Chapter One

4.4K 59 18
                                        

It took Ryle half an hour before he got to the agency because of heavy traffic. He was in his usual grumpy mood as the staffs greeted him. He strutted to the elevator to meet the applicants at the seventh floor. As much as possible, he wanted to personally assess them to avoid future problems like the one he has with his previous assistant.

Inside the interview room, women were lined up looking their best. May mga nakasuot ng formal, may naka-make-up, at may nagbabasa sa mga folder. Nilampasan sila ni Ryle at dumiretso sa kabilang kuwarto kung saan siya mismo ang mag-i-interview sa kanila. Bago makapasok, narinig niya ang pagsinghap at bulong-bulungan ng mga ito.

Unang pumasok ang isang matangkad na babae. Ngumiti siya Ryle at itinuro ang silyang nasa tapat niya. Ilang segundo ring tumitig ang babae bago tuluyang umupo.

"Good morning, you are?" bati ni Ryle habang inaabot ng babae ang resumé.

"Good morning, Sir. My name is Meghan Bautista. Twenty-seven years old—"

Sinenyasan siya ni Ryle na tumahimik habang ini-i-scan ang pinasang papel ng babae. Nang masigurong ayos na ang kaniyang background, sinimulan na niya ang pakay niya sa interview— to know who's the best P.A there is for him.

Ipinagsiklop ni Ryle ang dalawang kamay bago nagsalita. "So, tell me about yourself, Meghan. Iyong wala rito sa resumé mo."

"Okay," kinakabahang sambit ng babae. "I am a big fan of your boyband. Ilang beses ko na kayong napanood sa concerts, and I have a lot of albums as well. I found out about this job—"

"Where did you find out?"

Tumikhim ang babae. "From an insider. Nag-leak lang din kasi ang information sa group chats."

Tumango si Ryle. She's already a no-no. Ang isa sa mga hinahanap niya, hangga't maaari ay iyong hindi sana fan. Isa pa, nagbe-benefit ang babae sa private information, bagay na kinaiinisan niya sa lahat.

Bumaling si Ryle sa babae. "That's all I needed to know. The agency will contact you once you get in."

"Puwedeng humingi ng selfie?" nahihiyang tanong niya.

"No, you came here to look for a job, not a selfie."

Napahiyang nagtungo ang babae bago umalis. May tatlo pang sumunod na halos pare-pareho ang sagot. Kung hindi nalaman sa leaked information ay mukhang obsessed fan naman. Iilang tao pa lang ang nai-interview pero pakiramdam ni Ryle ay pasuko na siya.

Inutusan niya ang isang staff ng agency na ikuha siya ng pagkain bago pumasok ang panlimang applicant. Ang unang nakakuha ng atensiyon niya ay ang hanggang balikat nitong buhok na kulay pula sa dulo. Ryle eyed her up from head to toe.

Unlike the other women that came before her, ang isang ito ay parang pumasok lang sa isang cafe para kumakain. Paano ba naman, nakasuot ito ng puting sapatos, itim na pantalon at puting T-shirt na medyo malaki sa kaniya.

Sa isip ni Ryle, mukhang hindi man lang pinaghandaan ng babae ang pagpunta niya rito. It seemed as if she's just here for fun. He mentally facepalm when the woman almost tripped.

Iginala ng babae ang paningin sa kabuuan ng lugar bago umupo sa tapat ni Ryle. Umirap si Ryle sa hangin bago inabot ang hawak niyang folder. Binasa niya ang resumé ng babae at napataas ang kilay niya.

"Liway Izzet? Is that your name?" tanong niya sa babae. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya naka-encounter ng gano'n ka-unique na pangalan.

"Ah, ako? Oo, ako nga 'yon," prenteng sagot niya.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Ryle sa babae at sa kaniyang resumé. She is twenty-four years old, two whole years older than him. Sinuri niya ang itsura ng babae. He was caught off-guard, especially that she doesn't seem to look interested at him.

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon