CHAPTER 15

28 2 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang ang Ayesha na ‘yon pa ang admin! Well, ano pa bang ikagugulat ko? Makikita naman sa mukha niya.

Sa inis ko ay nireport ko ang group page niya. Pumunta naman ako sa group page ng mga supporters and readers ko. Medyo napakalma ako, magaan sa loob ang nakikita kong post doon.

"@Maxjen Klea Aczid you have us. When we starting love your stories, we starting loves the author too. Malulunod kana ata sa pagmamahal namin eh hihi. And about the viral video? Girl, Ayesha and Jarvis deserve it. Think positive, we... your supporters are always here for you. We love you!😘😘😘"

Sunod sunod kong binuksan ang iba ko pang social media accounts. At ganun din ang laman ng notification ko, tungkol pa rin sa issue sa Selzio Company.

Sa gabing 'yun ay pinilit kong makatulog. Hindi ako nag update ng nobela ko dahil gusto ko munang irelax ang sarili ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Napagdesisyunan kong pumunta sa hospital para bisitahin ulit si Ate Ashley.

Pagbukas ko ng kwarto ni Ate Ashley. Agad kong nakita si Aiden sa gilid ng kama nito samantalang natutulog naman si ate. I thought si kuya Kleo ang bantay niya ngayon? Nakahawak si Aiden sa kamay ni ate Ashley, nakayuko. Pansin ko ang pagtaas baba ng balikat nito. Umiiyak ba siya?

Tumikhim ako, kaya bigla siyang nag angat ng tingin.

Nagulat siya nang makita ako. Pero mas nagulat ako nang makita siyang may luha sa mga mata. Agad naman niya iyong pinahid.

Umiiyak talaga siya?! Actually, hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki ang pag iyak. May puso't damdamin rin naman ang mga lalaki, tao rin sila. But this is my first time seeing a man na umiiyak. Even daddy and kuya Kleo, hindi ko pa nakikitang umiyak.

Napatitig ako sa mukha niya, makikita dito ang pagod at puyat.

Inilagay ko sa mesang nandoon ang mga dala ko. Nagluto kasi ako kanina at sa isiping si kuya Kleo ang bantay kaya nagdala ako. I also bought his favorite iced coffee. Hindi rin ako kumain dahil gusto kong kasabay si kuya.

Nasaan kaya siya?!

"May inaasikasong importante si Kleo kaya ako muna ang nagbantay kay ate." saad ni Aiden nang mapansin ang ekspresyon ko sa mukha.

Napatango tango naman ako, "Okay, let's eat?" aya ko.

Binasa nito ang labi, "Is it okay with you?"

I chuckled, "Of course." I answered shortly.

Umupo siya sa tapat ko. We started eating silently but not awkward. Wala naman kasi akong maisip na topic. At hindi naman kami close.

"So, you're an Author of well-known SYHT publishing?" usisa nito.

"May pagkachismoso ka rin pala." biro ko.

"Well, yes. How did you know?" sambit ko.

"My friend owned that publishing. And of course, you're a famous author kaya. I love your books." saad nito.

"And also I love the author." dagdag na bulong nito ngunit hindi ko iyon maintindihan. 

Amusement was visible in my eyes. Hindi kasi halata sa mukha niya na nagbabasa siya ng mga ganoong libro. I thought men, never read romance story because it's cheesy.

"Ows, thank you for reading my books. I really appreciate it." nakangiting sambit ko.

"So, what do you do for living?" tanong ko.

"Well, I'm a model." sagot nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Omg, I never heard your name here in the Philippines. Are you modeling out of the country?" tanong ko.

Napangiti naman ito nang makita ang pagkainteresado sa mukha ko. "Yeah, I'm currently modeling in France." he answered.

Pero bakit hindi siya ang ginagawang model ni ate Ashley?

"Ate and I were not in a good term. May sarili kaming karera but one of us should sacrifice our career to handled of our family business. Pero walang nagpaparaya sa amin, we really love our career to sacrifice." pahayag niya.


Pagkalipas ng ilang linggo. Maayos naman, madalas nga lang kaming magkasama ni Aiden. Palagi niyang binabantayan si ate Ashley, he also said his sorry to ate and handled their business.

Andito ako ngayon sa bahay. Napagpasiyahan kong magpalaundry. Dala dala ang isang basket ng damit papalabas ng condo ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Aiden is calling....

[ Max, s-si ate...] rinig ko ang iyak niya sa kabilang linya.

Kinakabahan kong binaba ang tawag at dali daling nagtungo sa parking lot upang pumunta agad sa hospital.

Pagdating ko roon, nakita kong nasa waiting area sina Kuya, Aiden at parents nina ate Ashley.

Agad akong sinalubong ng yakap ng mama ni ate Ashley. Samantalang sina kuya ay nakatitig lang sa kawalan

"Ano pong nangyari?" kinakabahan kong tanong.

Bago pa nila ako sagutin. Biglang lumabas ang doctor.

"Who's the relatives of patient?" tanong nito.

Agad naman kaming lumapit sa doctor.

"I'm sorry, we did our best but the patient already gave up." doctor informed.

Tuluyan na ding tumulo ang mga luha ko. Napatakip ako sa aking bibig at napailing iling. Nakita ko si kuya, iyak siya ng iyak habang sinusuntok ang pader. I saw ate Ashley's father niyakap nito ang asawa at alam kong malungkot din ito sa pagkawala ng anak. And I saw Aiden, sa pangalawang pagkakataon nakita ko siyang umiiyak.

Parang kahapon lang, pinagbabalatan ko pa si ate Ashley ng mansanas. Parang kahapon lang nakikipagkwentuhan siya sa akin at ngayon bigla nalang siyang bumitaw.

Ate Ashley's parents ang nag asikaso ng burol niya at tumutulong din ako sa kanila. Wala sa sarili sina kuya at Aiden dahil hindi pa rin nila matanggap ang pagkamatay ni ate.

Panglimang araw na burol ngayon ni ate Ashley. Marami ang nakikiramay, halos lahat ata ng kaibigan ni ate ay pumunta. Nabigla din ang mga ito dahil hindi naman nag oopen up sa kanila si ate.

Andito ako ngayon naglalakad sa hardin ng mga Vaultrix. Nakita ko si Aiden na nakaupo sa bench na andoon, nakayuko ito. Agad ko naman itong nilapitan. Doon ko napagtanto na umiiyak ito. Hinugot ko ang aking panyo sa bulsa at walang salitang inabot sa kanya. Tinanggap niya naman ito. Halata sa mukha niya ang pagod at puyat. Namamaga rin ang mga mata niya dahil sa iyak.

Walang salitang isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Magrereklamo na sana siya, "Don't. Just rest." I said kaya hinayaan niya nalang ako.

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now