Sa buong linggo, hindi umimik si Ryle. Wala siyang paramdam sa media o sa social medi accounts niya. They were able to sneak him out of his house. He had to live in an exclusive condominium.where the security was super strict. Every day, his manager would check his phone activities. Binigyan din siya ng panibagong cell phone at ang tanging contact lang doon ay ang manager niya at ang boss nila. Even calling his parents and sister is not allowed by the agency.
His manager barged into his unit while Ryle was working out. Working for them also means that they just show up without saying anything. Kumbaga, parang wala siyang karapatang magkaroon ng privacy.
"We already scheduled the press conference. This Saturday afternoon, susunduin ka ng body guards dito. Be ready."
"What will I tell the media, then?"
"Something that will spark more rumors. Alam mo na 'yon, Ryle. Let's keep the people who want more rumors, but do not taint your name."
Tumango lamang si Ryle. Umalis na rin pagkatapos ang manager niya at nagpatuloy siya sa kaniyang pagwo-work out. Ever since he moved out of his house, palagi na lang siyang nasa mini-gym ng condo niya.
But of course, it was not always like that. For the first three days, nakatulala lang siya. Kailan lang naman nang maisip niyang libangin ang sarili niya sa pamamagitan ng pagwo-work out.
Tumigil muna siya at nagpahinga. He went to his kitchen and made a green salad and some fruit shakes. He went to his balcony to rest. Hindi muna siya kumain kaagad.
He was able to retrieve his old phone back. He decided to try his luck once again and reach out to Liway. Ide-delete na lang niya ang conversation kung sakaling kunin ulit ito ng managaer niya.
To Liway:
Hey, I know you probably heard about the news. I'm sorry that they drag your name. It is all on me. Kumusta ka na?
Sa dami ng nagawa niyang pananakit sa dalaga, himala na lang talagang hindi pa siya bina-block sa social media ng dalaga. Naka-deactivate ang karamihan ng account ng dalaga maliban sa facebook niya kung saan nako-contact siya ni Ryle gamit ang dump account ng binata. Hindi pa sigurado si Ryle kung alam na ito ng agency niya. At mas lalong hindi siya sigurado kung magre-reply sa kaniya ang dalaga. Ilang oras din ang hinintay niya bago maka-receive ng reply mula sa dalaga.
From Liway:
I'm not okay. Ryle, huling usap natin sinabi kong huwag ka munang magpakita o magparamdam sa akin. Ano ba ang mahirap intindihin doon? Hindi mo ba talaga kayang respetuhin 'yong hiling ko? At saka, bakit hindi mo linisin ang pangalan ko sa media? Nananahimik na nga ako, oh.
To Liway:
The agency is in control of my actions at the moment. May press conference aong pupuntahan ngayong Sabado. I'll make sure to clear your name by then. I'm sorry.
Alam kong makapal na ang mukha ko, pero puwede ba tayong mag-usap bukas?
From Liway:
Noong huli mo akong niyayang mag-usap, nawala si Papa. Sa tingin mo ba pagbibigyan pa kita ulit?
To Ryle:
I know you are still blaming me. Tatanggapin ko kung galit ka. Tatanggapin ko lahat. Ako ang pupunta sa 'yo. Liway, one last chance. Please?
Ilang minuto pa ang hinintay niya bago nakapag-reply ang dalaga sa kaniya.
From Liway:
Hindi ako available bukas. Sa susunod na araw na lang. Puntahan mo ako rito sa bahay para walang ibang makaalam kung nasaan ka.
BINABASA MO ANG
Ryle Alvarez (COMPLETED)
Romance[FORMER TITLE: SLOW TOUCH] Being the foul-mouthed and straightforward woman she is, Liway Izzet declared how she disliked Ryle Alvarez while applying for a job as his personal assistant. Ryle Alvarez is a member of the popular boyband "Pleasure Play...
