15

2.3K 64 1
                                    



SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

[MIRA POV]
"Talaga bang uuwi na kayo?" malungkot na tanong niya. One day lang ako sa hospital dahil magpahinga na lang daw ako sabi ng doctor.
"Salamat sa mga binibigay mo sa anak ko," pasalamat ko. Nasa waiting shed na ang mga gamit namin ni Maymay. May oras kasi ang pagdaan ng bus kaya may ilang minuto pa kami. Ito nga, hinabol niya ako at kinausap.
"M-Mira? Can I visit--"
"No," agarang sagot ko. Ne hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong matapos ang sasabihin niya. Kung puwede lang lamunin ko 'to ng buo para wala nang sagabal sa buhay ko, matagal ko nang ginawa.
"P-Paano ako manliligaw sa 'yo?" nahihirapang tanong niya na ikinainis ko.
"Sana ito na ang huling pagkikita natin," walang ganang sabi ko. Pagod na ako sa kaniya.
"No," pagtutol niya. "I promised you na tutulungan kitang mahanap ang rapist mo."
Tumingala sa kaniya saka pinaseryoso ang mukha, "Aasahan kong tuparin mo ang pangako mo."
"I will," muling pangako niya. "Mahal kita at hindi ako titigil hanggat hindi kita mabigyan ng hustisya."
Ngumiti ako pero sa kaloob-looban ko, gusto ko nang pumatay ng tao. "Kapag mapakulong mo ang rapist ko, iyon na ang pinakamasayang mangyayari sa buhay ko, Grey."
Humarap ako sa bughaw na karagatan. Ang pag-asa kong makulong siya ay parang mangingisdang naghahanap ng tilapia sa gitna ng karagatan pero umaasa pa rin akong may himalang mangyayari. He said he loves me, and he promised kaya panghahawakan ko iyon. Ano kaya ang gagawin niya kapag malaman na niya ang totoo?
"Kapag ba matulungan kita, magiging mabuti ka na sa akin? Maging magkaibigan na tayo?" tanong niya.
"Depende," tugon ko.
"Puwede ko bang dalawin minsan si Maymay?"
"Uuwi na kami, baka maiwan kami ng bus," paalam ko nang sumenyas si Gina na parating na ang bus.
"Ihahatid--"
"Huwag na, Grey. Kung mabigyan man ng hustisya ang nangyari sa akin, Diyos lang ang nakakaalam sa bagay na iyan pero salamat pa rin," tanggi ko. "Sooner or later, alam kong malalaman mo rin ang totoo dahil alam kong may pera kayo at koneksyon."
"Gagawin ko ang lahat, Mira. Alang-alang sa 'yo," determinadong sabi niya.
"Paalam, Mister Villafuerte, aalis na kami," paalam ko at lumapit kina Gina na kalong si Maymay.
"M-Mama? Sama natin si Tito Grey?" naluluhang tanong ni Maymay.
"No, dito lang siya," sagot ko at kinuha siya kay Gina.
"M-Mami-miss ko siya," malungkot na sabi niya habang bumaba-bye kay Grey. Hindi na ako nag-abala pang sulyapan si Grey.
"M-Mama? Sama natin siya," pakiusap ni Maymay.
"Sure ka na ba? Hindi ka na magpapigil?" tanong ni Gina.
"Oo at pakiusap, wag mong ibigay ang address at cellphone number ko," pakiusap ko kay Gina saka pinara ang bus.
"Pang-ilang beses ko na ba 'yang narinig sa 'yo?" nakalabing sabi ni Gina.
"Minsan kasi hindi ka sumusunod da usapan," sabi ko.
"Oo na, ang pogi niya pero tinanggihan mo, sinasayang mo lang ang opportunity," naiinis na sabi niya.
"Baka kayo talaga ang para sa isa't isa," ani ko habang nakatingin sa konduktor na binubuhat ang mga gamit namin. "O siya, aalis na kami, bye," paalam ko at nag-goodbye kiss saka umakyat na sa bus.
"Ingat kayo, dadalaw ako minsan," pahabol ni Gina nang makaupo na kami sa bus. Kumaway si Maymay habang paalis na ang bus.
Malayo-layo na kami nang biglang umiyak si Maymay.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko saka pinahidan ang mga luha niya. "Mami-miss mo si John?"
"N-Naiwan natin si Papa," sabi niya na ikinagulat ko. "M-Mama? Wala na akong papa."
"Sshhh," bulong ko dahil nakatingin sa amin ang ibang pasahero. "Hindi mo siya papa."
"P-Papa," luhaang sabi niya kaya hinalikan ko siya sa noo at pinahidan ng panyo ang mga luha niya.
"Tahan na, tingnan mo oh, may kalabaw. Gusto mo, sasakay tayo pag-uwi natin sa Dumalag?" pag-iiba ko saka itinuro ang kalabaw sa gilid ng daan.
"S-Sasakay ako sa kalabaw?" tanong niya at pinahidan ang mga luha gamit ang kanang kamay.
"Oo, sasakay tayo tapos gagala sa bukirin, gusto mo?" masiglang tanong ko. Tumango siya saka nagkuwento na hanggang sa nakatulog siya.
Sinuklay ko ang mahaba niyang buhok habang nakatitig sa mukha niya. Tama si Grey, kamukha nga ng mommy niya si Maymay. Sikat na artista ang parents niya kaya sino ang hindi makakilala sa mga ito? Minsan sa buhay ko, naging fan din ako ng loveteam na BlueVery.
Napatingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang malawak na taniman ng palay na dinadaanan namin. Alam kong hindi ko matatakasan si Grey. Pagbalik nila ng Maynila, malalaman niya ang resulta ng DNA at baka matuklasan na niya ang lahat. Ipinapanalangin ko pa rin na oras na mangyari iyon, sana tuluyan na siyang lumayo sa amin ni Maymay dahil kapag nagkataon, buhay rin niya at pangalan ng kanilang pamilya ang masisira. Sana ilibing na lang namin sa limot ang lahat.
----------------------
Grey POV
"Tapos na ang taping pero ang mukha mo, parang papasimula pa lang ah," puno ni Jeff.
"May iniisip lang ako," sagot ko at kumuha ng puting bato at tinapon sa dagat. Nagpapa-despedida party sila kaya ang ingay sa paligid. Dapit-hapon na kaya mas pinili kong maupo rito sa batuhan at pagmasdan ang araw na muling namamaalam sa kapaligiran.
"Ang mag-ina mo?" tanong niya kaya napasulyap ako sa kaniya. "Come on, ayas mo pa rin bang maniwala na anak mo 'yon?"
"Sana nga," puno ng pag-asang sabi ko.
"Anak mo 'yon, tingnan mo pa sa DNA result."
Napabuntonghininga ako, hindi ko kasi masabi na ginahasa si Mira.
"Hay naku, Grey, kung ayaw mong maniwala, bahala ka. Basta ako, malakas ang kutob kong may itinatago 'yang Mira sa 'yo. Sa dami ng babaeng iniregalo ng mga putang kaibigan mo, possibleng isa siya sa mga ito," sabi niya.
Parang naging ritwal na sa mga ito na regaluhan ako ng babae sa tuwing birthday ko at bago iyon, sinisigurado muna nilang malinis ang babae. Noong una, ayaw ko pa pero napilitan lang ako hanggang sa nakasanayan ko na kahit pa lihis sa paniniwala kong hindi dapat nilalaruan ang mga babae dahil may ina't kapatid din ako.
"Manager? Nami-miss ko na sila," malungkot na pag-amin ko pero napahawak ako sa batok ko nang batukan niya ako.
"Para kang tanga, Grey. Move on na. Kung ayaw niya sa 'yo, huwag mong ipilit ang sarili mo! Nagmumukha kang desperado!" napipikong sabi niya.
"Mahal ko sila e," sabi ko. "Manager? Kung magpapakalunod na lang kaya ak--"
"Punyeta! Bibilhan na lang kaya kita ng lubid? Huwag ka ngang magdrama! Naririndi na ako! Ang isipin mo, kung paano kumita ang movie ninyo!" pasinghal na sabi niya.
"Manager?" malungkot na tawag ko.
"Hayop ka, Grey! Nadadagdagan ang wrinkles ko sa 'yo. Ano ang magagawa natin kung ayaw niya sa 'yo? Magpapakamatay ka? Hindi na kayo magkikita ng mommy mo habambuhay," sabi niya kaya mas lalong nalungkot ako. Naalala ko si Mommy na iniiyakan ko sa tuwing may problema ako. I need a shoulder to cry on.
" I need you, mom," bulong ko saka tumingala sa papadilim na kalangitan. Sana ginagabayan niya ako.
"Bumalik na nga tayo," yaya ni Jeff saka tumayo at pinagpag ang shorts. "Magsaya ka naman, huwag kang killjoy dahil huling gabi na natin ito."
Tumayo ako at napilitang sumama sa kaniya saka nakipag-party sa mga kasamahan. Nang sa tingin ko ay hindi na makakaya ng katawan ko ang alak, pumasok ako sa hotel at kinausap si Gina.
"Salamat, Grey. Nang dahil sa 'yo, makikilala na ng mga turista ang Roxas, City lalo na ang resort ko," pasalamat niya.
"Gina, si Mira," malungkot na sabi ko.
"Nagpapahinga na 'yon sa kanila," sabi niya.
"Gina? Alam mong mahal ko ang kaibigan mo at seryoso ako sa kaniya, 'di ba?"
"I know," malungkot na pagsang-ayon niya. "Pero kapag sinabi niyang hindi ka niya gusto, wala na tayong magagawa pa, Grey. Kahit ako man ay nalulungkot pero hindi ko hawak ang puso ng kaibigan ko."
"It's okay," sabi ko saka tinapik siya sa balikat. "Salamat sa lahat, Gina. Matutulog na ako," paalam ko at tinalikuran siya.
--------
Kinaumagahan, maaga pa kaming nagtipon-tipon para bumalik na sa Maynila. Isang eroplano na ang sinakop namin dahil marami kami at para hindi pagkaguluhan ng ibang pasahero.
Pagdating sa Maynila, si Kuya Red ang sumunso sa akin.
"Kumusta? Balita ko, may nililigawan ka roon?" nakangiting tanong niya.
"Basted nga e," pag-amin ko na ikinatawa niya.
"Hindi mo man lang i-deny ang pagkabasted mo?" tanong niya.
"Hindi," tinatamad na sagot. "At huwag natin siyang pag-usapan dahil nahihirapan lang ang puso ko."
"Psh! Iba ka na ah, binata ka na."
"Si Dad? May girlfriend na ba?"
"Asa ka," sabi niya. "Nando'n na naman kay Mommy, nanliligaw."
"Ba't ba kasi ayaw magsyota ng iba," sabi ko.
"Eh sa ayaw, anong magagawa mo?"
"Bahala siya," sabi ko. Kapag magsama kaming tatlo, parang nakakatandang kapatid lang namin si Dad. And to be honest, I am so proud of him. We've got the best dad in the universe.
"Si Tangerine?" tanong ko.
"Wala sa bahay, ewan ko kung nasaan," sagot niya.
"Baka may taping," hula ko. She's an actress din pero hindi kagaya namin, paminsan-minsan lang siya nagkaka-movie o teleserye. Mas nagfo-focus muna siya sa pag-aaral.
Pagdating sa bahay, sinundo pa muna ni Kuya Red si Ate Kara sa studio kaya nagpahinga na lang ako pagkatapos kong kumain.
Nagising ako nang dahil sa tawag.
"H-Hello?" tinatamad na sagot ko pero nang mapatingin ako sa cellphone ko, drained na ang battery kaya napilitan akong tumayo para mag-charge.
Tumungo ako sa shower room saka naligo. Grabe, nakalimutan kong maligo sa dami ng iniisip ko. Actually, sina Mira at Maymay lang naman ang laman ng isipan ko hanggang sa nakatulugan ko na kanina. Magpapapalit na lang ako ng bedsheet sa katulong pagbaba ko.
Isang oras akong nasa bathtub habang nag-iisip at nang magsawa na ay umahon ako at nagbanlaw saka nagbihis.
May 70% na ang battery ko kaya kinuha ko ito sa charger at tiningnan kung sino ang tumawag kanina. Si Karlo.
Sunod-sunod na messages ang pumasok kaya nagbasa muna ako hanggang sa nabasa ko ang text galing sa family doctor namin. Pinapapunta niya ako dahil nandoon na raw ang DNA result.
"Alam ko na ang result niyan," wika ko saka tinawagan si Karlo. Hindi ako interesado sa DNA result. Pinagbigyan ko lang talaga si Jeff dahil ang kulit niya.
"Sir," bungad ni Karlo.
"Kumusta? Okay na ba ang lahat?" tanong ko. Mas excited pa akong malaman ang ibabalita ni Karlo.
"Sir, natagpuan ko na ang babaeng kakilala ni Mira," pagbalita niya.
"Good. Anong sabi niya? May inamin ba siya? Ano ba ang nangyari noon?" sunod-sunod na tanong ko.
"Yes po, sir," sagot niya.
"Talaga?" bulalas ko. "Anong sabi niya?"
"Ahm--" Anito na tila napapaisip pa. "May hawak na rin po ako ng CCTV footage noong gabing pinuntahan daw niya ang kaibigan niya and I think, kailangan mong makita 'to."
"T-Thank you, Karlo. Maaasahan ka talaga," pasalamat ko. "Pupunta ako riyan pero may dadaanan lang muna akong clinic, saan ka ba?"
"Kita na lang tayo sa coffee shop na malapit sa Bright star," sagot niya.
"How about the CCTV?" tanong ko.
"Sa condo mo na lang pala tayo magkikita," sabi niya.
"Bakit doon?" tanong ko.
"Nandoon ang original copy ng video e," sabi niya na ipinagtaka ko.
"Bakit nasa condo ko?"
"Doon ko na lang ipaliwanag and I'm sure, hindi mo inaasahan 'to," sabi niya.
"Sige, dadaanan ko lang ang result," sabi ko saka tinapos ang tawag.
"Bakit sa condo ko?" pabulong na tanong ko. Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Bakit pakiramdam ko, konektado nga ako kay Mira noon pa?

A/n:
Ang port ni Mira, port din ng ka-loveteam ni Blue noon. Hahaha... Kung gawin ko kayang si Hazel ang tunay na ina ni Mira? Tapos ibalik ang BlueZel. Hahaha. Joke lang..
"The SUPERSTAR DADDY" pala story ni Blue pero ang start talaga ng story nilang magkapatid eh, "University Princes". Sa mga baguhan, may  ka-triplets po ang ama ni Grey: Sina Sky, Black at Blue.


Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon