31

2.4K 63 0
                                    





SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

Unedited...

[Mira POV]

"Jesus loves the little children--" pagkanta ni Maymay.
"All the children in the world. Red, yellow, black and white, all arw precious in His sight, Jesus loves the little children of the world," dagdag ni Grey.
Kakapasok ko lang at heto nga, nadatnan ko silang nakahiga sa kama habang nakaunan ang ulo ni Maymay sa bisig ng ama.
"Papa? Love po ba talaga ako ni Papa Jesus?" tanong ni Maymay at tumingala sa ama.
"Oo naman, lahat ng bata ay love ni Papa Jesus," sagot ni Grey at sinuklay ang buhok ni Maymay gamit ang kaniyang mga kamay. "Kaya dapat pakabait ka para hindi siya malungkot."
"Ikaw? Love ka rin po ba ni Papa Jesus, Papa?" inosenteng tanong niya.
Napasulyap si Grey sa akin kaya dedma na tumungo ako sa closet para maghanap ng damit.
"Oo naman, lahat tayo love ni Papa Jesus kaya dapat love rin natin siya, dapat always natin siyang bisitahin sa church para matuwa siya at marami ang blessings na matatanggap natin."
"Love mo rin si Papa Jesus?"
Tumawa si Grey, "Oo naman, love ko si Papa Jesus," sagot niya.
Kinuha ko ang ternong pajama para makapagpalit na ng damit.
"Eh si Mama, love mo rin po?"
Napatigil ako sa pagsara ng closet sa tanong ni Maymay pero hindi ko sila hinarap.
"Oo naman," sagot ni Grey. "Mahal na mahal ko kayong dalawa."
Isinara ko na ang closet saka lumapit sa bathroom at nagpunas saka nagpalit ng damit.
Paglabas ko, tulog na si Maymay at nakaupo sa sofa si Grey habang nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa dresser at naupo sa silya saka nagsuklay habang nakaharap sa salamin.
Napasulyap ako kay Grey na nasa likuran ko, nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ba siya lalabas? Hello, wala na ang mga tita niya kaya hindi na namin kailangang magsama sa iisang kama.
Inilapag ko ang suklay at hinarap siya.
"Hindi ka pa ba lilipat ng kuwarto?" tanong ko.
"Puwede bang dito na lang muna ako? Babantayan ko kayo."
"Wala naman sigurong multo rito para pa bantayan kami, 'di ba?"
"Mira, I'm not sure if okay ka na, b-baka kasi-- baka may drugs pa sa katawan mo."
"Wala na, okay na ako. Isa pa, puwede kong ireklamo ang buong pamilya mo sa ginagawa nila sa akin. Ano ba talaga ang gusto nila?" naiinis na tanong ko.
"Alam kong mali at ako man ay nagagalit sa kanila but I know, gusto lang nilang magkaayos tayo, pero mali na paraan ang naisip nila, I'm sorry," sincere na paumanhin niya.
"Labas na!"
Lumapit ako sa kaniya at hinila ang kamay niya para tumayo pero natigilan ako nang maramdamang mainit siya.
"Sige, kapag may kailangan kayo, katukin mo lang ako sa kabilang kuwarto," matamlay na sabi niya saka lumabas.
Nang sumara ang pinto, naupo ako sa sofa at napabuntonghininga. Wala yata siyang tulog mula pa kagabi at inasikaso pa niya si Maymay buong araw. Iwas pa siya nang iwas sa akin dahil akala nito ay hindi pa matino ang pag-iisip ko.
Tumayo ako saka lumabas at pinuntahan siya sa kabilang kuwarto. Kaming tatlo lang naman ang nandito at kung ano ang mangyari sa kaniya, ako pa ang sisihin nila.
Hindi naka-lock ang pinto kaya pumasok ako. Nakahiga siya sa kama na nakatalukbong ng kumot.
"Mira," aniya.
"Mahiga ka lang."
Lumapit ako at sinipat siya sa leeg.
"May sinat ka."
"Okay lang ako."
"Uminom ka ng gamot bago ka matulog."
Naghanap ako sa cabinet. Saktong pagbukas ko ay bumungad sa akin ang medicine kit kaya pinainom ko na siya ng paracetamol.
"Mira," usal niya saka tumayo at tumabi sa akin dito sa couch. "Puwede bang dito ka na matulog?"
"Walang kasama si Maymay."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko saka dinala sa mainit niyang mga labi at masuyon hinalikan.
"Puwede bang ako na lang ang makitulog sa inyo?"
"Grey--"
"Please," pakiusap niya. "Kagabi lang tayong nagkasamang tatlo pero nami-miss ko na kagaad kayo. Para bang hindi ako sanay na hindi ko kayo nakikita sa iisang kuwarto."
Hindi na ako nakakilos nang yakapin niya ako nang mahigpit.
Ang init ng katawan niya dahil sa lagnat. I closed my eyes. The last time na may yumakap sa akin, noong inihatid pa ako ni Lemuel sa airport nang lumuwas ako ng Maynila. After nu'n, puro kalbaryo na ang naranasan ko.
"Kung may special power lang sana ako para makalimutan mo ang nangyari sa atin noon," sabi niya. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Wala nang salitang namutawi sa mga bibig namin, basta yakap lang niya ako nang mahigpit na para bang takot siya na anumang oras ay maglaho ako. At dahil wala talaga siyang balak na pakawalan ako, ako na mismo ang tumulak sa kaniya.
"Baka magising si Maymay," sabi ko at tumayo.
"Doon na ako matulog," sabi niya at sumunod sa akin. Bahala siya.
Pagpasok namin, hindi ko na pinapatay ang ilaw.
Sa gitna naman namin si Maymay kaya okay lang. Nakatalikod ako sa kanila dahil parehong nakaharap sila sa akin.
Naramdaman ko ang mainit na kamay na pumatong sa bewang ko. Si Grey, yakap niya kami ni Maymay. Ang haba ng kamay niya ha.
I closed my eyes. Makakawala pa kaya ako sa kanila? Mukhang pinagkaisahan ako ng buong angkan nila para wala akong choice kundi pakisamahan si Grey. Sinilip ko ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko, tulog na sila kaya humarap ako sa kanilang mag-ama.
Parehong mahimbing ang tulog nila lalo na si Grey kaya malaya ko siyang napagmasdan. Mukhang badboy lang siya kapag gising dahil sa medyo mahabang buhok at matikas na kilos pero kapag tulog, ang amo ng makinis na mukha nito.
" Siguro sanayin ko na ang sarili ko," bulong ko.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon