Nakarating na lang si Liway sa bahay nila,wala pa rin siyang narinig mula kay Ryle. It felt as if he completely abandoned her. She checked her phone a few time s to make sure she sent the messages to Ryle. Talagang walang reply ang lalaki sa kaniya. Akala niya ay tulog na ang pamilya niya, pero nasa sala ang ina niya at dalawang pamangkin.
"Bakit gising pa kayo?" tanong niya sa kanila.
"Tinatawagan ka kasi namin kanina pero hindi mo naman sinasagot," sagot ng kaniyang ina.
Pilit na ngumiti si Liway. "Ayos lang po ako, Ma. Magpahinga na tayo."
"Kumusta ang date ninyo ni Ryle?"
Bumuntonghininga si Liway. "Huwag na nating pag-usapan, Ma. Ayaw ko nang marinig ang pangalan niya."
Nakuha naman ni Aling Meredith ang ibig sabihin ng anak kaya hinayaan na niya ito. "Sige, magpahinga ka na. I-text ko lang ang tatay mong nakauwi ka na."
Tumingin si Liway sa ina. "Nasaan po ba si Papa, Ma?"
"Nag-alala kami kaya umalis ang Papa mo para sana sunduin ka."
Umupo si Liway sa sofa nila. "Sige, Ma. Hintayin na lang po natin si Papa."
"Naku, anak, hayaan mo na. Ako na ang maghihintay sa Papa mo. Ang mahalaga ay makapagpahinga ka sa ngayon. Mukhang pagod na pagod ka pa naman."
Pilit na ngumiti si Liway at nagtungo sa kuwarto niya. She took her make up off and changed into her pyjamas. Tiningnan niya kung anong oras na. It's 11 PM at ni isang message galing kay Ryle ay wala pa rin siyang natanggap. She typed a final message for him.
From Ryle:
This is the last draw, Ryle. I'm never going back to you ever again. Kung alam ko lang na dudurugin mo ako ulit, hindi na sana kita pinagbigyan.
After she hit sent, pinatay na niya ang cellphone niya. She cleared her mind from everything that happened. Nagsisisi siya, sobra. She wished she would not have allowed him to talk to her.
She stood and took the plushie he gave her and threw it in the trash bin. Lahat ng regalong ibinigay ni Ryle sa kaniya ay tinapon siya. She felt a little peace when she threw everything.
She decided to take a good rest and slept. Pakiramdam nga niya ay maiiyak siya, pero pinigilan niya ang sarili niya. She cried enough tears for him.
LIWAY was already at a deep slumber when she heard a painful cry from their living room. She checked her phone for the time, ala una ng madaling araw. Narinig niya ang muling paghagulgol mula sa sala nila kaya napatakbo siya doon.
Nakabukas ang mga ilaw at umiiyak ang kaniyang ina. Nang makita ni Liway ang mga pulis, nataranta siyang lumapit sa kanila. Her heart was thumping heavily in her chest as she was approaching them.
"Ma, ano'ng nangyari? Bakit may mga pulis dito?" tanong niya.
Kumapit ang ina niya sa kaniya at nagpatuloy sa pag-iyak. Tumingin siya sa mga pulis para sana tanungin sila, pero naunahan na siya ng takot sa katawan. Yumakap si Aling Meredith kay Liway habang humahagulgol.
"Anak ko," Aling Meredith cried. "Ang Papa mo. . ."
When Liway got an idea about what happened, nanghina ang tuhod niya. Ayaw niyang tuluyang marinig ang balita. Palihim niyang kinurot ang sarili niya para siguraduhing hindi siya nananaginip.
Nagsimulang magsalita ang pulis. "Bandang alas onse y media kanina, Ma'am, may banggaang nangyari sa Ilang-ilang street. Dalawa ang sugatan, ang isa ay kritikal, at isa ang namatay. Kinilala ang bangkay bilang si Paulo Izzet. . ."
Wala nang ibang rumehistro sa utak ni Liway pagkatapos sabihin iyon ng pulis. She did not know what to feel. Pakiramdam niya ay naiintindihan at narinig niya kung ano ang nangyari, pero hindi ito maproseso nang maayos ng kaniyang utak. It felt like her body did not want to digest the information. She felt. . . empty, but she know she is hurt.
She found herself crying with her mother, crying out her father's name hoping he would hear their plea and come back to life. Hindi na niya alam kung ano ang sumunod na nangyari. Namalayan na lang niyang kasama niya ang ina sa pagpunta sa presinto para doon mas maayos silang makausap. They showed them the CCTV footage of the accident. Kitang-kita ni Liway ang tricycle ng ama.
That was the same tricycle that once brought her to school. The same one Mang Paulo used to pick her up with. And there, they saw her dear father driving it. Mukhang galing siya sa direksyon kung saan nanggaling si Liway. Tama nga ang sinabi ng ina na may sumunod si Mang Paulo sa kaniya.
"Papa ko. . ." she whispered before a van suddenly appeared on the screen, hitting the tricycle. Nakita ng dalawang mata ni Liway kung paano tumilapon sa ere ang katawan ng ina. Napapikit siya habang napuno ng sigaw at iyak ng kaniyang ina ang silid. She took a deep breath and tried consoling her mother.
Siya na ang naglakas loob na kumausap sa pulis. It was obvious her mother couldn't think straight. Iyak nang iyak si Aling Meredith. Paulit-ulit na lumalabas sa bibig niya ang pangalan ng namayapang asawa. Nanghihina na rin ang tuhod ni Liway. The police had them escorted to the morgue where they found Mang Paulo's already cold body.
Upon seeing it, Aling Meredith ran and cried as she hugged the corpse. "Asawa ko, bakit naman ganito? Bakit iniwan mo kami kaagad ng mga anak mo?" she cried in the most painful tone Liway heard from her mother.
She took a glance at her father's body. She cleared her throat and stopped herself from crying. She needs to be strong, especially for her mother. One of the main pillars of their life was suddenly gone just like that.
Lumabas siya at siya ang nag-asikaso ng lahat. The image of her father's body kept flashing in her mind. Naalala niya ang huling sandali nilang mag-ama. Just this morning, before she went to the mall, Mang Paulo offered to drive her, pero tumanggi siya.
"Papa, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako umalis. Sana nanatili na lang ako sa bahay. Kasalanan ko lahat. . . kasalanan ko, Papa. Sorry po," iyak niya na parang maririnig ng kaniyang ama ang pagsusumamo. "Pa, paano na si Mama? Paano na po ako?"
She felt remorseful. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Kung hindi siya umalis. . . kung hindi siya nakipagkita si Liway kay Ryle, buhay pa sana siya ngayon. Now, the man she loved the most is gone.
She had to take care of everything. She had to take her mother home. Siya ang nagpunta sa funeral homes para makipag-usap sa gaganaping lamay. She had to be the strong one in times like these. Ang hindi niya alam ay kung paano niya sasabihin sa kapatid niyang nasa ibang bansa ang nangyari sa ama.
Madaling araw na nang makauwi sila. Ipinabantay nila sa kapitbahay ang dalawang pamangkin niya. Iyon pa ang isa sa mga pinoproblema ni Liway. Sobrang attached na ang dalawa sa lolo nila kaya hindi alam ni Liway kung paano sabihin ang masamang balita. The mere thought of breaking her nephews' hearts is already making her crazy. Binilin niya na lang ang dalawa na huwag pabayaan ang lola nila.
Hindi niya muna pinansin ang pangungulit ng mga bata. It feels like she would break anytime. Lumabas siya para ulit bumili ng barong na isusuot ng ama niya. She went to the nearest botique she could find. Hinanap niya ng pinakamaganda at pinakamahal na barong na nahanap niya.
"Akala ko sa kasal ko makikitang nakasuot ka ng magarbong barong, Papa. Hindi ko akalaing sa ganito pala mangyayari 'yon," she wisphered. Sa isip niya, hinihiling niya na sana makasama niya ang ama. That's all she could do. Make herself believe her father is still with them.
She promised herself she would spoil her parents with her money. Nagsisimula pa lang siyang tuparin ang pangako niyang iyon. Buying clothes for her parents was one way to spoil them. She never thought she'd be shopping for her father's funeral clothes.
BINABASA MO ANG
Ryle Alvarez (COMPLETED)
Romance[FORMER TITLE: SLOW TOUCH] Being the foul-mouthed and straightforward woman she is, Liway Izzet declared how she disliked Ryle Alvarez while applying for a job as his personal assistant. Ryle Alvarez is a member of the popular boyband "Pleasure Play...
