It's been a week since kuya Kleo arrived. At sa isang linggong iyon ay kasama ko siya sa pamamasyal ng mga tourist spot dito sa Pilipinas. Marami kaming nakuhang magagandang larawan. Remember he is a photographer?
I am with him today. Sinamahan niya akong magshopping. Kuya really making up with me. 20 years we don't see each other. Kaya namiss ko talaga siya ng sobra! Minsan ay pinipilian niya rin ako ng damit. Nakakatuwa, he really knows kung ano ang bagay sa akin.
Pagkatapos mag shopping. Napagdesisyunan namin na maglunch sa Jollibee. I remembered when we were kids. Mommy and Daddy brought us in Jollibee because it's our favorite.
"Do you remember the last time we were here? You look messy because you have spaghetti sauce all over your face?" natatawang sabi ni kuya.
I glare at him at kalauna'y napanguso. "Do you remember too? You cried because you wanted the sundae I ordered?" nakangisi kong sambit. Napatahimik naman si kuya dahil doon.
After eating, agad kaming umalis. We planned to visit mommy and daddy in the mansion. We promise that every weekends we will visit them.
Pagdating namin doon. Pinagbuksan kami ni Manang Flor. As usual mommy is on the kitchen. Mommy knows that we will visit here, because today is Sunday. While daddy is in his office. Even it's rest day he continued to do his paperworks.
His whole life revolved around business. He should enjoy himself too. Because life is short!
Kahit kakatapos pa lang namin kumain sa Jollibee ng lunch. Masagana pa rin naming kinain ang inihanda para sa amin ni mommy. We don't want to hurt mommy's feelings.
Pagkatapos naming kumain ay inaya ako ni daddy na maglaro ng chess. Samantalang sina mama at kuya ay nanonood ng movie sa netflix.
"Magpustahan tayo, daddy." aya ko kay daddy.
Napangisi naman ito, "Sure."
"10,000 ang pusta ko." matapang na sambit ko.
Hindi ko pa natatalo si daddy sa chess. Pero ewan ko ba kung bakit nakipagpustahan ako. Siguro ay maganda lang talaga ang mood ko para maglaro.
"20,000." sambit ni daddy.
Kinabahan naman ako doon. Nagsimula na kaming maglaro. Unang gumalaw ay si daddy. He moved the pawn na katapat ng queen niya. Ganoon din ang move ko. Maya maya unti unti akong napangisi.
"12 moves, checkmate." ngisi ngisi kong sambit.
Simula noong tinuruan ako ni daddy na mag chess ay hindi ko pa siya natatalo. Ito ang unang pagkakataon na nanalo ako sa kanya. Sa isip ko, baka pinagbigyan lang ako ni daddy dahil may pusta?
Nakipagshake hands sa akin si daddy na sumisimbolo na tanggap niya ang pagkatalo niya.
"You had a nice game, Max. I will put 50,000 on your credit card tomorrow." wika ni daddy. Lumapit ito sa akin at ginulo pa ang buhok ko!
Hindi namin namalayan na 2:30 pm na pala. Nakita kong pumunta sina mommy at kuya sa kusina. And I'm pretty sure na magbabake na naman sila for our snack. Just like when we were kids. We're 7 years old back then.
Daddy taught me how to play chess and mommy taught kuya how to bake.
Maya maya ay sumunod rin kami ni daddy sa kanila. Naghihintay lang kami sa island counter. Nang matapos ay pinalamig muna ni mommy ang cheesecake na niluto nila. Amoy palang masarap na! Excited na akong tikman ang binake nina mommy at kuya. Kaya agad akong kumuha ng apat na plato at tinidor. Habang si kuya naman ay kumuha ng juice sa fridge.
Sabay naming tinikman ni daddy ang cheesecake. While mommy and kuya are waiting our reaction.
Dahan dahan akong ngumuya upang manamnam ang sarap ng cheesecake. Pagkatapos ay sumubo pa ulit ako ng isa, napathumbs up nalang ako kina mommy at kuya. Grabe wala akong masabi, ang sarap!
Napatango tango naman si dad nang matikman niya ang cheesecake.
"It tastes good, love. " wika ni daddy kay mommy. Niyakap nito si mommy.
Pagkatapos naming magsnack ay napagpasiyahan na naming umuwi. Pagdating sa building ng condo namin. Agad kaming dumiretso sa kanya kanyang condo. Nagmamadali si kuya dahil may lakad sila ng kaibigan niyang si Damien.
Pagpasok ko sa condo, agad akong napahiga sa sofa. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa araw na ito. This day was so tiring yet so fun. This is one of my best memories with my family, especially with kuya. Indeed, he's the best kuya in the whole world!
Maraming nangyari sa araw na ito. At dahil sa kapaguran ay unti unting bumigat ang talukap ng mata ko.
It was 7:30 pm nang magising ako. Napagpasiyahan kong magluto ng adobong baboy para sa hapunan ko. After 30 mins ay natapos din ako sa pagluluto. Inihanda ko na ang mesa nang sa ganun ay makakain na ako. Susubo na sana ako nang biglang may kumatok.
Dali dali akong nagtungo sa pinto. Sa isiping si kuya iyon. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Jarvis. Nabigla ako, bakit siya nandito? Nang makita ko ang mukha niya. Bumalik sa akin ang lahat ng ala ala and it's really hurt.
Ang sakit at ala ala na ibinabaon ko sa limot ay kusang nahukay.
"What are you doing here?" walang emosyong tanong ko.
"Max, let's talk." may diin nitong sambit.
May napansin ako rito. T-teka! Nakainom ba siya?!
"No. You're drunk, Jarvis. Go home, now." sambit ko.
Pwersa itong pumasok sa condo ko. Nakita ko sa mga mata niya ang galit. Kaya na paatras ako dahil sa takot.
Before, everytime he leaned his eyes on me, I can see the love and care. But now, I only see the anger.
Ano ba ang kinakagalit niya? Sa katunayan ako nga ang dapat na magalit. He betrayed me, he's a cheater.
Nagulat ako nang inisang hakbang niya ang pagitan namin. Kung dati ay kinikilig pa ako kapag ginagawa niya ito. Dahil sigurado akong ang gagawin niya ay hahalikan ako. Pero ngayon, iba ang sitwasyon namin.
Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi gamit ang isa niyang kamay. May pagkakadiin ang pagkahawak niya kaya nasasaktan ako.
"Ano?! Masakit ba?!" nauuyam na tanong niya sa akin.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Wala akong magawa. "Max, you ruined me! My fvcking father disowned me!" bulyaw nito sa akin.
Ang kamay niya ay bumaba. Napunta iyon sa leeg ko. Sinakal niya ako. "And it's all because of you!" galit nitong sigaw.
Diniinan niya ang pagkakasakal sa akin. Kaya kaunti nalang ay hindi na ako makahinga. "My father disowned me, I'm no longer the CEO of Selzio Company, Selzio Company experiencing bankruptcy, Ayesha left me." tiim bagang sambit nito.
Hindi na ako makahinga....
Napamulat nalang ako ng biglang lumuwag ang pagkakasakal sa leeg ko. Nakita ko si Jarvis na nakahilata na sa sahig. I saw kuya Kleo punching him hard. Agad kong inawat si kuya. Baka mapatay niya si Jarvis!
"Kuya, tama na...." naiiyak kong pakiusap.
"You assh*le! Don't you fvcking dare hurt my sister again or I will kill you without hesitation!" galit na bulyaw ni kuya kay Jarvis.
YOU ARE READING
Embracing The Worth
RomanceMaxjen Klea Aczid, a full-time author at a well-known publishing company. She's a famous author with her romance genre novels. She has an angelic face and contagious smile. But despite her smiles, anger hides in her heart. It started when she caught...