ko na sa isip ko na kapag may nakikipagkilala sa'king lalaki. They will do like Jarvis's did to me. I'm traumatize, dad." dagdag ko.

Napabuntong hininga si Daddy.

"Fine, just do what makes you happy." pagsuko ni daddy.

Napangiti ako.

"Thank you, dad." pasasalamat ko kay daddy.

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Niyakap ako ni daddy.

"Anything for you, anak."

"Masyado na kitang ini-spoiled, kaya nagagalit minsan sa'kin ang mommy mo." natatawang sabi ni daddy.


And that time I realized that I should find a man like dad. Pero paano ako makakahanap ng ganoong klaseng lalaki kung pare-pareho lang ang mga lalaki sa henerasyon ngayon? Manloloko!

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now