Finale

4.6K 118 6
                                    




Hi. Bago basahin ang wakas, please follow ninyo ang ibang stories sa isa kong account Sha_sha0808
Diyan ninyo makita ang lahat ng stories ko mula simula. Salamat


SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE

Unedited...

[Mira POV]
Malungkot ako sa hindi ko malaman na dahilan.
"Mama?" tawag ni Maymay at binigyan ako ng gatas.
"Para sa akin?"
Tumango siya.
"Wow, ang bait naman ng baby ko," masayang sabi ko at kinuha ang gatas saka ininom.
"Bakit hindi ka kumain?" tanong niya.
"Busog pa ako," sagot ko. "B-Baby? Tumawag ba ang papa mo sa 'yo?"
"Kanina po," sagot niya.
"Tumawag sa 'yo?" ulit ko. Tumango siya.
"Kaso tulog ka pa."
"Ba't 'di mo ko ginising?"
"Huwag na raw po," magalang na sagot niya. E di sila na ang close. Two days nang nasa Europe si Grey dahil binisita sina Dust at Angela pero si Maymay lang ang tinatawagan nito. Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong mali?
"Na-miss mo si Papa, mama?" tanong ni Maymay habang nakaupo na sa harapan ko.
"Hindi ah," tanggi ko.
"Hmm? Na-miss mo kaya."
"Hindi," muling tanggi ko.
"Sinungaling mo, mama, na-miss mo kaya." Giit niya.
"Oo na," pag-amin ko. "Di kasi siya tumatawag. Paano na lang kapag may ibang babae siya?"
"E di iiwan ka na niya," sabi ni Maymay kaya pinandilatan ko.
"Grabe ka! Gusto mo ba 'yon?" naiinis na tanong ko. Akala ko ba magkakampi kami?
"Kapag may ibang babae si Mama, siyempre ayaw ko," nakalabing sabi niya. "Pero mahal naman po niya siguro ako kapag makahanap siya ng iba."
"Maghahanap siya ng iba?" Napakunot ang noo ko. May hindi ba ako nabalitaan?
"Di mo naman daw siya mahal eh," malungkot na sabi ni Maymay.
"Sinong may sabi?" naiinis na tanong ko.
"Ikaw," sagot ni Maymay. "Sabi mo, hindi mo siya mahal."
"Noon 'yon," depensa ko. "Siyempre naiinis pa ako sa kaniya noon pero mahal ko na kaya ang papa mo."
Lumapad ang ngiti niya kaya naging mas kamukha niya si Grey.
"Teka lang, may ibang babae ba siyang nililigawan?" nagdududang tanong ko. Kaya siguro hindi niya isinama si Maymay.
"Wala po ah," aniya. "Hindi 'yon magagawa ni Papa, nag-promise siya eh."
Napabuntonghininga ako. Alam kong tumutupad si Grey ng pangako pero paano kung nagbago na siya? Napailing ako. Nagiging si Maymay na yata ako. May tiwala ako kay Grey. Pero paano kung nagbago na nga siya? Muli akong napailing. Mali talaga ang iniisip ko.
"Uy, na-miss niya si Papa," tukso ni Maymay.
"Ikaw ba hindi?"
"Na-miss ko rin po siya, mama. Pero di ba love mo na si Papa?" usisa niya.
"Tsismosa mo, baby," sabi ko. Tumulis ang nguso niya kaya napangiti ako. "Oo naman, mahal ko ang papa mo. Isa siya sa pinakamahalagang tao na dumating sa buhay ko," pagkukuwento ko. "Sana magiging maayos na ang lahat. Lahat ng galit ko noon, nawala na at napalitan na ng pagmamahal. He's the kindest and sweetest man na dumating sa buhay ko. Kahit na sobrang hirap ang pinagdaanan niya sa akin, never siyang sumuko. He showed me na ang pinakamahalaga sa buhay ng tao ay ang magmahal at magpatawad.
"Siguro, ito ang way ni God para matagpuan ko ang taong para talaga sa akin. Siguro nakilala ko ang papa mo sa ganoong paraan para maipakita sa akin na totoo ang hangarin niya," pagkukuwento ko kay Mila na para bang nauunawaan niya ako. "We're so lucky kasi si Papa mo ang ibinigay ni God. A man na kayang magpakalalaki kahit na ilang beses ko pang sinaktan."
"Hindi kita maintindihan," litong-litong sabi ni Maymay kaya napangiti ako.
"Find a man na kasing bait at mapagmahal ng papa mo," sabi ko kaya napangiti siya.
"Kain na raw po tayo, ma'am," tawag ng katulong kaya tumayo ako at dinala si Maymay sa baba.
"Morning, hija," bati ni Tito Blue.
"Morning po," magalang na sagot ko.
"Tumawag na ba si Grey?" tanong niya
"Hindi pa nga po eh," sagot ko. Bigla akong kinabahan. Paano kung hindi na siya uuwi o may ibang babae siya? Hindi maaari. Alam kong hindi ganoon kababa si Grey.
Naupo na ako at nakisabay kay Tito Blue sa pagkain. Ang bata pa nito tingnan at hanggang ngayon, hindi nawawala ang kakisigan. Sayang at hindi na siya nag-asawa pang muli. Pero sa kabilang banda, ang swerte pa rin ni Tita Avery.
"Nagugutom na ako," ani Kuya Red na palapit sa amin. "What's our ulam? Morning, baby Maymay ko."
"Morning, Tito Red," magalang na bati ng bata.
"Si Grey, tumawag na ba? Ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko," tanong niya.
"Hindi nga rin po eh," sagot ko.
"Ano kaya ang nangyari don sa Madrid? Sana sumama ako," sabi niya at humarap kay Tito Grey. "Dad? Sunduin ko si Kara mamaya."
"Kamusta si Rica, inaabala pa ba niya kayo?" tanong ni Kuya Red.
"We're okay, mukhang nagbago na si Tita Rica. Baka naka-moved on na kasi willing-wili naman siya sa apo niya," sagot ni Kuya Red saka sa akin naman bumaling. "Kailan n'yo sundan si Maymay? Lumalaki na ang bata."
Nakaramdam ako ng pag-init ng magkabilang pisngi ko. Grey naman, bumalik ka na.
Narinig ko ang tawa ni Kuya Red.
"Just kidding, hayaan mong magdusa muna si Grey."
"Red!" saway ni Tito.
"What?" inosenteng tanong ni Kuya. "All his life, puro na lang siya barkada. Hayaan mo siyang tumino naman, Dad."
Napabuntonghininga si Tito Blue.
"Sa lahat ng anak ko, si Grey ang pinakamaloko," aniya. "Pero ngayong tumino na siya, mukhang si Tangerine na na naman ang magpapasakig ng ulo ko."
"Sumusobra na kasi masyado mong bine-baby!" ani Kuya Red. Actually, lahat naman sila e.  Kahit si Grey, spoiled din niya si Tangerine. Palibhasa mag-isang babae lang si Tangerine.
Pinakain ko na si Maymay saka pagkatapos ay pinaliguan.
Nagpaalam siya na sumama kay Kuya Red para sunduin ang mga pinsan kaya pinayagan ko na.
"Grey," bulong ko habang nakatitig sa cellphone. Wala pa ring tawag mula sa kaniya. Ayaw ko namang i-chat siya dahil baka makaistorbo ako sa kaniya.
Siyempre bonding din nila iyon ng mga pinsan niya.
Nahiga ako sa kama at hindi ko namalayang hinila na ako ng antok.
Napabalikwas ako nang maramdaman ko ang pag-uga ng kama.
"Maymay," inaantok na sabi ko saka dumilat.
"Hi," nakangiting wika ni Grey habang nakatunghay sa akin.
"G-Grey?" ani ko.
"Yes, it's me."
Napaupo ako saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Siya nga. Ang init niya kaya nandito na nga siya.
Ngumiti siya saka kinuha ang mga kamay ko saka dinala sa mga labi niya.
"Miss me?" nakangising tanong niya.
"H-Hindi ah," pagsisinungaling ko.
"Babalik ako sa Madrid mamaya," sabi niya.
"H-Ha? Bakit?"
"May gagawin lang ako, siguro mga one year akong mawawala," seryosong sabi niya kaya napatitig ako sa guwapo niyang mukha.
"B-Bakit?" nauutal na tanong ko. Ewan ko pero parang may tumusok sa dibdib ko.
"Business," sagot niya. "Ikaw na muna ang bahala kay Maymay habang wala ako."
Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya nagcha-chat o tawag man lang?
"Sorry kung medyo mabilisan," sabi niya saka ngumiti. "Excited na akong tanggapin ang offer nina Dust."
Maaliwalas ang mukha niya at halatang masaya kaya napakagat ako sa ibabang labi.
Tumayo siya at napasulyap sa wristwatch. "Mag-aayos na ako ng mga gamit. Mamayang five na ang flight ko."
Kinuha niya ang pinakamalaking maleta at nagligpit ng mga gamit. Pinagmasdan ko lang siya. Gusto ko lang siyang tulungan pero napakaipokrito ko naman para gawin iyon.
"P-Puwede bang ipagpaliban mo muna?" tanong ko.
"This is very important, matagal ko nang pangarap 'to, Mira," masayang sabi niya at lumingon sa akin. "Para sa atin ni Maymay. Isa pa, gusto kitang bigyan ng time para makapag-isip."
"Makapag-isip ng ano?" tanong ko.
"Para sa ating tatlo," sagot niya. "Para sa pamilya natin."
"Hindi kita maintindihan," sagot ko. "Pero kung iyon ang makapagpasaya sa 'yo at para sa pangarap mo, hindi kita pipigilan. Who am I para kumontra sa pangarap mo."
Kinuha niya ang passport sa backpack at inilagay sa maleta. Pinagmamasdan ko lang siya.
Aalis na siya tapos one year kaming hindi magkikita. Paano na si Maymay? Tiyak maghahanap 'yon sa kaniya.
"Paano tayo mag-communicate?" Gusto ko siyang sumbatan sa ilang araw niyang hindi pagtawag.
"Tatawagan ko kayo."
"Si Maymay lang naman ang tinatawagan mo."
Tumigil siya sa ginagawa at napatingala sa akin.
"Busy ako," aniya saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
Kinuha ko ang unan saka niyakap. Ang lamig ni Grey. Nasa harapan ko lang siya pero bakit parang 'kayhirap niyang abutin? Ano bang meron sa kaniya?
"Okay ka lang?" tanong niya nang isara ang maleta. Tapos na siya.
Tumango ako.
"You're crying," aniya saka ko lang naramdaman ang mainit na likidong tumutulo sa mga mata ko.
"N-Napuwing lang ako," sagot ko at pinahidan ang mga luha. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko kaya mas lalong lumakas ang mga luha ko. Ang hina ko na naman. Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng takot na mawalan. At si Grey ang nagpabalik ng kahinaan kong ito. Kaya nga ayaw ko na talagang magmahal e. Mali yata akong binuksan ko pa ang puso ko kay Grey.
"Anong gusto mo, Mira?" seryosong tanong niya. "I'm leaving."
Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Tahimik din siya habang nakatayo sa harapan ko.
"Thank you pala sa pagbigay ng chance para maging ama kay Maymay," aniya kaya mas lalo akong umiyak. Nagpapaalam na siya, alam ko. "Mahal kita, Mira, pero--"
"H-Huwag kang umalis!" nakakuyom ang kamaong sabi ko. "H-Huwag kang umalis, iyon ang gusto kong sabihin, Grey."
Napayuko ako. Nasasaktan talaga ako. "K-Kung aalis ka man, isama mo kami ni Maymay," umiiyak na sabi ko at pinahidan ang mga luha. "Alam kong wala akong sapat na pera, pero sisilbihan kita para makabayad sa gastusin."
Napatingin ako sa kaniya nang lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang mga kamay ko saka dinala sa mga labi niya.
"I miss you," sabi niya.
"P-Pero aalis ka na," umiiyak pa ring sabi ko. "I-Iiwan mo na kami ni Maymay."
Bigla siyang ngumiti.
"Just kidding," aniya kaya napakunot ang noo ko.
"A-Anong--"
"Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksiyon mo kapag iwan kita."
"G-Grey," usal ko. "H-Hindi ka na aalis?"
Umiling siya habang may dinudukot sa bulsa.
Binuksam niya ang maliit na velvet box kaya nanlaki ang mga mata ko. Isang mamahaling singsing.
"G-Grey."
"Ikaw ang nagpabago sa buhay ko. Ikaw ang babaeng handa kong pakasalan kahit na may anak na. Ikaw ang babaeng handa kong gawin ang lahat para maging masaya," aniya kaya napatutop ako sa bibig ko habang umiiyak na nakatunghay sa kaniya. "Will you marry your handsome rapist?" puno ng pagmamahal na tanong niya kaya humagulgol ako sa pag-iyak.
Pinahidan ko ang mga luha ko sa tumango.
"Y-Yes," luhaang sagot ko. "I will marry you, Mister Grey."
"Really?" bulalas niya kaya natawa ako. "Yes!" malakas na sigaw niya at tumayo saka mahigpit na niyakap ako. "Oh my--seryoso, honey?"
Tumawa ako at gumanti sa mga yakao niya. "Bakit hindi ka nagparamdam?" nagtatampong tanong ko.
Naramdaman ko ang mainit na halik niya sa tainga ko.
"Madalas kitang nakikita," sabi niya.
"H-Ha?"
"Sa tuwing kakausapin ka ni Maymay, naka-videocall kami kaya nakikita kita," aniya kaya napaisip ako. Madalas na hawak ni Maymay ang cellphone na bigay ni Grey.
Teka lang, kanina...
Tumawa si Grey. "Narinig ko ang lahat ng sinabi mo sa anak natin," todo ngiting sabi niya.
"W-Wala akong sinabi," sabi ko at kumalas mula sa pagkakayakap niya.
"Hmm? Miss mo 'ko noh?" pilyong sabi niya.
"Aalis ka na, 'di ba?" pagtataray ko na ikinatawa niya.
"Huwag mo nang i-deny, Mira."
"Oo na! Masaya ka na?" Inirapan ko siya.
"Oo naman," sagot niya. "Sobrang saya."
Hinapit niya ako sa bewang saka kinuha ang kanang kamay ko.
"Lalo na't pumayag ka nang magpakasal sa akin," aniya saka isinuot ang singsing. "Na-miss kita, kung alam mo lang."
Sinalubong ko ang mga mata niyang nangungusap.
"I miss you too," sagot ko at napasulyap sa singsing na nasa daliri ko na. Totoo ba ang lahat ng ito? Ikakasal na ako kay Grey?
Ipinatong niya ang mga kamay ko sa balikat niya saka hinapit ako sa bewang at nakipag-eye-to-eye sa akin.
"Magsisimula tayong muli, this time, gabi-gabi na kitang gagahasain," aniya.
"Rapist," natatawang sabi ko.
"Always be your rapist, proud to be your rapist," sagot niya kaya napangiti ako. No more pain.
"Thank you, Grey," pasalamat ko.
"Hmm? Two days akong nasa Madrid. Alam mo bang nang lumapag ako, gusto ko nang bumalik dito?"
"At bakit?"
"Kasi miss na ulit kita," sagot niya saka inilapit ang mukha sa mukha ko. "N-Na-miss kita nang sobra."
"At si Maymay?"
"Mas na-miss kita," sagot niya saka napangiti. "Believe me, mas na-miss talaga kita."
Sobrang lapit na ng mga labi niya sa mga labi ko. Ramdam ko na nga ang hininga niya eh.
"Kapag ikinasal na tayo, mawawala na ang kasikatan mo," paalala ko.
"Mas mahal ko ang magiging mapangasawa ko kaya sa kasikatan ko. From now on, kayo na ang magiging priority ko. Hindi ko na iisipin ang kasikatan basta't nandiyan kayo ni Maymay. You will be my lady for the rest of my life. Ikaw ang real loveteam ko."
"Hmm? Bolero," natatawang sabi ko.
Tsup!
Mabilis na hinalikan niya ako.
"Gosh, I miss you," sabi na naman niya at idinikit ang mga katawan namin.
"I feel something hard," pilyang sabi ko.
"Can I rape you?" paalam niya.
"At kung ayaw ko?" tanong ko. Napangisi siya sabay tulak sa akin pahiga sa kama.
"Grey? Rape na 'to!" ani ko habang naghuhubad siya sa harapan ko. Shit! I miss him so bad. Napakagat ako sa ibabang labi nang tuluyang niyang ibinaba ang natitirang saplot. Kaya pala sobra akong nasaktan noong ginahasa niya ako.
"Ready to be raped?" nakangiting tanong niya kaya napaismid ako. Sa aming dalawa, nagiging joke na lang ito.
"You can never rape me again, Mister Villafuerte," sabi ko. "Hindi na ako lalaban kaya wala nang rape na magaganap."
Mas lalong lumapad ang ngiti niya saka pagapang na pumatong sa akin.
"Yeah, ML na lang," bulong niya habang ipinapasok ang mainit na mga palad sa ilalim ng blusa ko. Napaihtad ako nang pinisil niya ang magkabilang dibdib ko.
Hindi na ako nakatanggi nang sakupin ng mga labi niya ang mga labi ko.
Napasulyap ako muli sa kumikinang na singsing sa daliri ko. Finally, matutupad ko na ang pangarap kong makapaglakad sa patungo sa altar habang hinihintay ng lalaking mahal ko at sadyang ipinagkaloob ng Diyos, si Grey.
" Thank you, God, kasi hindi mo ako pinabayaan. Thank you, God, kasi dumating pa rin ang lalaking para sa akin. Thank you, God, kasi mahaba man ang panahong hinintay ko, ipinadala mo pa rin ang taong para sa akin," pasalamat ko sa Panginoon at itunuon na ang pansin sa lalaking nagpapa-excite sa akin.
Soon, magiging Mrs.Grey Villafuerte na ako. Hindi ko man pinangarap pero isa ako sa masuwerteng babae na mapabilang sa angkan na pinapangarap ng halos lahat ng kababaihan, ang maging isang Mrs.Villafuerte!
--------------------THE END----------------
End: July 2, 2019

A/n:
Thank you po sa lahat ng sumuporta ng stories ko. Ayieeee. Follow nyo po ako sa wattpad. And just wanna clarify things, hindi po ako ang admin ng kahit na anong page sa Facebook kahit na may permit sila na kopyahin ang stories ko. Kung saang site mo man nabasa ang story na ito, sana kahit na hindi ninyo ako makilala, sana always ninyong suportahan ang mga stories ko. Sana hindi ninyo makalimutan ang angkan na ito. Salamat😊😊😊😘😘😘😘😘
Pleasd support my other stories guys. Ongoing na po ang story ni Bituin (Star). Thanks.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon