9

2.3K 69 2
                                    



SUPERSTAR'S MISTAKE

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited...

[Mira POV]
"Cut!" malakas na sigaw ng director kaya napabuntonghininga na naman ako. Kanina pa 'to sila. Galit na lumapit ang director nila sa amin.
"Hindi ba't sabi ko, i-seduce mo si Grey?" nakapamewang na tanong niya. "Hindi madadaan sa ganda ang pag-aartista!" Humarap siya kay Grey at tinaasan ito ng kilay. "Nabasa mo ang script, Mister Villafuerte, hindi ba?"
"Yes," tugon ni Grey na parang wala lang.
"Nabasa mo naman pala e!" singhal nito. "Siya ang magse-seduce sa 'yo and for Christ's sake, huwag kang magpa-seduce."
"She's not doing it," depensa ng mokong. "What shall I do?"
Napahilamos ang director.
"Back-out na lang po ako," sabat ko. Sa dinami-rami ng role, ito pa ang ibinigay sa akin. Ang plot nila ay napadpad si Grey sa isang isla kasama ang mayamang si Chelsea na pinoprotektahan niya at heto nga, isa ako sa malalanding babae na ise-seduce siya. Miyembro kami ng new people's army at kalaban namin ang militaring humahabol sa kanila kaya kinupkop namin sila.
"Anak ng! Akala ko ba okay na? Sisirain ba ninyo ako--"
"Hindi ko po kaya ang role," agarang depensa ko.
"Wala talaga siyang talent sa pangse-seduce," nakangising sabi ni Grey.
"Wala nga po," pagsang-ayon ko. Siguro sa ibang lalaki, kaya ko pang magdrama pero sa kaniya? Jusko, paano ko ise-seduce ang lalaking pinakakinamumuhian ko? Sa halip na maakit, nandidiri ako.
"Fine! Palitan nga ito!" galit na sabi ni Direk.
"Ako na lang po kung okay lang?" pagboluntaryo ni Gina.
"Siya na lang po," segunda ko. "Magaling po siya."
"Fine! Ayusin lang ninyo!" sabi ng director at umalis sa harapan namin.
"You know what?" mahinang sabi ni Grey. "You're not a good seducer."
"I know!" Sinamaan ko siya ng tingin pero sa halip na manahimik, ngumiti lang ito.
"Pero hindi mo na ako kailangang umarte, with your attitude, na-seduce mo na ako," bulong niya saka kumindat bago ako iniwan.
"Kapal!" bulong ko na sinikap itago ang pagkainis dahil may iilang nakatingin sa amin.
Ipinagpatuloy ang taping, pa-extra-extra lang ako. Bale ako na ang kanang kamay ni Ka-Sorang.
"Kailangan na natin ng batang babae," sabi ng director.
Napatingin ako kay Maymay na inaayusan ng makeup artist ni Grey.
"Halika na," tawag ni direk kay Maymay. Lumapit ito. Nakatali ang buhok nito at luma ang puting damit.
"Basta sumunod ka lang sa sasabihin namin, okay?" sabi ng isang writer. Tumango si Maymay at lumapit sa akin. Anak ko siya sa pelikula kaya hindi mahirap gawin ang script.
Hindi naman mahirap dahil walang bibitiwang linya si Maymay.
Pagkatapos ng eksena namin, inayos ko na ang mga gamit namin ni Maymay.
"Ang cute-cute talaga ni Maymay," puri ng isang babaeng talent nila.
"Salamat po," magalang na pasalamat ng anak ko.
"Alam mo, pakuhaan mo ng manager ang anak mo, tiyak na magiging artista 'yan," sabi nito.
"Huwag na," tanggi ko.
"Ay, bakit naman?" tanong nito.
"Magulo ang showbiz at ayaw kong nakawin ng showbiz ang kalayaan ng anak ko," sagot ko.
"Depende rin naman 'yan. Baka mag-ienjoy rin naman siya. Malay mo. Afterall, may talent siya at ang cute niya sa camera," puri nito pero nginitian ko lang siya.
"Hi," bati ni Grey na palapit sa amin.
"Hi, sir."
"Pinag-uusapan n'yo?" tanong niya.
"Wala," sagot ko. Ang tsismoso nito.
"Sabi ko na baka gusto niyang maging artista si Maymay, maganda naman ang bata at may talent. Kita mo, sumusunod naman siya kahit walang script," sagot ng talent.
"Kaya nga," segunda ni Grey. "Pag-artistahin mo kaya ang anak mo? Ako ang magma-manage."
"Ayoko," tanggi ko.
"Maiwan ko muna kayo, kami na yata e," paalam niya kaya naiwan kaming tatlo.
"Maymay? Gusto mong mag-artista?" tanong ni Grey. Tumango si Mila. "See? Gusto naman ng bata e."
Binitbit ko ang bag. "Tara na, Maymay, matutulog ka pa. Mag-aala una na," yaya ko.
"Hatid ko na kayo."
"Alam namin ang daan pabalik sa hotel," ani ko.
"Suplada mo talaga," aniya saka binuhat si Maymay at sinundan ako kaya tumigil ako at nilingon siya.
"Puwede ba, Grey? Huwag mo na kaming ihatid! Huwag ka na ring lumapit pa sa amin! Bakit ba ang kulit mo?"
"Tapatin mo nga ako, Mira! Ba't ba galit na galit ka sa akin? Ano ba ang kasalanan ko sa 'yo?" naguguluhang tanong niya. Si Maymay naman ay inosenteng nakatingin sa akin.
"Wala! Just leave us alone!"
"At kung ayaw ko?"
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa pagkapikon.
"Bakit ba ang kulit mo, Grey? Bakit ba ang hirap mong umintindi?"
"Dahil gusto kita!" walang gatol niyang sabi kaya natigilan ako.
"P-Pinagsasabi mo?"
"Gusto kita," pagtatapat niya.
"Baliw ka na!" ani ko saka kukunin sana si Maymay pero tumalikod siya.
"I'm serious, Mira, gusto kita."
"Wala akong paki! Akin na ang anak ko!"
"Hindi mo ba ako gusto?"
"Hindi!"
"Bakit?" tanong niya.
"Hindi lahat ng babae ay may gusto sa 'yo!" bulyaw ko.
"Sabihin mo ang ayaw mo sa akin," sabi niya habang sinusundan ako.
"Lahat!"
"Wala man lang kahit isang nagustuhan mo?" bulalas niya.
"Wala!" sagot ko na binilisan ang paglalakad.
"Si Maymay, tanggap ko siya," aniya.
"Wala akong paki!"
"Kahit single mom ka, mamahalin kita. Tatanggapin kita lalo na ang anak mo."
Sinabayan na niya ako sa paglalakad habang kalong pa rin si Maymay.
"Magugulo lang ang buhay mo at maraming babae riyan kaya tigilan mo na ako, Grey. Please lang, gusto ko ng tahimik na pamumuhay," pakiusap ko. I'm tired. Emotionally and spiritually. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang dahil sa kaniya.
"I don't care!" matapang niyang sabi. "Maraming babae pero ikaw ang gumugulo sa isipan ko. I'm dying na maging okay tayo."
"Then die!" ani ko.
"Harsh," aniya. "Ayaw mo bang magkaroon ng ama si Maymay?"
"Kung ang rason lang ay para magkaroon siya ng ama, hindi sapat iyon para makipagkaibigan ako sa 'yo."
"Seseryosohin kita."
Tumigil ako saka hinarap siya. "Alam mo, Grey? Huwag mong pilitin ang taong walang gusto sa 'yo. Naguguluhan ka lang dahil hindi ako kagaya ng mga babaeng handang magkandarapa sa 'yo! Naapakan ko ba ang pride mo? Huwag mo nang isipin iyon, walang makakaalam."
Natahimik siya at tila nag-isip nang malalim kaya sinamantala ko iyon.
"Akin na ang anak ko at salamat sa paghatid," ani ko at kinuha si Maymay saka iniwan siya.

----------------

[Grey POV]
Kanina pa ako nakahiga sa kama at nakatitig sa puting kisame. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.
"Pride," usal ko. Masyado nga ba niyang naapakan ang pride ko kung kaya't ganito na lang ako ka eager na maging okay kami? Kung tutuusin, marami nga ang babae riyan. Mas maganda, sexy, mayaman at higit sa lahat, virgin. Ilang virgin na ba ang nakuha ko? Hindi na mabilang. Pero siya lang na may anak na, ganituhin ako?
Bumuga na naman ako ng hangin. Nakakagago na.
Tumayo ako at lumapit sa bintana. Gusto kong manigarilyo pero wala ako sa mood.
Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang mga taong naliligo sa dagat. Mostly ay mga kasamahan ko. Papalubog na ang araw kaya hindi na sila takot na masunog ang balat.
"Mira," bulong ko at nakita sa balintataw ang nakasimangot niyang mukha pero maganda.
Ano kayang meron sa babaeng 'to bakit hindi siya mawaglit sa isipan ko? Sinusubukan ko pero ayaw talaga.
Kinuha ko ang jacket sa closet at lumabas. Maglalakad-lakad ako sa labas para lumanghap ng sariwang hangin dahil kapag manatili ako rito sa loob ng suite ko, mababaliw lang ako.
"Si Carlo?" tanong ko sa cameraman na nakasalubong ko.
"Sa park po sir," sagot nito. Si Carlo ang co-star ko na kunyari ay may lihim na pagtingin kay Chelsea at balang araw ay tatraidor sa akin. Magaling siyang actor.
"Salamat," pasalamat ko at iniwan siya saka pumunta sa park.
Nakita kong kausap niya si Mira at nagtatawanan sila. Nagdadalawang-isip ako kung lalapitan ko sila o aalis ako pero mas pinili ko ang una.
"Ehem," pekeng pagtikhim ko. "Mukhang masaya yata kayo?"
As expected, sumimangot si Mira.
"Ah, nagtatanong lang ako kung matagal na sila rito at kung totoo ngang may aswang dito sa Roxas," sagot ni Carlo.
"Totoo ba?" tanong ko kay Mira.
"Ewan," sagot ni Mira.
"Siya lang daw ang aswang," natatawang biro ni Carlo pero sa halip na ma-offend, nginitian pa siya ni Mira. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Hindi ko kasi naranasang ngitian niya. Naiinggit ako.
"Oo, aswang nga ako," pagsang-ayon ni Mira kaya tumawa si Carlo.
"Magandang aswang," puri ni Carlo.
"Kumain na kayo?" pag-iiba ko.
"Maaga pa," kontra ni Mira.
Wala na ba akong matinong sasabihin sa kaniya?
"Carlo? May itatanong daw si Chelsea sa 'yo," sabi ko.
"Ngayon na ba?" tanong niya na mukhang ayaw pa-istorbo.
"Baka. Mukhang importante yata. Alam mo naman 'yon, matampuhin kapag binabalewala," sagot ko saka sinabaya ng tawa.
"Ah, wait lang, puntahan ko muna siya," paalam nito.
"Sige, umalis ka na dahil baka magtampo 'yon," ani ko kaya dali-dali siyang umalis.
Tumayo si Mira pero hinarangan ko siya.
"Mag-uusap tayo," mahinang sabi ko.
"Wala tayong dapat na pag-usapan."
"Bakit ba sa ibang lalaki, mabait ka? Bakit sa akin, napakasungit mo?" tanong ko.
"Pakialam mo?" pagsisinuplada niya.
"I'm tired of this, Mira."
"E di huwag mo akong kausap--"
"Hindi ko kaya!" mabilisang sagot ko. "Hindi ko kayang lumayo sa 'yo at hindi ko rin alam kung bakit. Okay, gusto kita. Gusto kitang makasama at makausap nang matino."
"Hindi nga kita--"
"Wala akong pakialam kung gusto mo ako o hindi. Ang sa akin lang, gusto kita."
Narinig ko ang mahabang pagbuntonghininga niya na tila napapagod na.
"And please, huwag ka namang makipag-usap at makipagtawanan sa ibang lalaki."
"Ano ba ang pakialam mo sa buhay mo?" singhal niya.
"Nagseselos ako!" galit na pag-amin ko. "Naiinggit ako sa kanila dahil nakakausap mo sila nang maayos. Nakakagago na mag-isip kung ano ba ang kasalanan ko sa 'yo at kung bakit mo ako itinuturing na para bang ako ang nakakadiring lalaki sa mundo!"
Hindi siya umimik. Iniwas niya ang mga mata pero ne isang salita, walang namutawi mula sa bibig niya.
"I'm sorry pero nahihirapan na ako, Mira. Sana bigyan mo naman ako ng pagkakataong maging kaibigan."
Hinawi niya ang mahabang buhok saka inipit sa tainga niya nang umihip ang malakas na hangin.
"At kung ayaw ko, pipilitin mo ba ako?" tanong niya habang sinasalubong na ang mga mata ko.
"Hindi ko rin alam. Ang hinihingi ko lang ay chance," desperadong sabi ko saka hinawakan siya sa kamay. Hihilain pa sana niya pero mahigpit kong hinawakan. "Sorry kung may kasalanan ako."
"S-Si Maymay," aniya.
"Mahal ko siya. Tanggap ko siya at kung sasagutin mo ako, ako ang tatayo bilang ama niya."
Nagulat ako nang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay at buong katawan niya saka gumuhit ang takot sa kaniyang mga mata.
"M-Mira, alam kong mabilis ako pero--"
Hinila niya ang kamay saka humakbang palayo sa akin sabay iling.
"I-I'm s-sorry pero hindi ko kaya," umiiyak na paumanhin niya saka tumakbo palayo sa akin.
Nanghihinang naupo ako sa mahabang bench at napahilamos sa mukha. Ang iksi ng panahong nakilala ko siya pero bakit gusto ko na siya kaagad? Why do I feel na parang may tinatago siya sa akin? Or baka guni-guni ko lang 'to.

A/n:
Hindi ko na alam kung saan patungo ang story. Hahaha...😂😂😂

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon