CHAPTER 7

45 2 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa tunog na galing sa cellphone ko.

Tiningnan ko muna ang caller bago sagutin.

'It's Kuya Kleo!'

"Hi,kuya! napatawag ka?" nagtatakang tanong ko.

Matagal bago ito magsalita, [Hey,Max how are you?] I rolled my eyes dahil sa tanong niya.

'May problema ito pustahan.'

Kuya Kleo is a type of guy na seryoso.For him,time is gold kaya dapat mga importanteng bagay lang ang dapat pagtuonan ng pansin.

"Don't how are you,how are you me, kuya may problema ba?" diretsong tanong ko sa kanya.

[No,I don't have a problem haha I just want to call my lil'sis.] he said but hindi yun nabenta sa'kin.

"Are you sure?" paninigurado ko,still hindi pa rin kumbinsido.

He chuckled sa kabilang linya, [By the way,nakita ko sa social media.Tatlong taon na daw kayo ni Jarvis ngayon?] paninigurado niya.

Kailan man hindi nangingialam ng lovelife ko si Kuya. I'm sure kaya ginagawa niya 'to para hindi ako magtanong tungkol sa kanya.

"Yeah,3rd Anniversary namin ngayon." kibit balikat kong sagot at naalala ko na naman pagkainis ko kay Jarvis.

[Oh,Is there something wrong? Bakit parang hindi ka masaya?] tanong ulit ni Kuya.

Iniwasan ko ang tanong niya, "Ah,about 'just you want to call your lil'sis' may kailangan ka pa ba?" balik tanong ko sa kanya.

[Uhm,wala na.Bye,ingat kayo dyan!] paalam niya ng makaramdam sa sinabi ko.

'Attitude talaga ako pagdating kay Kuya haha char.Ayoko lang talagang pag usapan ang pagcancel ni Jarvis sa date namin.At sigurado akong kapag nagkwento ako kay Kuya,marami ang itatanong nun.'

"Bye kuya,ingat ka din dyan,love you!" ibinaba ko na nga ang tawag.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko bago ilapag ito sa bedside table.

It's 3:45 pm na,bigla namang gumawa ng ingay ang tiyan ko.Doon ko naalala na hindi pala ako nakakain ng lunch dahil sa pag cancel ni Jarvis ng date namin argh!

Wala akong ganang kumain ng kanin kaya I ordered one box of pizza.

Habang kumakain ako ay nanonood naman ako ng Netflix.

Hours later nakaramdam ako ng pagkaboring. Kaya nagchat nalang ako sa group chat namin.

Maxjen:Yow girls haha.

Sanji:Kamusta date niyo?

Maxjen:Ayun hindi natuloy:<

Wena: tf?!

Precious:Bakit daw?

Maxjen:Nagkaroon sila ng biglaang meeting?

Wena:Naniwala ka naman?

Precious:Hindi sa pinag ooverthink kita,Maxjen ha? Pero what if may babae si Jarvis?

'Gagsti 'tong dalawang 'to oh,akala ko ba supportado sila kay Jarvis para sa'kin?'

Maxjen:Oy tumigil nga kayo haha.

Sanji:Hindi na ako mag talk.

Nagkwentuhan lang kami at pagkalipas ng mahigit kalahating oras ay nagpaalam na sila dahil marami pa silang gagawin.Habang ako naman,hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman ay nag scroll scroll muna ako sa mga social media accounts ko.

I also check my Maxjen's Bookstore facebook page.

It's 5:57 pm ng mapagpasyahan kung maligo.Feeling ko kase ay madumi na ako,lalo na at nakatulog ako kanina.

Pagkatapos kong maligo,nagbihis ako ng pambahay at pinatuyo ang buhok ko pagkatapos ay itinali iyon.

Nagtungo ako sa kusina para ihanda ang aking lulutuin.Sinabihan ko kase kanina si Jarvis na dumaan muna dito sa condo ko bago umuwi sa condo niya.

Plano kong lutuin ay sinigang na baboy at adobong baboy.It took me hours bago matapos ang niluto ko.Inihanda ko na ang pagkain sa lamesa at naglagay din ako ng wine doon.

7:00 pm to 8:00 pm hanggang sa mag 8:30 pm ay wala pa rin siya.Ready na ang lahat,presensya nalang niya ang kulang.Kaya tinawagan ko siya pero walang sumasagot.Sinubukan kong tawagan siya ulit pero walang sumasagot.Ilang beses na akong tumawag pero wala talagang sumasagot.

Maraming namumuong senaryo sa utak ko kaya bigla akong kinabahan.

One last time,I tried to call him dahil kung hindi pa siya sumagot I'll go to his condo to check him.

Nakahinga ako ng maluwag ng sinagot na niya, [Hey,hon. I'm sorry I can't go to your condo now,I'm tired.] wika nito sa pagod na boses.

Napabuntong hininga nalang ako.

"I can go to your condo,hon. Nagluto pa naman ako,dadalhin ko nalang sa'yo dyan ang niluto ko." I said.

"No need hon, busog pa ako. Just invite your friends sa dinner para hindi naman masayang ang luto mo.I badly need a rest right now hon,I'm tired. All I want right now is humiga sa kama at matulog ng mahimbing. So,ibababa ko na ang tawag.Don't be sad hon,ok? Let's have a date if we're not busy. I love you,bye!" mahabang lintanya nito.

Sasagot na sana ako ng bigla akong may narinig sa kabilang linya, [Jarvis...] malambing na boses ang narinig ko.

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat.Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi sa'kin ni Preciois na 'What if may ibang babae si Jarvis?'

Agad kong binaba ang cellphone ko at tulalang inilapag iyon mesa.
Ilang minuto rin akong nakatulala at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.Pinunasan ko ito, 'That's why he always busy and walang oras sa'kin dahil busy siya sa kanya at itinutuon ang oras sa babae niya?' nagtuloy tuloy ang pag agos ng luha ko.

It's hurt,it's really hurt habang iniisip ko ang mga bagay na iyon parang pinipiga ang puso ko sa sakit.Hindi man lang niya pinahalagahan ang 3rd Anniversary namin.Instead of celebrating with me,nasa ibang mga kamay siya.

Pinunasan ko ang pisngi kong may luha at pilit na pinapakalma ang sarili.Kahit nahihirapan ay nagtype pa rin ako sa group chat namin para imbitahin sila na dito na mag dinner.I also told them to buy a drink para mag inuman kami.Dahil sa pagkabusy this past few days hindi ko na mamalayan na malapit na pala akong ma out of stock.

Maya maya ay dumating na sila.Pilit ko na pinapasaya ang sarili ko,I also smiled at them but it's a small smile.

Nagsimula na kaming kumain.Tahimik lang sila at hindi nagtatanong sa'kin kung bakit ko sila biglang inaya.Mukhang hinihintay ata nila na ako ang kusang magkwento sa kanila.

Pagkatapos namin kumain,nagtungo kami sa sala.Doon namin planong mag inuman.

"Max,mag videoke tayo." suggest ni Precious.

Tinanguhan ko naman siya kaya agad niyang kinalikot ang DVD na naroon.

Nag inuman na kami at minsan kumakanta silang tatlo pero ako?tahimik lang.

"Max,kanta ka naman!" aya ni Sanji.

"Oo nga,Max.Parang kami lang ang nag-eenjoy dito eh!" sang ayon ni Precious.

Umiling ako at tipid na ngumiti sa kanila.

"Nag eenjoy na ako dito,oh." wika ko at itinaas ang baso na puno ng alak.

Embracing The WorthWhere stories live. Discover now