Chapter Two

3.5K 55 3
                                        

Halos ibato na rin Liway ang mga gamit nang makarating sa bahay. Mula nang magtanong ang lalaking nakasalamuha niya sa pag-aapply sa trabaho hanggang sa pagbiyahe at pag-uwi niya ay hindi na napawi pa ang inis niya. Pakiramdam niya, sobrang taas ng tingin ng lalaki sa sarili habang siya ay mababa.

"Putang ina niya kung gano'n," she spat. "Itsura at talento lang naman ang mayro'n sa kaniya. Sino ba siya sa tingin niya?"

Lumabas ang ina niya mula sa kusina nang marinig ang marahas na pananalita nito. "Oh, bakit? Galit ka na naman?"

Lumapit siya para magmano. "Eh, kasi naman, Ma! Ang sama ng ugali no'ng lalaki kanina. Kung ano-ano binibintang sa akin akala mo naman kung sino."

"Lalaki saan?"

"‘Di ba nga nag-a-apply ako ng trabaho. Iyong nag-interview sa akin kanina ay iyong magiging boss ko sana... Kung sakaling makuha ako. Pero, Ma, sa mga sinabi niya sa akin? Huwag na lang!"

Mahinang natawa si Meredith sa ugali ng anak. "Bakit ka pa kasi maghahanap ng trabaho? Sinabi ko naman na sa 'yo na puwedeng-puwede ka sa barbecue-han natin. Aba, kung kasama ka namin, baka maging restaurant pa iyon kapag ikaw na ang may-ari!"

"Ayaw ko, Ma! Gusto ko 'yong trabaho na ako ang binibigyan ng pera. Kapag nagmahal ang mga bilihin, ako pa mamomroblema kung sakaling ako ang nagmana riyan."

Umiling ang ina sa tinuran ng anak. "O siya, sige. Tulungan mo na lang ako. May mga tutuhugin pa ako sa kusina. Ikaw na gumawa."

Tumango si Liway at sumunod sa ina. Bumungad sa kaniya sa kusina ay ang mga pamangkin niyang sina Jester at Jones. May hawak ang mga itong tig-isang hotdogs at nilalaro na parang espada. May mga pa-sound effects pa ang mga loko.

"Hoy, kapag 'yan nasira ninyo kayong dalawa ang iihawin ko!" pagbabanta ni Liway sa dalawa.

"Si tita galit na naman," pang-aasar ni Jester, kinse anyos.

"Gutom ka po, tita?" tanong naman ni Jones, labing-isang taon.

"Heh! Manahimik nga kayong dalawa! Itigil niyo 'yan at tulungan niyo na lang ako."

Walang nagawa ang magkapatid. Magtatatlong taon na ring nasa abroad ang mga magulang nilang pareho at mula noon ay nakatira sila kasama ang tita, lola at lolo nila. Sa tatlong taong iyon, sanay na sila sa kasungitan at kalakasan ng bunganga ng tiyahin nila.

Tumulong sila at dahil tatlo naman ang gumagawa, mabilis din silang natapos. Sinabihan siya ng nanay niyang sumama sa pagtitinda kaya naman nagmadali siyang nagpalit ng de-kolor na damit at cotton shorts saka tsinelas. Binuhat niya ang ilang box na may lamang iihawin at saka dinala sa tricycle nila.

Bago umalis, kinuha muna ni Liway ang kaniyang cellphone. Mayroon siyang message sa kaniyang email account mula sa agency na pinuntahan niya. Taas ang kaniyang mga kilay nang mabasang nakuha siya sa trabaho samantalang binastos pa niya ang nag-interview sa kaniya. Bukod pa roon, wala pang sampung oras mula nang matapos ang interview. Napakaimposible namang makuha siya kaagad. Ipinagwalang-bahala niya iyon at umalis kasama ang mga pamangkin at ina.

Nakapag-set up na si Mang Paulo, ang ama ni Liway nang makarating sila. Nagsimula na kaagad silang mag-ihaw ng mga ilalako. Bukod sa ihaw-ihaw, nagbebenta rin sila ng street foods— nga tuhog-tuhog, banana cue, at mga inumin. Si Liway ang nagbantay sa pagpi-prito ng nga fishball habang ang dalawang pamangkin ay ang nagbantay sa "counter".

Habang nagluluto, tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang numerong nakapaskil, pero ni minsan ay hindi pa niya nakikita ang numerong ito— nagtatanong kung okay lang na bukas na siya magsimula. Inisip niya, baka wrong send lang. Pero mali, nag-reply ulit ito at kasama na ang pangalan niya. Sa inis, tinawagan niya ang numerong iyon para sana singhalan.

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon