Chapter Three

3.1K 61 4
                                        

Alas singko nang madaling araw pa lamang nang magising si Liway. Kagaya ng palagi niyang ginagawa, hindi siya bumangon kaagad. She browsed the internet through her phone. Sa aga niyang iyon ay nag-text pa si Ryle sa kaniya. Mayroon siyang s-in-end na address at picture ng building na ipinagtataka ng babae.

From: Ryle asungot

Be here before nine in the morning. Mayroon akong meeting at kailangan ko ng P.A. Don't be late on your first day.

Nang tingnang maigi ang address, Liway realized that it's a two-hour trip from their town. Sasagutin sana niya nang pabalang ang lalaki, pero napagtanto niyang pumayag na pala siyang magtrabaho. That makes him her boss and she should obey what he said.

Napahilamos siya sa ng mukha habang umuungot-ungot. Getting up early is one of the things she disliked the most. Ano naman ang magagawa niya? Boss na niya ang nag-utos, e.

Lumabas siya sa kaniyang kuwarto at nagpainit ng tubig. Mayroon din silang frozen foods sa freezer na niluto niya. Gising na ang kaniyang mga magulang pero nasa sala pa ang mga ito, nanonood ng pang-umagang balita.

Nagtimpla rin siya ng kapeng barako para magising ang inaantok niyang diwa. Hanggang sa pagkain ay nagdadabog pa rin si Liway, bagay na napansin ng ama kaya tiningnan niya ito.

"Anak," tawag ni Mang Paulo sa kaniya. "Kanina ka pa nagdadabog. Naririnig ka hanggang sa sala. May problema ba?"

Umiling si Liway. "Eh, kasi Papa! Ang layo ng pupuntahan ko para sa trabaho ko!"

Kinuha ng ama ang sandok mula sa kaniya at sinenyasan siyang umupo sa silya. "Kinuha mo ang trabaho?"

Tumango si Liway. "Opo."

"Oh, panindigan mo kung gano'n. Gusto mo ng trabaho pero nagagalit ka kapag magtatrabaho ka na?"

"Bakit, Pa? Bawal bang magreklamo? Puwede kayang magreklamo habang nagtatrabaho. Multi-tasking din 'yon."

Ginulo ng ama ang buhok ni Liway at saka ipinagsandok ito ng kanin at ulam. "Sige na, kumain ka na. Hindi pa man nagsisimula ang trabaho mo, mukhang pagod ka na. Kahit ako parang napapagod sa 'yo, anak."

Sinimangutan lang niya ang ama at kumain ng agahan. Hanggang matapos itong kumain, magligpit at maligo ay nagdadabog pa rin siya. Kaya noong nag-apply siya, nagsuot siya ng itim na pantalon at puting sapatos pero ngayon ay pinaresan na niya ito ng crop top hoodie.

Nagpahatid siya sa kaniyang ama hanggang sa sakayan. Mabuti na lang at saktong dumaan ang first trip ng bus kaya kaagad siyang nakasakay. Dahil mahaba pa naman ang biyahe, she decided to take a nap on the bus.

Nang makababa, kaagad niyang hinanap ang building na nasa s-in-end ni Ryle. Iyon pala ang pinakamatayog sa mga gusaling nakatayo. Ang problema, hindi naman niya alam ang saktong pupuntahan kaya tinawagan niya si ang kaniyang boss.

Kaagad na sumagot si Ryle. "Yes? What is it?"

"Nandito na ako, pero saan ako pupunta?"

Ryle took a minute to answer. "I'm on my way. Hintayin mo na lang ako para sabay na tayo."

"Ang init dito, oh!" reklamo niya. "Tirik na tirik ang araw, boss!"

"Boss?" Ryle chuckled. "I like that."

"Hala, 'tang ina, parang gago."

"May waiting shed a few blocks from the building. Doon ka muna. I'll be there in five."

Bumuntonghininga na lang si Liway at saka hinanap ang sinasabi ng lalaki. True enough, there was a shed. Thankfully, walang tao. Marami ang dumaraan, pero walang nakatambay. Nagmukha tuloy na loner si Liway habang nakaupo siya mag-isa doon na naghihintay.

Ryle Alvarez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon