CHAPTER 11

36 2 0
                                        

A month later...

Ngayong araw ang uwi ni Kuya Kleo. Kaya maaga akong nagising dahil dadaanan muna ako ni mommy. Para sabay kaming pumunta sa airport.

It's 8 o'clock in morning nang dumating si mommy sa condo ko. Mabuti nalang at nakaayos na ako pagdating niya. Alam ko naman kung gaano ka excited si mommy na makita si Kuya, kaya naghanda talaga ako.

Kuya Kleo lived in States for 20 years with our grandparents. Last time we met when we were 7 years old. Kaya ganoon nalang ang pagtataka namin na biglang siyang uuwi.

We're at the airport. Andito kami sa waiting area. Actually, 20 mins pa bago dumating si Kuya Kleo.

"Maxjen, ang tagal-tagal naman ng kuya mo." naiinip na wika ni mommy.

Pabirong inirapan ko siya. Ito talaga si Mommy may pagka ano. Ang aga aga pumunta sa condo tapos kapag pinaghintay, nagrereklamo.

Maya maya ay natanaw na nga namin si Kuya. When he saw us, he suddenly ran to us. Agad niyang niyakap si mama. Pinagmasdan ko siya, ang laki ng pinagbago niya! Dati payatot pa ito pero ngayon halatang alagang alaga sa gym.

Kumalas siya sa pagkakayakap kay mama at manghang binalingan ako.
Nakangiti siya ng malapad kaya nakikita ang magkabilang dimple niya.

"Lil'sis is that really you?!" hindi makapaniwalang sambit niya.

I rolled my eyes on him.

"Yeah, no other than. You're one and only gorgeous sister." nakangisi kong saad.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at agad akong niyakap.

Pagkatapos ng kaunting kadramahan sa airport. Napagpasiyahan naming kumain sa Auztriex Restaurant na isa sa mga sikat na restaurant ng bansa. Daddy already there. We choose to have lunch in VIP room.

Habang kumakain, nagsalita si Daddy.

"Kleo, what forced you to come home?" tanong ni daddy kay kuya.

"It's not really important, dad. I just want to breath Philippines air, I guess?" kuya answered with sarcastic tone.

Ewan ko ba pero hindi talaga nagkakasundo itong si Kuya at Daddy. After daddy said that kuya Kleo must manage our companies when kuya reach 30 years old. Hindi na naging maganda ang ugnayan nila. Kuya really unlikes business, he only want to be a photographer.

Naatigil sa pagnguya si daddy. "Maxjon Kleo, watch your words." ma awtoridad nitong wika. Nagkibit balikat lamang si kuya kay daddy.

Maya maya ay natapos na kaming kumain. Kaya puro kwentuhan at kumustahan naman ang nangyari.

"By the way, mom, dad. Hindi po ako titira sa mansion. I'll just buy a condominium for me." anunsyo ni Kuya.

"Bakit naman, Kleo? Ngayon ka nga lang umuwi, lumalayo ka pa sa amin." nagtatampong wika ni mommy.

"Mom. I will visit in mansion every weekends, promise." kuya said.

Kaya walang nagawa si mommy kundi payagan si kuya sa gusto nito. Sinabihan ko si kuya na bakante ang katabi ng tinitirhan kong condo. Pwede siya doon upang mayroon agad siyang malipatan.

"That's great, mababantayan kita." biro nito sa akin.

I chuckled.

'No, kuya. Ikaw ang babantayan ko. I know that you're not coming home for nothing.'

Natapos ang family lunch na iyon nang hindi maipinta ang mukha ni daddy. He really wants kuya Kleo to handle our companies.

Naunang nagpaalam sa amin si daddy
dahil mayroong meeting pa siyang pupuntahan.

"That's why I don't want to be a businessman. Kaunti lang ang oras para sa pamilya..." bulong ni kuya. Dinig na dinig ko naman iyon dahil katabi ko siya.

Inihatid kami ni mommy sa condo. Inayos ni kuya ang mga kakailanganin para makalipat sa katabi ng condo ko. Naging madali iyon dahil sa mismong araw ding iyon ay nakalipat na siya.

It's 6 o'clock at night. Nanonood ako ng Netflix sa TV nang biglang may kumatok. Pinagbuksan ko iyon, at nakitang si kuya pala. Pinapasok ko ito at isinara ang pinto.

"Jen, what do you want for dinner? I'll cook." nagtaas baba pa ang kilay nito.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya, "weh?"

"Oo nga, kaya sabihin mo na ang gusto mo. Baka magbago pa ang isip ko." sambit niya.

"Kuya even I want you to cook for me. You should rest, may jetlag ka pa." wika ko.

"Oh, my lil'sis is caring." asar sa akin ni kuya.

Inirapan ko lang siya, "Rest now in your condo kuya, iniistorbo mo ako dito eh." saad ko.

Napakamot ito sa batok, "Jen, seriously. I am okay, no need to rest." kumbinsi nito.

"So, what do you want for dinner?" seryosong tanong nito.

Nag-isip isip ako. Ano nga ba ang gusto kong ulam ngayon? Hmm...parang gusto ko ng sarsang isda. Matagal tagal na din akong hindi nakatikim nun. Ewan ko lang kung marunong magluto si kuya.

"Hmm...do you know how to cook sarsang isda, kuya?" nahihiyang tanong ko.

"Yes, of course. Yaya Glenda taught me to cook that." nakangising wika ni kuya.

Mabuti nalang at may stock ako. May isda rin ako sa refrigerator at lahat ng ingredients ay mayroon.

Nakaupo ako sa stool habang tinitingnan si kuya na naghahanda sa pagluluto. Pinanood ko lang ang bawat galaw niya habang nagluluto.
Halatang sanay na sanay siya sa pagluluto.

"Kuya, parang sanay na sanay ka ah. Where did you learn to cook?" tanong ko.

"Well, as I said earlier Yaya Glenda taught me to cook. And I worked as Chef Assistant for eight months." sagot nito.

"Wow!" manghang sambit ko.

Ilang minuto ang lumipas nang matapos si kuya magluto. Inihanda ko naman ang mesa para makakain na kami.

I ate silently. Kuya Kleo is a good cooker! Nagmana talaga siya kay mommy na magaling din magluto.
Until we finished eating, no one could talk.

Ako ang naghugas ng pinagkainan namin habang si Kuya Kleo naman ay nanonood ng TV sa sala. Nang matapos akong maghugas ng pinagkainan ay tumabi rin ako sa kaniya para manood.

"Are you okay?" hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng ganoon.Gaya ng palaging una niyang tinatanong kapag tumatawag siya sa akin.

"Yes, of course. Bakit naman ako hindi magiging okay?" natatawang sagot ko. Ngunit nanatili lang siyang seryoso. Napasandal ako sa balikat niya.

"Maxjen, always remember that kuya is always here. You can lean on me, lil'sis." he sincerely said.

With that, I can feel the 'what they called brother's love'.

 

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now