CHAPTER 14

31 2 0
                                    

Si kuya Kleo ang unang nakabawi sa aming tatlo mula sa pagkagulat.

"M-Max....what are you doing here?" hindi makapaniwalang tanong ni kuya.

"A-ahm...I'm r-really sorry kuya. My c-curiosity eats me again, I followed you. I was just worried about you, because I didn't saw you on your condo these past few days." paliwanag ko. Ibinaling ko ang tingin kay ate Ashley. Umiiyak itong nakatingin sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. I wiped her tears.

Andito kami ngayon sa kwarto ni ate Ashley dito sa hospital. I already sent a message to Scarlett that I will not go to SYHT Publishing this afternoon. Nagkwekwentuhan kami ngayon ni ate Ashley. Lumabas lang saglit si kuya para bumili ng lunch namin.

"So, ate..." nag aalangan pa akong magtanong sa kanya. Inaabangan naman niya ang sasabihin ko.

"Noong tumawag ka sa akin na kailangan niyo ng model, you're here in the Philippines already?" maingat kong tanong.

Nahihiya siyang tumango, "Yes."

Ate Ashley Daine has stage 4, brain tumor. It's the most common type of malignant brain tumor among adults. And it is usually  very aggressive, which means it can grow fast and spread quickly. Although there's no cure, there are treatments to help ease symptoms. Kaya hindi namin siya pinabayaan ni kuya. Palagi naming pinaparamdam na andito kami lagi sa tabi niya at hindi siya iiwan. Ang mga magulang ni ate Ashley ay bumibisita sa kanya tuwing gabi dahil inaasikaso nito ang kanilang kompanya na malapit nang malugi.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng pagbukas ng pinto. Ngayon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako dito sa upuang nasa gilid lang ng kama ni ate Ashley. Napuyat ako kagabi dahil sa pag uupdate ng nobelang sinusulat ko. Simula kasi nang malaman ko ang sitwasyon ni ate Ashley ay hindi muna ako pumasok sa SYHT Publishing.

Napatingin ako sa pinto. Pumasok ang isang lalaking naka black na leather jacket at black cap. He also wear a black sunglasses.

He reminded me to someone...

Parang slow motion na tinanggal nito ang sunglasses na suot. His amber eyes met my gray eyes.

Omg! It can't be him! Siya iyong nabunggo ko kahapon! At kung hindi ako nagkakamali, siya din iyong.... lalaking umistorbo sa pag eemote ko sa sasakyan sa parking lot ng Selzio Company!

Pareho kaming nagulat sa isa't isa. "Who are you?!" magkasabay pa naming tanong.

Malay ko ba kung anong koneksyon nito kay Ate Ashley.

"I'm Aiden, I'm her younger brother." wika nito at tiningnan ang natutulog na si Ate Ashley.

"Ate Ashley, never talks about you." mahina lang ang pagkakabigkas ko ngunit siguradong rinig niya iyon.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, "You, who are you?" seryosong tanong nito.

"My name is Maxjen. I'm one of her friends. I'm her boyfriend's sister." pakilala ko.

Napatango tango ito. Napatingin naman kami kay ate Ashley Daine na kakagising pa lang. Nagulat kami nang bigla itong nagsuka.

"Ako na ang bahala rito." sabi ni Aiden sa akin.

"Pwede ka nang umuwi, mukhang....puyat na puyat ka." dagdag na sambit nito ngunit nakatuon ang tingin sa ate niya.

"Sigurado ka?"

Tumango naman ito sa akin. Wala akong nagawa kundi kunin ang shoulder bag ko na nasa couch na andoon. Bumaling muna ako kay ate Ashley at nagpaalam. Inaantok na kasi ako, kulang ako sa tulog.

Pagdating ko sa condo. I immediately change my clothes. Umupo ako sa kama at saktong nakaharap sa'kin ang salamin na andun. Mukha akong zombie!

Tiningnan ko ang oras sa bedside table ko. It's 9:45 am, hindi pa ako kumakain ng agahan. Ngunit mas lamang ang antok sa akin kaysa sa gutom. I suddenly lay down on my bed. At hindi ko na nga napigilan, tuluyan na akong nakatulog.

Paggising ko, agad kong tiningnan ang oras. It's 3:26 pm, hapon na. Bigla namang kumalam ang tiyan ko. Sa sobrang puyat at pagod, napahaba ang tulog ko. Dala ang cellphone ko, nagtungo ako sa kusina upang maghanap ng makakain. Ayokong kumain ng kanin ngayon kaya gumawa nalang ako ng sandwich.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos rin akong gumawa ng sandwich. Kumuha ako ng juice sa fridge. Magsisimula na sana akong kumain nang tumunog ang cellphone ko.

It's kuya Kleo.

"Oh, kuya. Napatawag ka?" tanong ko kaagad at kumagat ng sandwich na ginawa ko.

[How's my Ashley?] kaagad nitong sambit.

Napakagat ako sa ibabang labi, "Ahm...pinauwi ako ng kapatid ni Ate, 'yung Aiden ata 'yon? Siya na daw ang bahalang magbabantay kay ate. Kaya andito ako sa condo." pahayag ko.

[What?!] natatarantang sambit ni kuya.

[What if Aiden hurts my Ashley?! They're not in the good term.] wika nito sa kanilang linya at rinig ko rin ang pagmamadali nito. Mukhang pupunta agad sa hospital.

"Kuya, chill. Walang masamang gagawin si Aiden kay Ate. Kapatid niya 'yun eh. And I saw Aiden's eyes the regrets and worries." mahinahong saad ko.

Pero what if....nagbait baitan lang 'yun sa akin kanina?

[ Bye, I'm gonna go there. I want to make sure my Ashley's safety.] huling sabi nito bago binaba ang tawag.

Kuya Kleo really loves ate Ashley Daine. And I hope I can find that kind of man.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa kwarto. I want to face the serves of reality to me.

Umupo ako sa study table ko at binuksan ang laptop. Huminga ako ng malalim bago buksan ang facebook account ko. Sabog ang notification, messages maging ang friend requests ko. Paano ba naman ay halos dalawang buwan kong hindi
binuksan ito.

Unang tiningnan ko ang notification. Marami ang nagtag sa'kin. Marami rin ang nag mention tungkol doon sa nag viral na video. Maraming salita ang binabato sa akin ng mga supporters nina Ayesha at Jarvis. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinitigilan. They also gave me messages. May isang post na nakapukaw ng atensyon. It was posted by Ayesha's supporter a week ago.

"Ang kapal naman ng mukha mo @Maxjen Klea Aczid. Pinahiya mo pa sina Ayesha at Jarvis. Sobrang insecure ka teh? Hindi mo natanggap na mas maganda si Ayesha sa'yo? Makaakto ka naman para kang asawa ni Jarvis kahit hindi naman. Uto-uto ka kasi, madaling maloko HAHAHAHA walang kwenta! Anong sabi ng iba? Magaling ka raw na author? Eh walang kwenta naman ng mga sinusulat mo eh, piniperahan mo lang mga supporters at readers mo, yvck!" 

Sina Sanji, Precious, Wena at Scarlett naman ang nagtatanggol sa akin sa comment section pati na rin ang mga supporters/readers ko. I thought maliit na gusot lang ito, hindi pala. Nakita kong gumawa pa ng group page para sa mga inggitera at clout chaser na kinamumuhian ako ‘kuno’. Pinangalan nila iyong Maxjen Bashers at Anti-Maxjen Klea. Nag scroll scroll ako doon sa group page, puro mukha ko na ginawa nilang memes. Puro mga post Kung gaano nila ako kinamumuhian.

And I saw the Admin of the group page.

It's no other than, Ayesha Mei Akienzy.

Ang hapon na mukhang hipon tss.

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now