36

2.2K 73 0
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 36

Unedited...

[Mira POV]

"May ticket na kami?" tanong ko kay Grey at naupo sa tapat niya habang nag-aayos ng lulutuin niya.
"Wala pa," sagot niya.
"Huh? Akala ko ba uuwi na kami bukas?"
"Oo, pero wala ang secretary ko kaya ihahatid na lang kita ng chopper," sagot niya.
"Okay."
"Pero kapag gusto naming makasama si Maymay, okay lang ba sa 'yo? Kapag may special occasion ang pamilya namin," paalam niya.
"Sure," pagpayag ko. "Pero huwag madalas dahil hindi ako sanay. Siguro mga two days ang maximum."
"Puwede bang once a week? May chopper naman kami," hirit niya. "Like every weekends?"
"Mapapagod ang bata," sabi ko.
"E di ako na lang ang pupunta every weekends para makasama ko si Maymay," suhestiyon niya.
"Hindi ba makakaabala--"
"Basta para sa anak ko, walang makakaabala sa akin."
"Ano ang lulutuin mo?" tanong ko.
"Kare-kare," sagot niya.
Tumunog ang cellphone niya sa tabi. Pinindot niya para sagutin ang tumatawag. At dahil madumi ang kamay niya dahil sa gulay, ine-loudspeak niya ito.
"Grey," tawag ng babae sa kabilang linya.
"Op," sagot niya.
"Can you come tonight?"
"Why?"
"I-I'm horny," natatawang sabi ng babae kaya napaubo si Grey.
"Tawagin mo boyfriend mo," sabi niya saka napailing.
"Wala e, nasa Korea."
"Ano ba ang kailangan mo? Papatayin ko na 'to," tanong ni Grey.
Tumawa nang malakas ang babae sa kabilang linya.
"Nami-miss ko na mag-sex," maarteng sagot niya.
"Fuck yourself!"
Humalakhak ang babae.
"Mainitin ang ulo mo. Porket may asawa ka na, binabalewala mo na ako?" May himig ng pagtatampo sa boses nito. Kinuha ko ang maliit na palanggana at ako na ang gumawa sa paghiwa ng mga sangkap.
"Papatayin ko talaga 'to!" Napipikong pagbabanta ni Grey.
"Just kidding. Puwede bang pakitawagan ang hayop mong kaibigan at pakisabing kapag hindi niya ako re-reply-an, papatayin ko siya?"
"Ba't ako? I'm busy," aniya.
"Talagang binabalewala ninyo ako? Baliw ka rin ano? Ano ba ang nangyayari sa inyo? Una ang boyfriend kong hindi sumasagot dahil nakikipag-cool off ako tapos ikaw, wait--" sabi niya. "Is it true na may ginahasa ka?"
Napasulyap si Grey sa akin pero ipinagpatuloy ko ang paghiwa ng sibuyas.
"Yes, why?"
"Really? Gago ka pala e, dito naman ako ba't ka nang-rape?"
"Mas gusto ko ang ginahasa ko e," sagot ng mokong.
"Duh? Mas magaling ako, ayaw mo lang akong subukan," biro niya.
"I don't fuck my friend's girlfriend," sagot niya.
"Kapag ba--"
"Busy ako, Lyc, tawag ka na lang nextime."
"Seryosong usapan na, paki-message si Jordan na mag-reply sa akin dahil kung hindi, magbibigti ako. Pakisabing ready na ang lubid ko." Utos nito.
"May problema rin ako e."
"Nanay ng anak mo? Pakitaan mo kaya ulit ng titi mo para--"
"Lyka!" saway niya.
"What? If I know nagpapakipot lang 'yan. Duh? Patikimin mo kaya ulit para--"
"Shutup!"
Tumawa ang babae sa kabilang linya.
"Galingan mong gumiling, Grey."
"Go to hell!" singhal ni Grey saka pinatay ang tawag at hinarap ako. "Sorry, ganoon lang talaga 'yon."
Nanggigigil na hinihiwa ko pa rin ang bawang.
"Pino na 'yan," sabi niya kaya napatingin ako sa bawang na pinong-pino na nga. "Ganoon lang talaga siya pero walang nangyayari sa amin."
"Hindi ko tinatanong kaya huwag kang magpaliwanag," walang ganang sabi ko at itinulak sa kaniya ang palanggana. "Magluto ka na dahil baka magising na si Maymay!"
"Psh! Baka na-offend ka," sabi niya.
"Hindi naman," sagot ko at tumayo. "Magliligpit lang ako ng gamit."
Ano nga ba ang ililigpit ko? Eh, wala naman kaming gamit nang kidnap-in kami ni Maymay ng pamilya niya. Dadalhin ko na lang siguro ang ibang laruang bigay nina Tita Erika para may bagong libangan si Maymay.
Nagising si Maymay at agad na hinanap ang ama.
"Sa labas, nagluluto," sagot ko.
"Labas lang po ako," paalam niya.
"Maghilamos ka muna at magsuklay," sabi ko na sinunod naman niya at patakbong lumabas.
Patihayang nahiga ako sa kama at napapaisip. Aattend ba ako ng kasal ni Lemuel? Pero kami kasi ang magpro-provide ng mga bulaklak niya at business is business. Makakaya ko kayang makitang ikinakasal ang lalaking 'yon sa iba? Ang lalaking minsang pinangakuan ako ng kasal at masayang pamilya?
Siguro dahil sa sobrang pagod kaya nakatulog ako.
Naramdaman ko ang mainit na bagay sa mga labi ko. Pinkiramdaman ko, bigla iyong kumibot kaya bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang makaramdam ako ng bigat sa ibabaw ko.
Pinipigilan kong mapasinghap nang maramdaman ang pagbitiw niya sa mga labi ko at naglakbay pababa sa leeg ang mainit at malambot niyang mga labi. Sinubukan kong mag-isip pero walang pumapasok sa utak ko.
Gusto kong tumayo nang makaramdam ng lamig sa balat matapos niyang itaas ang tshirt ko at dinilaan ang pusod ko. Shit!
"I know you're awake, honey," namamaos na sabi niya kaya dumilat ako. Maliwanag ang buong paligid kaya nakita ko ang mukha niyang nakatingala sa akin nang yumuko ako.
"S-Si Maymay?" nauutal na tanong ko. Ngumiti siya.
"Sa labas," sagot niya. "I locked the door, so don't worry."
Tatayo sana ako pero hinawakan niya ang bewang ko at patulak na ibinalik sa kama.
"G-Grey..."
"I love you, Mira," he said in a husky voice. What shall I do? Nalilito na ang utak ko.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon