34

2.3K 71 0
                                    



SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 34

Unedited

[Mira POV]

"Nandiyan na ang lahat ng kailanganin natin sa three days. Kapag may gusto kang ipabili, sabihin mo lang," sabi niya nang pumasok bitbit ang mga pinamili.
"Hindi ka ba pinagkaguluhan?"
"Magaling akong mag-disguise," sabi niya saka hinubad ang sombrero, "Si Maymay?"
"Natutulog," sagot ko.
Kinuha ko ang ilang plastic at kinuha ang laman para ayusin.
Napatitig ako sa hawak ko.
"Ahm, binili na rin pala kita niyan dahil baka kailanganin mo," aniya kaya tumango ako at sineperate ang Whisper with wings. "'Yan kasi gamit ni Mommy kaya I assume na okay lang sa 'yo 'yan."
"Salamat," pasalamat ko saka kinuha ang bangus at karne ng baboy saka manok at dinala sa lababo para hugasan.
"Hindi pa alam nina Daddy na nandito na tayo sa Maynila. Bukas, pupunta ako sa cologne business ko, gusto mong sumama?" tanong niya.
"Huwag na, si Maymay na lang," tanggi ko na ikinangiwi niya. "Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Wala," sagot niya. "Ikaw, sumama ka rin."
"Ayoko, baka awayin lang ako ng fans mo," tanggi ko.
"Sumama ka na kasi," pakiusap niya.
"Ayoko nga," tanggi ko.
"Hindi talaga kita mapilit?"
"Oo," sagot ko. Hinila niya ang silya saka naupo at pinagmasdan ang ginagawa ko.
"Alam mo, naalala ko si Mommy. Noong bata pa kami, palagi niya kaming pinaghahanda ng pagkain kahit na pinagbawalan siya ni Daddy," pagkukuwento niya. "She teached us kung paano magluto para kapag wala na raw siya, marunong kaming magluto sa mapapangasawa namin." Marahang tumawa siya pero ilang sandali pa'y tumigil din. "I miss her so much."
Me too. Nami-miss ko rin ang parents ko. Masuwerte nga siya dahil nakakasama pa niya ang ama't mga kapatid niya e.
"I'm sure masaya na siya ngayon with our Almight God," sabi ko.
"Yeah," aniya. "Mas masaya siya kapag maging tayo na."
"What?"
"Huh?"
"May sinabi ka eh"-Ako.
"W-Wala ah."
"Meron!"
"Meron ba?"
"Oo."
"Okay."
Pareho kaming natahimik.
"Magluluto na ako ng ulam natin," sabi niya at naghanap ng kung ano sa dala kanina. "Ano ba ang gusto mong ulam?"
"Kahit ano," sagot ko. "Si Maymay mahilig sa isda."
"Sinabawang isda na lang," sabi niya. "At magprito ako ng tatlong piraso para tig-isa tayo."
"Ikaw ang bahala," sabi ko at tinapos ang paglilinis ng isda at karne saka inilagay sa tupperware. "Ang ibang karne, i-marinate ko na lang para kapag gusto natin ng adobo o prito, naka-ready na."
"Ikaw ang bahala, ikaw naman ang mama eh, kaya ikaw ang masusunod."
Ako ang mama? Dati ako ang ama't ina pero ngayon, mama na lang.
Napailing ako sa naisip ko.
" Kulang ka lang sa tulog, Mira," saway ko sa sarili. Pagkatapos ko, nagsaing na rin ako habang si Grey ay nagpiprito habang nakasalang ang tinolang isda.
Nang maluto na, tinawag niya si Maymay kaya sabay kaming kumain.
Bago kami kumain, nagdasal muna si Grey.
"My mom told me na kapag magdasal, dapat hindi memorize. Dapat galing sa puso," sabi niya na kay Maymay nakatingin. "Bago tayo kumain,dapat magpasalamat muna tayo kay Papa Jesus, okay?"
"Okay," ani Maymay.
Nagsimula na kaming kumain. Ang daldal ni Maymay at gusto raw mamasyal sa Manila Zoo.
Nang matapos na ang dalawa, pinatulog na ni Grey ang bata sa kuwarto namin habang ako ay nagligpit ng kinainan namin.
Wala nang ingay sa loob ng kuwarto kaya malamang, tulog na ang bata kaya pumasok na ako.
"Tulog na siya," sabi ni Grey na kinukumutan ang bata.
"Salamat," pasalamat ko.
"Magpahinga ka na rin. Kapag may kailangan ka, sa labas lang ako," bilin niya bago lumabas. Nang isara niya ang pinto, tumabi ako kay Maymay saka niyakap siya at ipinikit ang mga mata. As of now, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko sa mga nangyayari. Bahala na si Lord. Tutal, mas alam niya ang karapat-dapat para sa akin.
Alas kuwatro na ng hapon ako nagising. Tulog pa si Maymay kaya bumangon na ako at lumabas para mag-ayos ng kung ano ang dapat na ayusin.
Nagwalis muna ako sa sala pero malinis naman.
Napatingin ako sa cellphone na tumutunog sa center table.
Out of curiousity, tiningnan ko ang tumatawag, "manager" ang nakapangalan.
"Grey?" tawag ko at dinampot ang cellphone saka lumapit sa kuwarto niya. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya pinihit ko ang seradura. "Grey?"
Walang tao kaya pumasok na ako. Malinis ang buong silid at maayos ang higaan niya. Walang yatang tao kaya tumalikod ako.
"May kailangan ka?"
Napalingon ako nang lumabas siya sa pinto, topless at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa bewang niya. Kakapaligo lang niya dahil tumutulo pa ang basang buhok nito.
"Mira?"
"Ahm, may tumatawag lang sa cellphone mo kanina," sagot ko at inabot sa kaniya ang cellphone. Lumapit siya saka kinuha at tiningnan. "Sige, labas na ako."
"Wait!" maagap na sabi niya saka hinawakan ako sa braso.
"B-Bakit?" tanong ko at nakaramdam ng kaba sa dibdib.
Napatitig siya sa mga mata ko kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Napalunok ako ng laway nang bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko.
"Mira?" tawag niya pero hindi pa rin inaalis ang mga mata sa labi ko.
"B-Bakit?"
"Can I kiss you?" malumanay na tanong niya.
"N-No," sagot ko pero paunti-unti siyang yumuko at inilapit ang mukha sa mukha ko. "G-Grey..."
He's kissing me, passionately. Gusto ko siyang itulak pero nasa isip ko lang.
Tumigil siya at nagulat sa ginawa.
"S-Sorry," paumanhin niya kaya natuahan din ako.
"Magbihis ka nga!" singhal ko para pagtakpan ang pagkapahiya. "Alam mo namang babae ang kasama mo tapos magta-topless ka?"
"Why? You saw me naked naman ah," aniya.
"Hindi kaya!" Pinandilatan ko siya.
"Noon," paalala niya saka ngumiti.
"Hindi ko maalala. Rapist kita noon, remember?" mataray na paalala ko.
"Noon," ulit niya. "Eh, ngayon?"
"H-Huh?"
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Rapist pa rin ba ang turing mo sa akin, Mira?"
Tila umurong ang dila ko. Pinaglalaran ba niya ako?
"Manyak ka!" naiinis na sabi ko.
"Manyak na lang?" nakangiti niyang sabi.
"Huwag kang ngumiti!" saway ko.
Tatalikuran ko na naman sana siya pero isinandal niya ako sa dingding.
"Grey--"
"I wanted to kiss you, Mira," sabi niya pero umiling ako.
"No!" tanggi ko.
Pero sa halip na sundin, yumuko siya at inangkin ang mga labi ko. This time, matagal at may halong pagnanasa pero hindi ako makakilos. Ayaw gumana ng utak ko. Sa sobrang init ng mga labi niya, nanlalambot ako. Dagdagan pa ng mabango nitong hininga.
Tumigil siya at nakipag-eye-to-eye sa akin.
"I love you."
Marahang tinulak ko siya pero dumulas lang ang mga kamay ko sa matipuno niyang dibdib.
"M-Magsasaing na ako," pag-iwas ko saka tinalikuran siya pero napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang makita kong nasa tapat ng pinto si Maymay na bitbit ang laruang manika at halatang kakagising lang.
"Gusto ko po ng chocolate, papa," sabi niya at nilagpasan ako. "Nagugutom po ako."
"M-Magluluto na ako," sabi ko saka lumabas. Mukhang wala naman yatang nakita ang bata.
Nagluto muna ako ng adobong manok. Mamaya na ako magsaing para mainit pa. Maaga pa naman eh.
Narinig ko ang halakhak ng mag-ama sa sala. Aminado akong natutuwa si Maymay dahil may ama siya, pero nababahala rin ako. Paano kapag umuwi na kami sa probinsya? Hindi naman kasi habambuhay ganito ang set-up namin.
Lumapit ako sa kanila at nanood ng TV.
"Gusto mo ng fries?" tanong ni Grey na hawak ang telepono.
"Oorder ka?" tanong ko.
"KFC," aniya.
"Okay," pagpayag ko.
"Spag?"
"Huwag na, kayo na lang."
Matapos mag-order, tumabi siya sa akin.
"Sama ka na bukas."
"Ayoko."
"May pino-propose ang KBS sa akin na teleserye," sabi niya. "Gusto kong sumama ka sa akin."
"Ayoko," tanggi ko. I'm sure marami ang reporter doon.
"Sige na."
"Si Maymay na lang kasi ang isama mo."
"Kayo nga."
"Bahala ka pero ayoko."
"Gusto ko lang naman ng moral support," mahinang sabi niya.
"Humingi ka sa tatay o mga kapatid mo."
"Gusto ko manggaling mismo sa inyong mag-ina ko."
"Para kang bata!" naiinis na sabi ko. Feeling close? Baka nakalimutan nito, marami na itong kasalanan sa akin.
"Hindi ko kasi alam kung paano sila harapin kapag wala ka sa tabi ko," nabahalang sabi niya. "I'm sure marami silang itatanong tungkol sa nangyari."
"Sino ba ang nagsabing magpakulong ka?"
"I promised, remember?" paalala niya.
Napailing ako. "Para kang tanga, Grey. Kung tumahimik ka, e di wala sanang gulo. Hindi naman ako nagwala ah."
"A promise is a promise, Mira. Alam ko kasing hindi mo ako mapapatawad kapag hindi ko gagawin iyon."
"O? Sino ang nahihirapan ngayon?" naiinis na tanong ko.
"At least nagkasama tayo," masayang sabi niya. "Taposnakikissnakita."
"What?"
"Wala."
"May sinabi ka pero hindi ko lang naintindihan dahil mabilis at mahina!" naiinis na sabi ko kaya napalingon sa amin si Maymay.
"Sabi ko maganda ka."
"Huwag kang sinungaling, Mister Villafuerte!"
"Totoo, maganda ka nga."
"Ewan ko sa 'yo!" Inirapan ko siya at hindi na pinansin hanggang sa dumating ang order namin.
Dahil nabusog si Maymay, alas otso na kami nakakain ng dinner.
"Papa? Tabi tayo matulog, please," pakiusap ni Maymay nang ihatid kami sa kuwarto ni Grey.
"Kung papayag si Mama mo," sabi ni Grey at napasulyap sa akin.
"Sige, tabi kayo. Doon ka matulog sa papa mo," sabi ko.
"Tabi rin tayo, mama."
"Hindi puwede," tanggi ko.
"Bakit po?" inosente niyang tanong habang nakatingala sa akin.
"K-Kasi hindi puwede," ani ko at pinandilatan si Grey para tulungan akong magpaliwanag.
"Bakit po? Di ba po, magkatabi naman po talaga ang mama, papa at baby matulog?"
Napapikit ako. Napipikon na ako sa kaniya.
"Ahm, kasi ayaw ng mama mong tabi tayo kasi galit siya," sabat ni Grey na mas lalong ikinalaki ng mga mata ko.
"Bakit galit si Mama?"
"Kasi ahm--" Napasulyap siya sa akin. Ako talaga ang idadahilan niya? Loko 'to a.
"Oo na! Dito na siya matutulog!" Napilitang pagpayag ko. Naririndi ang tainga ko sa mga ipinagtatanong ni Maymay.
Padabog na tumungo ako sa bathroom saka naghilamos. Paglabas ko, wala ang mag-ama sa kuwarto kaya nagsuklay muna ako sa tapat ng dresser. Napasulyap ako sa pabangong nasa right side ko. Hmm? Maglalagay kaya ako? Baka kasi may kakaibang amoy ako. Kukunin ko na sana ang pabango nang biglang pumasok ang mag-ama.
"Mama! Naligo na ako," masiglang pagbalita ni Maymay na nakatapis ng tuwalya.
"Good," sabi ko. Lumapit si Grey sa closet at naghanap ng damit pantulog ng bata.
"Halika, magsuot ka na ng damit," tawag niya saka pinasuotan ang bata.
"Papa? Antok na po ako," nakalabing sabi ni Maymay.
"Suklay ka muna," sabi ni Grey at lumapit sa akin. Inabot ko naman ang suklay.
"Thanks," nakangiting pasalamat niya kaya napatingala ako sa kaniya. Ang aliwalas ng mukha niya ngayon. Unlike dati na parang pasan niya ang mundo.
"Sana sa ilang segundong pagtitig mo, ma-inlove ka naman sa mukha ko," he said in a husky voice.
Agad na iniwas ko ang mga mata. "Psh! Yabang mo!"
Tumawa siya saka bumalik kay Maymay at sinuklay ang buhok ng bata.
"Tulog na po tayo," yaya ni Maymay kaya nahiga na sila ni Grey. "Mama? Tulog na po tayo."
"Mauna na kayo," sabi ko.
"Bakit po?"
"Hindi pa ako inaantok."
"Bakit po hindi ka pa inaantok, mama?"
"Matutulog na nga!" naiinis na sabi ko saka padabog na lumapit sa kama. Ngingiti-ngiti naman ang mokong kaya inirapan ko bago tumabi kay Maymay.
"Baby? Pray ka muna bago ka mag-sleep," sabi ni Grey. Nakatihaya ako at sa kisame nakatingin.
"Ano po ipe-pray ko, papa?"
"Kahit ano. Magpasalamat ka kay Lord tapos kahit ano na gusto mong sabihin," malumanay na sagot niya.
"Kahit ano po?"
"Oo," sagot ni Grey.
Nakita ko sa peripheral vision ko na tiniklop ni Maymay ang dalawang kamay at ipinikit ang mga mata.
"Papa Jesus, salamat po sa food. Salamat po kasi kasama na namin si Papa tapos salamat po sa fish na ulam kahit na pinatay namin siya. Salamat po kasi si Papa na ang nagluluto ng ulam namin. Salamat po kasi tabi ko na si Papa mag-sleep. Salamat po kasi bati na sina mama at papa ko," pagdasal niya kaya napabuntonghininga ako lalo na't alam kong may kasiyahan sa mga ipinagdasal ni Maymay.
"Papa Jesus? Salamat po kasi si Mama na ang kini-kiss ni Papa kanina," dagdag niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba, nakita niya ang paghalik ni Grey sa akin kanina e. "Papa Jesus? Sana po wala na pong iki-kiss si Papa na ibang babae tapos sana po hindi na sila mag-aaway ni Mama. Sana po, marami po akong manika at laruan tapos sana po magkaroon na po ako ng kalaro."
" Diyos ko, sana po tumigil na ang anak ko sa pagdadasal," lihim na panalangin ko. Hindi ko na kaya ang mga pinapanalangin ng anak ko.
"Papa Jesus? Sana po hindi na po kami iiwan ni Papa," dagdag niya. "Amen."
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang pag-Amen niya.
"Papa? Magdasal ka rin po," sabi ni Maymay kaya tinalikuran ko silang dalawa.
"Sige," pagpayag ng mokong. "Papa Jesus, sana po matupad ang lahat ng kahilingin ng baby Mila ko. Amen."
"Yun lang papa?" tanong ni Maymay.
"Nasabi mo na ang gusto kong ipagdasal," sagot ni Grey.
"Mama? Ikaw rin po, dasal ka kay Papa Jesus."
Hindi ako gumalaw at sumagot.
"Mama?" Niyugyog niya ako pero hindi ako humarap sa kanila.
"Baby? Tulog na ang Mama Mira mo," sabi ni Grey kahit na alam naman niyang gising pa ako. Iuntog ko kaya sila mamaya kapag natutulog na? Bad influence talaga 'tong Grey sa anak namin.



Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon