Chapter Nine

2.7K 45 1
                                        

Hindi na sana lalabas ng kuwarto si Liway dahil nahihiya siya sa nangyari pero dahil gutom siya at wala naman siyang magustuhan sa kitchenette ng suite, wala siyang ibang nagawa kung hindi umalis. At sa kamalas-malasang pagkakataon, saktong palabas rin si Ryle ng suite niya na katapat lang ng kay Liway.

"Going out to eat?" tanong ni Ryle na parang nabasa ang isip ng babae.

"Oo."

"Sakto, kakatok sana ako sa room mo. I made lunch."

Nagtaas ng kilay si Liway. "Iniimbita mo ako?"

"Oo?" parang nag-aalangang sagot ni Ryle. "Bakit ko pa sasabihin sa 'yo? Para inggitin ka?"

"Ikaw at ako sa iisang kuwarto? Ayaw ko."

Ryle had his brows furrowed but later laughed. "Wow, you're scared to be in the same room na. Don't worry, we won't do it kapag ayaw mo."

"Talaga!"

Ryle opened the door to his room then tilted his head, as if asking her to come in. Umirap si Liway sa ere pero pumasok pa rin. Halos magkapareho lang ang suite na kinuha ni Ryle para sa kanilang dalawa.

Sa living area nakalagay ang mga pagkain. Steak and green salad at may orange juice na katabi. Mayroon ding nakatabing maliit na cake.

"Wala kang kanin?" tanong ni Liway.

"Wala, gusto mo ba? Puwedeng magsaing ako."

Umiling ang babae. "Okay na 'yan. Kakain na lang ulit ako mamaya."

"Wow, you're a heavy eater pala."

"Oo naman. Masarap kaya kapag busog na busog."

"But you have a nice body, to be honest. What's your workout routine."

Nagkibit-balikat si Liway. "Sama ng loob lang. Nakaka-drain din 'yon, promise!"

Ryle raised her brow, giving her an upside down smile. It's cute that she made herself comfortable in his suite. Nakaupo na ito kaharap ng mga pagkain.

Na-realize ni Ryle na wala pa silang gamit kaya kumuha siya ng pinggan at utensils. Pagbalik niya, he caught Liway taking a picture of the food then taking a selfie. He thought it was cute.

"Let's eat?" saad niya.

He gave Liway her own plate although may nakaseparate na talaga for the stake. Kumuha lang siya ng pinggan para sa cake na paghahatian nila.

"Bukas na raw magsisimula ang shooting," saad ni Ryle para hindi maging awkward ang katahimikan.

"Alam mo, aaminin ko lang ha? Kinakabahan talaga ako."

"Why?"

"Hindi naman kasi ako magaling umarte. Paano pala kung mukha akong tanga sa video?"

Umiling si Ryle. "Honestly, they gave us a preview of their vision and I can say, it's gonna be an easy shoot. Plus, hindi ka naman na magsasalita roon. It's a music video so..."

Tumango si Liway. "Sana naman kahit papaano'y mabigyan ko ng justice. Paano kapag wala tayong chemistry?"

Ryle laughed. "Trust me, maganda ang kalalabasan nito."

"Tanga, wala akong tiwala sa 'yo."

They both laughed with what she said. It has officially become their inside joke. Tumuloy silang dalawa sa pagkain, and while they were at it, they decided to get to know each other some more.

"You know, you're two years older than me," saad ni Ryle.

"Oh, 24 ka la lang?" Liway asked, shocked.

"Yeah."

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon