Chapter Thirteen

2.5K 38 1
                                        

"Diyos ko, sino 'yan?!" sigaw ni Aling Meredith nang pumasok sa kuwarto ng anak.

Naalimpungatan si Liway sa pagsigaw ng ina kaya nagising siya. Ipinalibot niya ang tingin sa paligid at nagtaka nang makitang nakatayo ang mga magulang sa harap niya. Nakapameywang ang ina habang salubong na salubong ang kilay ng ama. Babangon na sa siya nang maramdaman ang kamay na nakayakap sa kaniya.

She looked behind her only to realize Ryle was still sound asleep behind her. Nataranta siyang tumayo at muntik pang mahulog sa kama. Niyugyog niya ang katawan ng lalaki habang nag-aalalang tumingin sa mga magulang.

"Ryle, gising! Ano ka ba!" singhal niya at saka kinurot ang braso nito.

"It's too early! Matutulog pa ako!" he answered with eyes closed.

Bumaling pa ang lalaki sa ibang direksyon pero wala na siyang nagawa nang hampasin ni Liway ang likuran niya. He grumpily sat down as he rubbed his eyes. But his grumpiness drained from his body when he saw Liway's parents looking angrily at him.

"Liway, sino 'to?" singhal ng ama. "Hindi ka nagsasabing mag-uuwi ka pala ng lalaki?"

Mabilis na umiling si Liway. "Pa, hindi! Boss ko—"

"Ay, punyeta kang bata ka!" singhal naman ng ina. "Huwag kang magsisinungaling sa amin, anak!"

Tumayo si Ryle at sinubukang makiusap. "Ma'am, Sir, I am your daughter's boss. Late ko na po siyang naihatid kaya nakitulog ako."

Bumaling si Mang Paulo sa kaniya. "Nakitulog pero halos hubad ka na? Boss pero nakayakap ka sa anal ko?! Ay, hijo, hindi ako pinanganak kahapon!"

Dinuro ni Aling Meredith si Ryle. "Nobyo ka ba ng anak ko?"

"N-Nobyo? What's that?"

Pumagitna si Liway si kanila. "Ma, Pa, Ryle, kumalma tayong lahat. Magpapaliwanag ako. Puwedeng sa sala na lang?"

Wala namang nagawa ang mga magulang niya at umalis sa kuwarto niya. Nang siguradong wala na sila, bumaling siya sa lalaki na nagsusuot na ng pantalon. Mahinang kinurot ang braso nito.

"Ang sabi mo uuwi ka bago sila magising!" singhal niya rito.

"I overslept! I'm sorry!"

"Ano ang sasabihin ko sa kanila nito? ‘Tang ina, kung makayakap ka pa, wagas!"

"I was comfortable," parang batang saad naman ni Ryle.

Naiiling na umirap si Liway at saka niya hinintay ang lalaki para sabay silang magtungo sa sala nila. Nakaupo ang mga magulang ni Liway doon. Mukha pa rin silang galit pero kumpara kanina ay mas mukha nang kalmado.

"Ma, Pa," bati niya sa kanila at umupo.

Sumunod si Ryle at umupo sa tabi ni Liway. "Good morning po."

"Anak, ipaliwanag mo nga sa akin bakit ka may kasamang lalaki sa kuwarto mo? Nobyo mo ba?"

Mabilis na umiling si Liway. "Hindi ko boyfriend si Ryle, Ma! Boss ko po siya."

"Hija—"

Pinigilan ni Liway ang ama. "Pa, alas tres na kasi noong hinatid niya ako. Pareho kaming pagod kaya nakatulog na siya."

"Ikaw, hijo," baling ni Mang Paulo kay Ryle. "Hindi mo ba ipagtatanggol ang sarili mo?"

Tumingin si Ryle kay Liway at sinenyasan siya nitong magsalita. "Uhm, it's true po. Liway is my P.A and after having some. . . fun last night, hindi namin namalayan ang oras. I have no ill intentions to your daughter po. It was an honest accident."

Matagal na tumitig ang mga magulang ng babae sa kanilang dalawa. Wala naman na silang magagawa sa mga desisyon ng anal nila. They decided to just let it be.

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon