The next morning came. Ryle told Liway to dress something she is comfortable in. Nakasuot ang babae ng T-shirt at black shorts. Pagkatapos siyang sunduin ni Ryle, dumiretso sila sa exclusive subdivision kung saan nakatira ang pamilya Dela Vega.
Liway chose to stay in the car while Ryle fetched his nephew. Nagulat si Liway sa itsura ng bata. Maputi ito at parang galit ang mga mata. Makapal ang mga kilay niya kahit bata pa lang. Matangos ang ilong niya at medyo makapal ang mga labi niyang parang naka-pout. Ang nakakuha ng atensiyon ni Liway ang medyo greyish na mata ng bata at dark brown ang buhok nito.
"Pamangkin mo 'yan?" tanong ni Liway.
"Oo, bakit?"
Nagpalipat-lipat ang tingin niya. "Wala siyang nakuha sa lahi ninyo."
"Pareho kaming gwapo, okay na 'yon."
Nakatingin si PJ kay Liway kaya nginitian siya ng dalaga. Napansin naman ni Ryle ang kislap sa mata ng pamangkin kaya nagdesisyon siyang ipakilala ang dalawa.
"PJ, this is tita Liway. Liway, this is my nephew, PJ."
"Hi," mahinang bati ni PJ.
Ngumiti lang at kumaway si Liway bilang sagot. Hindi siya marunong makisama lalo na sa mga bata. Mabuti na lang at ngumiti lang din ang bata sa kaniya at kumaway.
Pinanood ni Liway ang bawat galaw ni Ryle. He was gentle while handling his nephew. Noong sinuot niya ang seatbelt ni PJ, tinanong pa niya kung maluwag ito o mahigpit. Ginulono pa niya ang buhok ng bata bago bumalik sa driver's seat.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Liway.
"PJ, saan tayo pupunta today?" tanong ni Ryle.
"Amusement park!" sigaw ng bata.
Bumaling naman si Ryle kay Liway. "Amusement park."
Tumango na lang si Liway at umayos ng upo. After that, Ryle started driving away. Pinapanood lang ni Liway ang mga galaw ni PJ sa salamin. Napangiti siya nang mukhang naa-amaze ang bata sa mga dinaraanan nila.
"Mas maganda sana kung isama din natin mga pamangkin mo, ano?" tanong ni Ryle.
"May pasok sila ngayong umaga. After lunch pa ang uwi nila."
"I see." Bumaling ito sa bata. "Pj, do you wanna play with tita Liway's nephews?"
"Opo!"
"Hala, makulit ang dalawang 'yon," saway ni Liway.
"It's okay. Walang kalaro si PJ sa kanila. I think it would be good if he gets to socialize."
"Pero makulit nga ang mga pamangkin ko!"
"Liway, bata mga 'yon. Normal sa mga bata ang maging makulit."
Hinayaan na lang ni Liway ang lalaki sa naging desisyon niya. Ryle and Liway wore facemasks and caps when they got their. Para hindi halatang nagtatago ang dalawa, pinasuot din nila si PJ ng mask.
They went to an amusement park. Ryle offered to pay for their entrance. Mayroong family package promo ang amusement park. It has an all-you-can-ride feature and discount at their food stalls.
Kinuwestiyon pa ni Liway kung bakit iyon ang kinuha ni Ryle kahit hindi naman sila pamilya. "I like to think otherwise. Let me enjoy this day, Liway."
Hinayaan na lang ng dalaga si Ryle sa kabaliwan niya. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ni PJ habang naglakad papasok. Nakikita pa lang ng bata ang rides ay nagtatalon na siya sa tuwa.
Tinuro niya kaagad ang roller coaster. "I wanna go there, Tito Papa!"
"Hala, ang taas!" sambit naman ni Liway.
BINABASA MO ANG
Ryle Alvarez (COMPLETED)
Romance[FORMER TITLE: SLOW TOUCH] Being the foul-mouthed and straightforward woman she is, Liway Izzet declared how she disliked Ryle Alvarez while applying for a job as his personal assistant. Ryle Alvarez is a member of the popular boyband "Pleasure Play...
