Chapter Twenty -Five

2K 24 0
                                        

It's been days— a week already since Liway and Ryle last talked. Nag-deactivate si Liway sa lahat ng social media accounts niya at pinalitan ulit ang number niya.

It was only days, yet it feels like it's been years! Pilit niyang tinitiis na hindi muna makipag-usap sa lalaki. She was slowly making up her mind. She wants to quit working for him.

Sa tuwing nasa harap siya ng mga magulang niya, nagpapanggap siyang maayos lang ang lahat. She would smile and laugh with them, pero tuwing wala sila, she would break down.

When she realized both of them were wrong, she had a lot of things figured out. Habang maaga pa, habang hindi pa siya nakakaamin sa binata, dapat lumayo na siya.

Today is her parents' wedding anniversary. She planned it all alone. Iyong mga binili niya kay Ryle ay hindi na niya kinuha pa. She ordered cooked food para hindi na siya mag-abala pang magluto. With the help of her nephews, she was able to set the kitchen. Mayroon din siyang cake at tinagong regalo para sa mga magulang niya.

"Ano 'to, anak? Bakit ayaw mo kaming magtrabaho ngayon?" nagtatakang tanong ng ina.

"Wedding anniversary ninyo ngayon, 'di ba?"

"Oo nga, pero nagtitinda pa rin naman kami kahit ganoon."

Tumawa si Liway. "Pagbigyan niyo na ako, Ma, Pa. Gusto ko lang i-celebrate natin 'to nang maayos ngayon."

"Hindi ka na dapat gumastos anak—"

Hindi pinatapos ni Liway ang ama. "Hep! Pa, ayos lang talaga ako."

Pinaupo niya sa magkaharap na silya ang mga magulang. Nakaupo na rin ang dalawang pamangkin niya. Nanlaki ang mata ng ina at ama ni Liway nang makita ang hapag.

"Kaya ba nating ubusin ang lahat ng ito, anak? Ang dami!"

"Kung may natira, Ma, Pa, ilagay natin sa ref. Puwede 'yan."

Nagdasal ang kaniyang ina at saka sila nagsimulang kainin. Sa pagkain pa lamang ay nae-excite na ang mga magulang. Mukhang mas matutuwa pa sila sa regalong ibibigay niya sa mga ito.

Sa gitna ng pagkain nila, mayroong kumatok. Wala naman nang ine-expect si Liway kaya nagulat siya. She was the one who answered the door.

Tumaas ang kilay niya nang bumungad si Ryle na may hawak na dalawang bouquet at wine. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya.

"I know we the last time we saw each other was a mess, but I wanted to be here for your parents' special day."

Liway sighed and opened the door for him. Nang makapasok, unang binigay niya ang bouquet sa dalaga at saka dumiretso na sa hapag. Inabot niya ang isa pang bouquet kay Aling Meredith at ang wine naman kay Mang Paulo.

"Ryle, hijo, mabuti naman at nakapunta ka," masiglang bati ni Aling Meredith.

"Liway was so excited about this kaya naman nag-alarm pa ako kaninang umaga para hindi ko makalimutan."

Liway's heart skipped a beat after hearing what Ryle said. He really was paying attention to the details. Isang beses lang naman nabanggit ng dalaga ang tungkol sa  anniversary ng mga magulang niya. Kahit noong namili sila ay hindi niya nabanggit ang araw nito.

Ryle sat down just beside Liway. Nag-alangan pa siya kung tatabi siya sa binata, but for the sake of her parents' special day, umayos na rin ng upo si Liway.

"So, how's married life po, Ma, Pa?" confident na tanong ni Ryle.

Parang lumubog ang puso ni Liway nang marinig ang tawag ng lalaki sa kaniyang mga magulang. It reminded her of the happy memories she had with him. It still felt surreal.

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon