Chapter Fourteen

2.3K 33 0
                                        

Liway's day was ruined the moment she opened her eyes. Pag-alis ni Ryle, sinermonan ulit siya ng mga magulang niya dahil sa pagdadala niya ng lalaki sa bahay nila. She knew her parents are right, and she's not mad about it. She's mad because she was embarrassed. She trusted Ryle that he would leave early like he promised.

Ang ending, napahiya silang dalawa sa mga magulang niya. Ni hindi nga alam ng mga magulang niyang may nangyari dati sa kanila ng boyfriend niya. It's not that they should know about it, pero ngayong alam ng mga magulang niyang may katabi siyang matulog, natatakot siyang pag-isipan siya ng masama ng mga magulang.

"Anak, bakit naman magkatabi kayong matulog ng boss mo?" singhal ng kaniyang ina. "Tingnan mo nga't halos hubad na siya nang katabi mo!"

"Ma—"

"Liway, umamin ka nga. Talaga bang natulog lang kayo?"

Napipi siya sa tanong ng ama. Hindi niya alam kung ano ang isasagot at pakiramdam niya ay hindi niya kayang magsinungalinh sa ama. Sa huli ay yumuko na lang siya.

"Bakit hindi ka makasagot? May nangyari na ba sa inyo? Kaya ba malaki ang bayad dahil katawan mo—"

"Tama na 'yan, Paulo!" suway ni Aling Meredith.

Hindi rin makatingin nang diretso si Liway sa ama. Alam niya sa sarili niyang hindi siya nagpapabayad pero binabayaran siya para magtrabaho. Kung tutuusin, ano nga ba ang trabaho niya? Independent si Ryle kaya medyo hindi tama ang utusan. Most of the time, all they do is have sex.

"Hindi po ako bayaran, Pa," she quietly replied.

"Kung gano'n, ayusin mo ang buhay mo! Hindi 'yong hinahayaan mo ang boss mo sa gano'n! Hindi kita pinalaking malandi!"

"Paulo!" singhal ni Aling Meredith. "Malaki na ang anak mo! Nasa tamang isip na 'yan! Wala ka nang magagawa sa mga ganiyang bagay!"

Dahil sa pagsuway ni Aling Meredith kay Mang Paulo, nag-away ang mag-asawa. It made Liway feel guiltier. Tahimik siyang bumalik sa kuwarto niya sa gitna ng pagsasagutan ng mga magulang niya. She then, received a text from Ryle.

From: Ryle

Liway, I need you this
afternoon around 2 PM.
I'll pick you up.

She never felt so guilty and humiliated her whole life. She can still hear her parents arguing about what she did. She covered her mouth to stop herself from crying when another message from Ryle popped up.

From: Ryle

I'm sorry for what I did.
It wasn't my intention to
stay there that late. Are you okay?

Magtitipa na sana siya ng sagot pero naramdaman niya ang mga luha niyang tumulo. Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga ito sa screen ng cellphone niya hanggang sa humihikbi na siya.

When she wiped the screen, she accidentally dialed his number. Ryle heard her sobs from and was worried for her. Hinintay niyang tumahan ang babae bago nagsalita.

"What's wrong, Liway?"

Liway was shocked when he heard his voice. She slowly put her phone beside her ear as she cleared her throat. She wiped her tears and fixed her posture as if Ryle is in front of her.

"Wala naman." She tried her best to make her voice sound normal.

"Why are you crying?"

"Wala 'yon. Huwag mo nang pansinin."

"Kaya mo bang sumama mamayang hapon?"

"Oo."

"I'm really sorry for what happened."

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon