Ilang oras pang nanatili si Liway at Ryle. May isang maliit na kubo kung saan sila nag-stay. Mabuti na lang at may dala silang baon. The rest of the staff had not arrived yet and it is starting to get dark.
"Ryle, bakit wala pa sila?" tanong ni Liway. Nauubusan na ito ng pasensiya.
"I don't know. Maybe they're on their way."
Napabuntonghininga si Liway. Nahiga siya sa matigas na lapag ng kubo. Nasa tabi niya si Ryle hawak ang isang beer. Tapos na silang maligo at natuyo na rin ang nga suot nila kaya tumambay na lang sila.
"Bakit wala pa sila?" ulit ni Liway sa tanong niya.
"Damn, you've been asking that for hours, girl. May hinihintay ka ba sa kanila?"
"Wala!" she jolted to sit. "Ang tagal kasi nila tapos gabi na. Wala pa naman tayong boat pabalik."
"Wow, for a moment there, I thought you're scared that I'm here."
"Oo. Malay ko ba kung hanggang saan ang kamanyakan mo?"
"I'm not like that!"
Mahinang natawa si Liway at saka dumapa. Naramdaman niya ang paghiga ni Ryle sa tabi niya. Matagal na katahimikan ang naghari hanggang sa nagmaktol si Ryle.
"Ang tagal nga nila, fuck!" saad niya.
Bumangon rin si Liway at tinanaw ang papalubog nang araw. "Labas muna tayo? Mukhang hindi na sila darating, e."
"They didn't even send a fucking boat to send us back."
Nilingon ni Liway ang galit na katabi. Nakakuyom ang mga kamao ni Ryle na nakatanaw rin sa labas. Nang lumingon si Ryle sa kaniya, unti-unting nagbago ang ekspresyon niya.
Liway hated staying out, but what she hated more about their situation is that she is left with her annoying boss. She is not even sure if she can handle him. Sana lang ay tumino ang lalaki kahit papaano. She can't trust him fully. He has a name and is more powerful than her. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ni Liway sa mga puwedeng gawin ng lalaki. Sa isip niya, plano na talaga ito ni Ryle at ng mga kasamahan niya.
Bumuntonghininga si Ryle at saka tumayo. He held his hand out to Liway. She looked at his palms, confused.
"Akala ko ba gusto mong lumabas?" tanong ni Ryle. "Let's go out and make a bonfire. It's getting dark already."
Liway finally got what he was trying to do. Although hesitant, she held onto his hand and let him pull her up. Dahil medyo mataas ang kubo, mayroon itong kahoy na gawa sa hagdan. Nauna si Liway maglakad pero nakahawak si Ryle sa kamay niya.
Nang makababa, dahan-dahang binitawan ni Liway ang kamay ng lalaki. Naging tahimik lang sila sa paglalakad, tanging ang alon lang ang naririnig. Nakita ni Liway na namumulot ng mga nagkalat na kahoy si Ryle kaya sumunod na rin siya. Sinubukan niyang lumihis sa daan ni Ryle. Bumalik na lang siya nang sa tingin niya ay marami na siyang nakolekta.
They piled the woods and with Ryle's lighter, they were able to make a fire that kept them warm. Nakaupo sila sa magkabilang gilid ng apoy, walang ni isang nagsasalita. Hanggang sa lumubog ang araw, hindi na talaga dumating ang mga kasama nila.
It is Liway's first time being away from her parents and never in her wildest dreams did she imagine that it would turn out like this. Wala pa siyang dalang damit kung hindi ang suot niyang bikini at manipis na shirt. It's freaking cold!
Napansin ni Ryle ang panginginig ni Liway. She was rubbing her arms and her eyes were closed. Ryle was hesitant at first, but he managed to speak.
"Hey," tawag niya rito. "Are you cold?"
BINABASA MO ANG
Ryle Alvarez (COMPLETED)
Romance[FORMER TITLE: SLOW TOUCH] Being the foul-mouthed and straightforward woman she is, Liway Izzet declared how she disliked Ryle Alvarez while applying for a job as his personal assistant. Ryle Alvarez is a member of the popular boyband "Pleasure Play...
