Chapter Ten

2.9K 48 4
                                        

Ilang oras lang natapos ang ibang eksena nila Liway at Ryle. Hindi na sila sa islang napuntahan nila kung saan sila na-stranded nag-fi-film, kung hindi sa pinaka-isla na talaga. Hindi rin naman kasi matagal ang screentime nila lalo na't music video lang naman ang ginagawa nila. Pero kung anong bilis nilang mag-take ng ibang eksena, gano'n naman ang itinagal nila sa kissing scene.

"Cut!" sigaw ng direktor na mukhang naiinis na. "Liway, why did you dodge, hija?"

Nahihiyang yumuko si Liway. "Sorry, direk."

Pati si Ryle ay mukhang naiinis na rin sa dami ng beses nilang kinailangan i-retake ang scene. Paano ba naman, kung hindi umiiwas si Liway, bigla siyang lalayo sa kalagitnaan ng paghahalikan nila. Ang isang parte ng utak niya ay gustong singhalan ang babae, pero alam niyang hindi komportable si Liway at hindi rin sanay sa presensiya niya.

"Let's have lunch muna," saad ulit ng direktor. "Ryle, Liway, mag-usap nga kayo. Bukas na natin ituloy ang scene ninyo. Please lang, ayaw kong maulit ito."

Tiningnan siya ni Liway. "Sorry, direk, naiilang kasi-"

"Hija, set aside your personal feelings! Wala tayong matatapos kung ganiyan ka. This is so unproffesional!"

Pakiramdam ni Liway, nakatingin ang lahat sa kaniya. Parang gusto na niyang lamunin na lang ng lupa. Ngayon lang siya napahiya nang ganito at sa harap pa talaga ng maraming tao.

Mabuti na lang, ipinagtanggol siya ni Ryle. "That's enough! Direk, with all due respect, you're the one who dragged her into this. You asked her to be my partner even if it was obvious that she did not want the role. I don't think it's right to call Liway unprofessional, especially since this is her first time acting. I personally think that she did an amazing job."

Hinawakan ni Liway ang pulsuhan ni Ryle dahil na rin nararamdaman niya ang tensiyong namumuo sa kanila. Hinila niya ito palayo para kumalma.

"Liway, sorry for the way they treated you," paghingi ng tawad ng lalaki.

"Ayos lang ako, ano ka ba? Hindi mo na dapat ginawa 'yon."

"You're my responsibility. Don't worry, Liway. I always got your back."

"Thank you."

Nang tuluyan na silang makalayo, tumigil na sila sa paglalakad.

"Let's just rest here," saad ni Ryle at umupo sa lilim.

Sumunod naman si Liway sa kaniya. "Nakakahiya 'yong kanina. Parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanila."

"You're still learning. Parte na 'yan. Do you really feel awkward around me?"

"Hindi naman, pero kapag naghahalikan na tayo nagiging awkward."

"And why is that?"

"Na..." Hindi naituloy ni Liway ang sasabihin dahil naunahan na siya ng hiya. Nag-iwas pa siya ng tingin para itago ang pamumula ng mukha.

Sinapo naman ni Ryle ang pisngi niya at dahan-dahang pinaharap ang babae sa kaniya. "Why is it awkward?"

Inipon ni Liway ang lakas ng loob bago sinalubong ang tingin ng lalaki. "Naalala ko 'yong nangyari sa atin sa kubo. Nahihiya ako."

Ryle snickered. "Sa akin ka pa talaga mahihiya?"

"Oo nga! Nakakahiya kaya 'yon!"

"I think it's normal, though. Ikaw ba?"

"Normal lang naman talaga. Wala naman sanang malisya sa nangyari pero 'tang ina ka kasi! Natikman mo na ako!"

"Yeah, and you taste good."

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon