CHAPTER 16

29 2 0
                                        

Tahimik lang si Aiden habang nakasandal sa aking balikat. Kahit ako ay walang salitang lumabas sa bibig ko. Pero hindi naman ako naiilang sa katahimikan, mas narerelax tuloy ako. Maya maya ay naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ni Aiden sa balikat ko. Mabuti naman at nakatulog siya, ilang araw na kasi siyang puyat at pag iyak nalang ang nagagawa.

Si ate Jesica, ang manager ng DAINE CLOTHING ay nakiramay rin.
Isa ito sa mga matatalik na kaibigan ni ate Ashley. Isa rin ito sa mga dumadalaw kay ate sa hospital.

My family knows about ate Ashley. Nagsisi si mommy dahil palagi niyang pinagsusungitan si ate Ashley. Daddy's first love was ate Ashley's mother. Kaya ganoon nalang ang inis ni mommy nang malaman na may dugong Bercanni ang naging nobya ni kuya. But now, it doesn't matter. Pumunta sina mommy at daddy sa mansion ng mga Vaultrix kung saan pinaglalamayan si ate Ashley, buong puso silang nakiramay sa pagkamatay ni ate Ashley.

Ngayon ang libing ni ate Ashley. Hindi nila ito hinayaang ilibing sa sementeryo. Kundi sa likod ng mansion ito inilibing, gusto nilang mabisita't makasama lagi si ate Ashley Daine. Iyak ng iyak pa rin si kuya. He really loves ate Ashley so much.

Habang piniplay ang videos ni ate Ashley gamit ang malaking projector. Iyak ng iyak ang mga nanonood. Hindi ko din mapigilang umiyak. She's not only my ate but also my best friend. Mamimiss ko ang kwentuhan namin at ang pakikiusap niya sa akin na maging model sa mga bagong labas niyang damit.

Ilang linggo na ang nakakalipas. Sa mansion na kami pansamantalang
pinatira ni mommy. Dahil alam nilang malaki ang epekto ng pagkawala ni ate Ashley sa amin ni kuya. Alam niyang hindi namin maaalagaan ng mabuti ang mga sarili namin kaya dito kami nanatili.

Habang kumakain kami ng hapunan ay biglang nagsalita si kuya.

"I will go back to States." lintanya niya.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Are you sure, son? You will be okay there?" nag aalalang tanong ni mommy.

Nagpakawala ng malalim na hininga si kuya, "Yes, mom. I'll be okay there, I guess." wika ni kuya.

"I also want to fix myself there and....move on." dagdag ni kuya.

Tumango nalang si mommy samantalang si daddy naman ay walang imik lang na kumakain.

"Kailan mo balak umuwi sa States?" tanong ni mommy.

"Maybe next week? I really miss grandma and grandpa too." sagot ni kuya.

Nakakalungkot lang, hindi pa nga nangalahati ng taon ay babalik agad siya sa States. At sigurado akong matagal na naman kami muling magkita.

Sa taong ito marami ang nangyari. First, I was happy and excited dahil sa halos tatlong taon na pagsasama namin ni Jarvis ay magpapakasal na kami. Second, biglang naglaho ng parang bula ang iginuhit kong hinaharap kasama siya. He cheated on me. Kuya Kleo arrived in the Philippines. At first, we thought that he just missed us, so he came home. But the only reason was to find ate Ashley. I caught him and ate Ashley at the hospital. I knew that ate Ashley has a stage 4, brain tumor. Her brother introduce himself to me. And in just a snap, she died. I comforted her brother, my kuya cried a lot. And now....my brother go back in states dahil ang rason upang manatili siya rito ay iniwan na siya ng tuluyan.

Pagkalipas ng isang linggo. Hindi na nga magbabago ang isip ni kuya na manatili rito. Ngayon ang araw ng pag alis niya papuntang America. Tahimik lang ako sa biyahe at hindi ko siya magawang makausap baka umiyak lang ako. Ako lang ang naghatid sa kanya sa airport. Hindi kaya ni mommy na ihatid si kuya sa airport dahil sigurado itong makikiusap siya na huwag umalis si kuya Kleo.

"Are you ok?" tanong sa akin ni kuya pagkababa ng sasakyan.

Tumango lang ako sa kanya at tipid siyang nginitian.

Nang marinig namin ang flight niya ay agad siyang nagpaalam sa akin.

"So, this is it." sambit nito.

Hinalikan ako ni kuya sa noo. "Take care of yourself. Ikaw na ang bahala kina mommy. Ingat kayo lagi dito. I love you, lil'sis. Always remember that I'm one call away." lintanya nito.

Ang kaninang pinipigilan kong luha ay nagsiunahang umagos.

Ilang mga taon pa ang lilipas bago na naman kami magkita. I will really miss my twin.

"Parang tanga naman ‘to. Hindi pa naman ako mamamatay kaya huwag kang umiyak." natatawang sambit ni kuya at pinahiran ang mga luha ko.

"Oh sige na, mga paalala ko sa'yo ‘wag mong kalimutan." saad nito.

Sa huling pagkakataon ay niyakap ako ni kuya bago tumalikod at naglakad papalayo sa akin.



Sa mga sumunod na araw ay maayos naman. Nabalitaan kong si Ate Jesica na ang bagong may ari ng DAINE CLOTHING. Inasikaso pala iyon ni ate Ashley kahit nasa hospital siya. Natutuwa ako para kay ate Jessa dahil deserve niya iyon. Since day one nang itatag ang DAINE CLOTHING ay nandyan na siya at tapat siyang nagtrabaho rito.

Dalawang beses sa isang linggo ay nagkakaroon kami ng bonding kasama sina Wena, Precious at Sanji. Medyo maayos ayos na ako dahil puro ba naman kalokohan ang ginagawa nila kapag kasama ako.

Palagi na akong pumapasok sa SYHT PUBLISHING dahil gusto kong maging abala ang sarili ko sa mga bagay bagay. Madaling natapos ang nobelang isinulat ko kaya binigyan na naman ako ng bago.

At sa issue ko naman sa social media. Nilinaw ko iyon, nagpaliwanag ako sa kanila. It's not my problem anymore kung hindi sila naniwala. My fandom went bigger. Maraming tao ang pumupunta sa mga booksigning ko. My books also a top seller of the year. And because of that may isang sikat na Filming Company na nais gawing pelikula ang obra ko. Ngunit pag iisipan ko muna iyon. May mga Filming Company kasi na kumukuha lang ng characters sa libro ko at ilang mga scenes. Ang iba ay iniiba nila at iyon ang ayaw ko. Ayaw kong madisappoint ang mga readers ko. Gusto ko bawat detalyeng nasa libro ko ay kuha sa bawat eksena. Dahil malaking oras ang inilaan ko roon para pag isipan ang mga iyon.

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now