16

2.2K 72 0
                                    



SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

Unedited...

[Grey POV]

Papunta na ako sa clinic nang tumawag si Jeff.
"Akala ko ba, magpapahinga ka?" tanong ko.
"I have to discuss with you nitong bagong dating sa office ko," sagot niya.
"Trabaho na naman? Magpahinga ka naman ng kahit one day lang, mayaman ka na."
"Last na 'to at one week na talaga akong magpapahinga," hirit niya.
"About what?" tanong ko.
"New contract for endorsement," sagit niya.
"Fine," pagpayag ko. "Sa condo na lang tayo magkikita."
"Sa office na."
"I have some important matters to do," sabi ko.
"How important is that matter?" mataray na tanong niya.
"Very important, sa condo na lang tayo magkita," sabi ko at tinapos na ang tawag saka pinatay ang cellphone ko. Ayaw ko ng istorbo dahil gusto ko nang matapos 'to. Isa pa, nais ko ring mapadali ang resulta para matulungan na si Mira.
Binilisan ko ang pagmaneho hanggang sa nakarating ako sa clinic.
Agad na tumungo ako sa consultation room ni Dr. Carpio.
"Good afternoon," bati ko nang makapasok. Nasa labas ang nurse niya at nagbibigay ng gamot sa isang pasyenteng mukhang nagpa-checkup.
"Akala ko hindi ka na darating,"sabi niya at napasulyap sa wristwatch. "Uuwi na sana ako."
"Ipagbukas ko pa sana pero well--gusto ko nang malaman ang result."
Kinuha niya ang brown envelope sa tabi niy at inabot sa akin.
"Ito na 'yon?"
"Yep," sagot niya.
"Okay," sabi ko at binuksan.
Napatingin ako sa puting bondpaper na may result.
Napakunot ang noo ko at napatitig sa baba.
"Ano 'to?" tanong ko. "Positive?"
"Let me read it for you," sabi niya kaya inabot ko ang result. Masinsinan niyang binasa at napatingin sa akin.
"Yes, it's positive, mag-ama nga ang nagpa-DNA sample," aniya na ikinagulat ko.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "D-Doc naman, baka mali lang ang result o nagkamali lang ang nag-test," sabi ko.
"'Yan nakasulat e," sabi niya. "Kanino ba 'to?"
"H-Huh?" hindi ko na alam ang isasagot.
"Sa 'yo ba 'to? May anak ka na?"
"N-No," tanggi ko at kinuha ang result. "Sa kaibigan ko."
"Akala ko sa 'yo," aniya at tumawa. "Congrats sa kaibigan mo."
"S-Salamat," pasalamat ko at tumayo, "Thank you so much, Doc. Aalis na ako, magkikita pa kami ng manager ko."
"Okay, ingat ka," sabi niya at nakipagkamay sa akin. Paglabas ko sa consultation room, napasulyap ang nurse sa akin.
"Hi," bati ko.
"P-Puwede bang magpa-picture?" nahihiyang tanong niya.
"Sure," pagpayag ko at kinuha ang cellphone niya saka ako na ang nag-selfie.
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng clinic na bitbit ang result hanggang sa nakasakay ako sa kotse ko.
"No, it's impossible," usal ko habang patungo sa condo. "Paanong naging positive?"
To be honest, mas nagulat ako kaysa sa natuwa. Ayaw mag-sink in sa utak ko ang mga pangyayari. Positive ang result, ibig sabihin, anak ko si Maymay, but how?
Pinabilisan ako ang pagpatakbo ng sasakyan hanggang sa nakarating ako sa condo ko.
May mga nakasalubong ako pero ne isa, wala akong nginitian.
Sinalubong ako ni Karlo na mukhang kanina pa naghihintay sa receptions area.
"Ang tagal mo ah," reklamo niya.
"S-Sorry," usal ko.
Napasulyap siya sa hawak kong envelope, "Ano 'yan?"
"W-Wala," tinatamad na sagot ko kaya napailing siya.
"Mukhang wala ka sa sarili ah."
"K-Kaya nga," sabi ko.
"Sige lang," aniya at tinapik ako sa balikat. "Sa control room na tayo dumiretso."
"Bakit?"
"Nandoon ang CCTV," sabi niya kaya tumango ako at sumunod sa kaniya. Habang palapit kami nang palapit, nagsimula nang nanikip ang dibdib ko. Para akong ibibitay ngayong araw at walang magawa para iligtas ang sarili.
"Relax," aniya saka tinapik ako sa balikat. "Napaghalataan ka."
"H-Hindi ko ba magustuhan ang makikita ko?" tanong ko.
"Baka," aniya. "O baka magustuhan mo rin."
"To be honest, I'm worried and afraid."
Binuksan niya ang control room pero tila napako ang mga paa ko at ayaw nang gumalaw.
"Hindi tayo matatapos hanggat hindi ka papasok," sabi niya at tinulak ako papasok.
"Good evening, sir," bati ng technician.
"Patingin kami ng kopya ng CCTV," sabi ni Karlo kaya may kinalikot sa monitor ang lalaking kasing edad ko lang pero payat at may balbas.
"B-Bakit dito?" tanong ko kay Karlo.
"Dito ako tinuro ng babaeng kakilala ni Mira, ang sabi niya, dito niya pinapunta si Mira nang araw na huli nilang pagkita."
"D-Dito sa building?"
Napailing siya at tumawa. "Kabado ka ah, relax lang."
"Nakita mo na ang CCTV, k-kailangan ba akong kabahan?"
"Depende," tugon niya at inginuso ang monitor.
Bumilis ang tibok ng puso ko when I saw myself, nasa elevator at nakaupo. Kasama ko sina Moon at Sun na pinatayo ako nang bumukas ang elevator. Obviously, I was drunk.
"K-Kelan 'yan?" tanong ko.
"Birthday mo," sagot ni Karlo.
Pumasok kami sa unit ko at after ng ilang minuto, lumabas na ang dalawang pagkapatid.
"Paki-forward na," utos ni Karlo na sinunod naman ng operator.
Mas nanikip ang dibdib ko nang makita si Mira, nakasakay sa elevator at may bitbit na folder. Napalunok ako nang laway nang pinindot niya ang 8'th floor. No. Lumabas siya saka naglakad sa hallway.
"P-Please, don't," bulong ko. I remembered that day. Iyon ang birthday ko na sobrang lasing ako.
" P-Please don't, p-parang awa mo na," umiiyak na pakiusap ng babae.
"So, g-gusto mo ng hard, huh?" humahangos na sabi ko habang nanggigigil na inaangkin ang katawan niya.
" M-Mira, please don't," pakiusap ko haban nasa monitor ang mga mata nang umalingawngaw ang boses ng babaeng umiiyak sa pandinig ko.
Ang sabi nila, virgin at gusto ng babae ang wild sex so I gave it.
"N-No," pakiusap ko at natuliro nang nag-doorbell siya sa pinto ng unit ko.
Matagal ang pagtitig ko sa monitor pero patuloy na tumatakbo ang oras. Who knows kung ano ang ginagawa namin sa loob ng condo ko? Kaming dalawa lang.
" P-Parang awa mo na," pakiusap niya.
Paunti-unting sumariwa sa akin ang nangyari nang gabing iyon. But for Christ's sake, I thought it was just a drama. My friends told me na iyon ang gusto ng babae ayon sa nag-offer nito lalo na't alam daw niya na ako ang customer niya. I just gave her a good fight. Isa pa, lasing ako. I didn't expect na ginahasa ko na siya.
"Okay ka lang?" tanong ni Karlo at tinapik ako sa balikat.
Nadurog ang puso ko nang makitang luhaang lumabas si Mira sa unit ko.
"Grey!" hiyaw ni Karlo pero wala na akong nakita pa kundi puro kadiliman.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon