Ryle planned everything for his babies' eighth month. Hindi naging matagal ang pagbisita niya sa mga anak niya dahil nangako siya kay Liway na sa bahay niya maghahanda ang dalawa. He also invited his parents, but did not tell them about the children. Ang alam ng mga magulang niya ay celebration ito sa pagbabalik niya ng bansa.
He was busy the day before. May food caterer pa siyang nakausap para rito. He bought gifts for his babies. One for each month that went by without him by their side. Hindi lang iyon, bumili rin siya ng mga gamit nila at pati na rin kay Liway. He bought three cakes, one na share ang dalawa and one for each of them.
He had his whole house decorated for them, at kahit na wala pa man nangyayari, naghahanap na siya ng architect at engineer dahil balak niyang lumipat sa mas malaking bahay na mayroong sariling kuwarto at palaruan ang mga bata. He was already excited kahit hindi pa nagsisimula ang panliligaw niya sa ina nila.
Ryle went to pick Liway's family. Iyon din ang pagkakataon niyang makilala ang kapatid ni Liway nang opisyal. Nagulat silang lahat nang makita ang itsura ng bahay ni Ryle. Ang daming balloon at animo'y malaking party talaga ang hinanda ng bisita.
"Bakit parang sobrang gara naman?" tanong ni Liway sa binata.
"Oh, I spent a lot of money for this, babe."
"Pero hindi nila maaalala ito paglaki nila."
"I'll take pictures. Isipin mo na lang ang mga magagandang bagay na ipapakita natin paglaki nila."
Mayroon namang tumigil na sasakyan sa tapat nila. It was Ryle's family kasama ang pamilya ng asawa ng ate niya. Noong una ay nagtataka pa ang mga ito dahil sa kakaibang design ng pa-party ng binata pero nang makita ang twin strollers lulan ang kambal, napatakip ng bibig ang ina ni Ryle.
"Oh, my God! Ano 'to, anak?"
To which Ryle proudly replied, "Mga anak ko po, Ma."
Labis na napangiti ang matanda. Dahil tulog si Ryder, si Raya ang binuhat nito. "Bakit ngayon ko lang alam 'to? Sino ang ina ng mga bata?"
"Babe, come here!" tawag ni Ryle kay Liway. Nilingon naman ng kamag-anak ng lalaki ang dalagang paparating.
Liway shyly smiled. "Hello po, Ma'am."
"Oh, you're Liway, tama ba?"
Tumango si Liway sa ginang. "Ako nga po, Ma'am."
"Oh, hija, don't call me Ma'am. Mommy na lang din ang itawag mo sa akin. Alam mo bang palagi kang nakukwento ni Ryle sa akin? It's a shocker I didn't know about your babies!"
Liway giggled. "Actually po, kailan lang din nalaman ni Ryle."
"So, nataguan siya ng anak?" tanong ni Jackson, pinsan ng asawa ni Rielle. "Sounds familiar."
Binatukan naman siya ni Kasper. "Shut up. You're not funny."
Liway felt overwhelmed dahil kagaya ni Ryle, nakikita niya ang mga ito sa news articles noon. Kasper opened a five-star restaurant that immediately boomed. Jackson is still one of the most followed influencers. At kadarating lang din ni Rielle at Rouge. Rouge is still the youngest billionaire in the country, and his wife Rielle is still one of the most sought after model even after her marriage and pregnancy. Ang wala lang ay ang kapatid ni Jackson at Kasper na si Kassandra dahil nakatira na ito ngayon sa isla kasama ang asawa niyang espanyol.
Seeing them all in the same room amazed Liway. Na-realize niyang ang mga taong iyon ang kalalakihang environment ng mga anak niya. She was nervous and excited at the same time.
"You have twins?" tanong naman ni Rielle sa kapatid.
"Nagulat nga rin ako. Wala naman sa lahi natin ang magkaroon ng kambal," he replied. "Babe, kayo ba? May lahi kayo ng kambal?"
Liway shook her head. "Hindi naman yata kailangang may lahi para magkaroon ng kambal?"
"Nasa posisyon din minsan," Delancy, Kasper's wife joked.
Kasper immediately covered her mouth as the elders laughed.
Nagulat naman si Liway sa joke na iyon. Sure, she's not innocent, but she could never joke like that with a lot of people around.
"Ano pala ang okasyon?" tanong ni Rouge.
"Ah, it's my babies' eighth month, kuya," sagot ni Ryle. "I figured this will also be the best time to introduce you to them."
"Wow, so bakit ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa mga apo ko? Ang cu-cute pa naman, oh," saad ng Daddy ni Ryle.
Ryle noticed Liway's body language. Hindi siya komportable sa usapang iyon. Iniisip ni Ryle na siguro ay nahihiya rin ang dalaga sa pagtago ng katotohanan kaya siya na lang ang sumagot.
"Decisions ng family niya, Dad. They figured na dahil magulo ang mga nangyari in the past, it would be better if they hide the baby from the world. Hindi nga nailagay sa birth certificate nila ang pangalan ko para sa safety nila."
Kumunot ang noo ng ama. "I know a good lawyer that can help you."
Ryle chuckled. "Thanks, Dad, but at the moment, uunahin muna ang kasal namin."
Magtatanong pa sana ang ama tungkol sa kasal nila pero umalingawngaw sa silid ang malakas na pag-iyak ni Ryder. Nagulat silang lahat kaya naman dali-dali siyang binuhat ng ina.
"Uhm, Ryle? Saan puwedeng I-breastfeed si baby?" tanong niya sa dalaga.
Nasa mga lola na niya si Raya habang kumakain na ang iba nang tanungin iyon ni Liway.
"Can't you do it here?"
Nag-iwas ng tingin si Liway. "Nahihiya naman akong maglabas na lang ng suso ko rito, ano?"
Ryle laughed. "Hindi manyakis ang mga 'yan, but if you're really uncomfortable, you can do it in my room."
Alam na ni Liway ang pasikot-sikot sa bahay ng lalaki dahil minsan na rin siyang namalagi rito, pero sinamahan pa rin siya ni Ryle sa kuwarto.
"Hindi mo ba sila sasmahan sa baba?" tanong ni Ryle habang pinapatulog ang anak.
"They're grown men and women, kaya na nila 'yon. Besides, your family seems comfortable enough with my family."
Ngumiti si Liway. "Ang babait naman pala ng pamilya mo."
"Why, did you think they were cruel or something?"
Tiningnan nang diretso ni Liway ang binata. "Huwag kang magagalit, ha? Pero akala ko kasi para silang 'yong mga mayayaman sa teleseryes and movies? 'Yong masama ang ugali at hindi ka tatanggapin unless mayaman ka."
Ryle laughed at he sat beside her. Inayos niya ang damit ni Liway na nakataas dahil pinapadede nito ang anak nila. "Since when did you like watching those?"
"Wala naman kasi akong magandang magawa noong pinagbubuntis ko ang dalawa. Ewan ko ba pero adik na adik ako sa mga gano'n."
Nang mapansing tulog na ang bata, ibinaba ito ni Liway sa higaan ni Ryle. Tumayo siya para ayusin ang sarili sa harap ng salamin. May kinuha naman si Ryle sa isang drawer saka sumunod sa dalaga. He hugged him from behind, kissing her neck as she fixes her hair.
"Bakit?" tanong ni Liway sa kaniya.
"Babe, I know I said manliligaw ako sa 'yo, 'di ba?"
Tumango naman si Liway. "Oh, bakit 'yon?"
"Can we save that part for later?"
Kumunot naman ang noo niya. "Ano ang gusto mong sabihin, Ryle? Diretsuhin mo na kaya."
Ryle spun her body making her face him. When she was facing him, he dropped on one knee and took out a ring. "Marry me, babe? Ligawan na lang kita kapag asawa na kita."
BINABASA MO ANG
Ryle Alvarez (COMPLETED)
Romance[FORMER TITLE: SLOW TOUCH] Being the foul-mouthed and straightforward woman she is, Liway Izzet declared how she disliked Ryle Alvarez while applying for a job as his personal assistant. Ryle Alvarez is a member of the popular boyband "Pleasure Play...
