Lumipas ang ilang araw, papunta si Liway at Ryle sa mall. Kakauwi lang din ng binata mula sa family trip nila sa Hong Kong. Kagaya ng napag-usapan, pinaplano na nila ang pag-celebrate ng anniversary ng mga magulang ni Liway.
Nagkita silang dalawa sa isang cafe. Nakasuot pa ang dalawa ng facemask at sunglasses para itago ang mga mukha nila. Bago pa man masimulan ang pagpaplano nila, binigyan ni Kyle si Liway ng Minnie mouse plushie.
"Dalawa 'yan, actually," he said. "Iyong isa ay Mickey mouse, nasa bahay."
"Hindi mo ibibigay sa akin?" nakangising tanong ni Liway.
"No, that's mine. I bought two so we could. . . you know. . ."
"Ano?"
"I bought a pair so we could be matchy!"
Pinigilan ni Liway na matawa dahil kahit nakasuot ng facemask, namumula ang tainga ng binata. Dahil hindi naman kalakihan ang plushie, hinigpitan ni Liway ang yakap niya rito. Tumingin siya kay Ryle at kahit alam niyang hindi makikita ng lalaki, ngumiti siya.
"Thank you, Ryle," saad niya.
"Para saan?"
"Dahil naalala mo ako kahit hindi tayo nag-usap ng ilang araw."
"Anong naalala kita? Liway, hindi ka umalis sa isip ko magmula nang mag-take off ang eroplano mula sa NAIA."
Naiiling na tumawa si Liway. "Halika na nga sa mall!"
Hindi nagdala ng kotse si Ryle kaya nilakad nila ang distansya mula sa coffee shop hanggang mall. Una nilang pinuntahan ang partu supplies. Si Ryle ang humawak sa pushcart.
"Ryle, ano sa tingin mo ang magandang kulay?" tanong ni Liway.
"Ilang taon na ba silang kasal?"
Nag-isip pa saglit si Liway. "29 years na rin."
"Akala ko silver anniversary. I guess red is good."
Kumuha ng pulang banners si Liway at mga balloon. Kumuha rin siya ng iba pang decorations pati cards dahil balak niyang magpasulat ng message ang mga pamangkin niya. Bukod pa roon, kumuha rin si Liway ng foil balloons.
"Iyan lang?" tanong ni Ryle. "Here's an idea, Liway. What if you buy a background curtain or something?"
Tumango si Liway at dali-daling kumuha nito. Pagkatapos ay nag-check-out na rin ang dalawa. Sumunod silang namili ng mga damit. Plano kasi ni Liway na kahit surpresa lang, maging maganda ang kalabasan ng lahat.
Bumili siya ng pulang bestida para sa kaniyang ina at polo naman para sa kaniyang ama. At dahil naroon na rin, nagsukat na rin siya ng sariling gamit at gamit ng mga pamangkin. Kabibigay lang ni Ryle ng sweldo niya kaya marami siyang dala.
"Liway, come look at this," saad ni Ryle at ipinakita ang hawak na sage green na T-shirt. "Sa tingin mo bagay kong magsuot ng ganito?"
Mabilis na tumango si Liway. "Oo, sa tingin ko bagay sa 'yo 'yan. Hindi kita nakikitang magsuot ng colored na damit."
"Nagsusuot naman ako," pagtatanggol ni Ryle sa sarili.
"Oo nga pero minsan lang."
"That's because you wear white or black most of the time."
Pinagtaasan siya ng kilay ni Liway. "Ano naman ang connect no'n?"
"Wow, you're a little bit more dense than I thought." Hindi nagpatinag si Liway at humalukipkip pa. "It's because I want us to wear matching clothes, damn it!"
"Parang araw-araw hindi tayo parehong naka white shirt, ha?"
"Still, I want one with the same print."
BINABASA MO ANG
Ryle Alvarez (COMPLETED)
Romance[FORMER TITLE: SLOW TOUCH] Being the foul-mouthed and straightforward woman she is, Liway Izzet declared how she disliked Ryle Alvarez while applying for a job as his personal assistant. Ryle Alvarez is a member of the popular boyband "Pleasure Play...
