22

2.3K 64 0
                                    



SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...

[MIRA POV]

Lumapag ang helicopter sa helipad ng malaking mansion. Agad na bumaba ang mga kasama ko bitbit si Maymay.
"Pasensiya ka na, hindi ko rin alam ito," paumanhin ni Tito Blue na pinauna niya akong bumaba.
Hindi ako makapagsalita, kinakabahan ako dahil baka iipitin nila ako sa sitwasyong labag sa kalooban ko.
Pagpasok namin sa bahay, sumalubong sa amin ang mga babaeng matatangkad at magaganda kaya nanliit ako.
"Daddy!" sabi ng babaeng lumapit sa amin at humalik sa pisngi ni Sir Blue.
"Ang cute ng apo mo, Blue," magiliw na puri ng ginang habang kalong si Maymay.
"Mas cute ang apo natin, babymine," sabi ni Sir Sky saka inakbayan ito. "Pero joke lang, lahat ng Villafuerte ay guwapo at magaganda."
"Hi. Mira, right?" nakangiting tanong ng babaeng nasa tabi ko na. Ang seksi niya.
"H-Hello," naiilang na sagot ko.
"I'm Nathalie, Black's wife and you can call me Tita Natty," pagpakilala niya.
"Natnat? Taga Roxas siya," sabi ni Sir Black.
"Ay, talaga? Baw, kabalo ka mag-Ilonggo?" tanong ni Tita Natty.
"Y-Yes po."
"Pareho gid ta gali, tingala ko man nga guwapa ka man," pilyang sabi niya kaya napangiti ako. At least may kapareho na akong ilonggo. "Huwag kang mahiya sa kanila, mga walang hiya 'yan," pabirong bulong niya. "Halika, dinner tayo."
"Uy, dinner tayo, Ate Mira," yaya ng babaeng humalik kay Sir Blue. I guess, kapatid ito ni Grey. "I'm Tangerine pala, bunsong kapatid ni Kuya Grey. Akala ko ako ang kamukha ni Mommy, hindi pala," nakalabing sabi niya.
"Kain muna tayo, nagugutom na si Mira," yaya ni Tita Nathalie.
Napilitan akong sumunod sa kanila.
"Dito ka na, Mira," sabi ni Clouds at hinila ang isang silya sa tabi niya. May kasalanan pa ito sa akin kaya sa tabi ni Tita Nathalie ako naupo.
Sabay kaming kumain. Nagkukuwentuhan pa sila na para bang wala lang sa kanila ang mga nangyayari.
"Gamay lang kaon mo haw? Dupihi kaon, indi ka maghuya-huya,(Bakit konti lang ang kinain mo? Kumain ka pa, huwag kang mahiya)" bulong ni Tita Nathalie.
"Busog na ako," sagot ko. Sino ba ang ganahang kumain gayong sila ang kasama ko?
"Mansion pala ito ng mga Villafuerte, nasa bakasyon sina Mommy Kim at Daddy Skyler kaya dito ka nila dineretso," sabi niya.
Pagkatapos naming kumain, nag-usap sila sa sala at kinulit si Maymay. Ang anak ko naman ay magiliw na nakipag-usap sa kanila na para bang ngayon lang sila nagkita.
"Halika sa kuwarto mo," yaya ni Tita Taira.
"Sumama ka na sa kaniya," sabi ni Tita Nathalie kaya sumunod ako dahil ayaw ko rin sa sala. Dinala niya ako sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok kami sa isang malaking silid at puno ng mga gamit. Mas maganda pa ito kaysa sa special guest ng hotel na napasukan ko.
"Feel at home," nakangiting sabi niya.
"G-Gusto ko na pong umuwi," nahihiyang sabi ko. Isinara niya ang pinto at hinarap ako.
"Alam kong wala akong karapatang manghimasok pero dahil wala na si Avery, puwede bang kami muna ang tatayong ina ni Grey?" seryosong tanong niya.
"H-Hindi ko po idedemanda si Grey," sabi ko. "Gusto ko lang pong lumayo sa kaniya dahil nasasaktan ako sa nangyari."
"Yes, nandoon na tayo sa ginahasa ka niya, pero ano? Kapag ba makulong si Grey habambuhay, magiging masaya ka na? I mean, nauunawaan ka namin at nirerespeto namin ang pinagdaanan mo, pero hindi mo rin ba naisip na biktima rin si Grey rito? He raped you, yes, but unintentionally. He raped you without even knowing na totoong rape iyon. What we are asking is hear him out, give him a chance and try to know him better, kahit na para sa anak na lang ninyo." Mahabang sabi niya.
"But I can't force myself na magustuhan siya."
"I know mahirap, pero wala nang ibang makapagpabago ng isip niya kundi ikaw na lang, kahit na kami na lang ang kukuha at maghahatid sa bata para hindi mo na siya makita. Anak din niya si Maymay at hinding-hindi niya tatalikuran iyon." Hinawakan niya ang kanang kamay ko. "I-I'm sorry, Mira. Alam kong naiipit ka sa sitwasyon, but Grey is also a victim."
"Hindi ko rin po alam ang gagawin ko, gusto ko siyang patawarin pero mahirap gawin."
"I know. It's a long process, hija. Ang mahalaga, sinusubukan mo. He's a good person, napasama lang talaga siya sa mga barkada niya. Tutulungan ka namin, kung hindi man kayo mauwi sa kasalan, at least kahit sa pagkakaibigan na lang sana," puno ng pag-asang sabi niya. "Matulog ka na, hindi ka namin sasaktan."
Nakalabas na siya kaya naupo ako sa malambot na kama. Medyo mahirap gawin ang pakiusap nila sa akin.
--------------------
Kinabukasan, maaga pa akong nagising pero hindi ako makalabas aa kuwarto dahil nahihiya ako. Naisip ko nang tumakas pero baka mabaril ako ng guard.
Naligo muna ako at nagpalit ng damit na nasa closet. Ang sabi ng katulong kagabi, para raw sa akin ang lahat ng damit. Ang iba ay may price pa kaya nalulula ako sa halaga ng isang pirasong damit.
Nasa tapat ako ng dresser habang nagsusuklay nang may kumatok kaya bigla akong kinabahan, ayaw kong makipag-usap sa kanila. Mas okay pa na sa katulong na lang ako makipag-usap kaysa mga Villafuerte.
Napilitan akong pagbuksan siya.
"Good morning," bati ni Sir Blue.
"Sir," usal ko.
"Tito Blue na lang," sabi niya saka sumumilip sa kama ko. "Kapag magising ang apo ko, bumaba ka para kumain, mamasyal ka sa hardin, maraming tanim si Taliw na tiyak magugustuhan mo."
"T-Tito, gusto ko na pong umuwi."
Napabuntonghininga siya. "I'm sorry, Mira, napagkaisahan kasi namin kagabi na hindi ka muna pauwiin dahil gusto pa nilang makasama si Maymay. Gusto ka pa nilang makilala."
"P-Pero ako ho ang rason kung bakit nakulong si Grey."
"Wala kang kasalanan," sabi niya. "Pasensiya ka na kung naging mahirap sa iyo ang sitwasyon, pero wala rin kaming choice."
"Please, huwag ho muna ninyo akong pilitin na makita si Grey dahil hindi ko pa po kaya," pakiusap ko.
"Sige lang," aniya.
"Dad?" tawag ni Kuya Red. Lahat sila ay Kuya, Tita o tito ang itatawag ko raw sa kanila.
"Yes, Red? Ang aga mo naman yata?"
"Nahanap na po ang babaeng sangkot sa kaso ni Mira," sagot niya. "Ipapadala ko na siya mamaya rito."
Si Ruby? Nahanap na nila ang walang hiyang babaeng iyon?
"Good," masayang sabi ni Tito at humarap sa akin. "Hayaan mong tulungan ka namin."
Tumango ako. Gusto ko ring maharap si Ruby at matanong kung bakit niya nagawa iyon? Nagtiwala ako sa kaniya pero ano ang isinukli niya?
"Kain tayo sa baba, Mira, sabayan mo kami ni Tangerine," yaya ni Kuya Red.
"Hintayin ko pang magising si Maymay, baka hanapin niya ako."
"Ako na ang bahala rito," sabi ni Tito Blue. "Kumain ka na muna."
Nahihiya na akong tumanggi kaya sumama ako kay Kuya Red pababa.
"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng kapatid ko sa 'yo," paumanhin niya habang pababa kami sa hagdan. Hindi ko siya sinagot. Ewan ko ba kung bakit lahat sila ay humihingi ng kapatawaran pero iniipit pa rin nila ako para hindi makauwi sa amin.
Kumain kaming tatlo. Ang daldal ni Tangerine kaya minsan, sinasaway siya ni Kuya Red.
Pagkatapos kumain, niyaya ako ni Tangerine na mag-shopping pero tumanggi ako. Una, wala akong pera.
"You can use my brother's credit card, ako ang bahala," sabi ni Tangerine.
"Huwag na, nextime na lang," tanggi ko kaya napilitan siyang umalis mag-isa.
Bumalik ako sa kuwarto at nagkulong dahil mukhang hindi na ako pinapansin ng anak ko, busy siya kina Tito Blue at sa mga katulong.
Bumaba lang ako nang pinatawag ako sa katulong para mag-lunch tapos bumalik ulit para magkulong da kuwarto.
Naalimpungatan ako nang may kumatok sa pinto.
"Nandito na ang dating kaibigan mo," sabi ni Kuya Red.
"Nasaan siya?" tanong ko sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.
"Guest room. Halika, samahan na kita," yaya niya kaya sumunod ako sa kaniya.
"Nasa loob siya, bahala ka na sa kaniya," sabi niya kaya nanggigigil na pumasok ako.
"M-Mira," sabi ni Ruby nang makita ako.
"Hayop ka!" singhal ko sabay sugod kay Ruby. "Wala kang kuwentang kaibigan! Nagtiwala pa naman ako sa 'yo!"
"M-Mira, s-sorry."
"No! Hindi kita mapapatawad! Sinira mo ang buhay ko!" sigaw ko saka pinagsasampal siya. "Itinuring pa naman kitang kaibigan pero bakit?"
Hindi siya lumalaban, nakayuko lang siya at tinatanggap ang mga sampal ko. Siguro dahil natatakot siya sa malaking mama na nasa tabi ng pinto at nakabantay sa amin.
"B-Bakit mo iyon nagawa, Ruby? Bakit mo ako ipinagkanulo?"
"Nang araw na iyon, n-nalaman kong buntis ang babaeng pina-book nila sa akin. Naka-down na sila sa account ko at nagasto ko na ang pera, kaya wala akong choice kundi i-ikaw ang i-ibinigay ko sa kanila. I t-told them na gusto mo ng hard, gusto mo na para bang ginagahasa ka d-dahil mahilig ka sa horror movies. A-At gusto mong matupad ang imagination mo na--" Napalunok siya ng laway pero takot pa ring humarap sa akin. "N-Na ginagahasa ka ni Grey d-dahil madalas mo siyang pinapantasyahan."
"What?" bulalas ko.
"Alam kong hindi ka papayag kahit na kausapin pa kita, Mira, dahil nasa iyo na ang lahat at mayaman pa si Lemuel na boyfriend mo, I'm sorry."
Naiyak ako saka naupo sa sofa.
"S-Sinira mo ang buhay ko."
"M-May sakit ang nanay ko, malaki ang babayaran namin para operation dahil puputulin na ang magkabilang paa niya, si Tatay naman, na-stroke r-rin kaya w-wala akong choice dahil wala na akong matatakbuhan kundi mangbugaw," umiiyak na paliwanag niya.
"At buhay ko naman ang sinira mo?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Pinahidan niya ang mga luha saka hinarap ako. "P-Pasensiya ka na p-pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko."
Lalong sumiklab ang galit sa dibdib ko.
"Kapal mo!"
"If i-iyon ang paraan para mabuhay ang mga magulang ko at makasama ko sila nang matagal, paulit-ulit kong gagawin ang pagkakamaling iyon."
"S-Sinira mo ang buhay ko!"
"I k-know," malungkot na pagsang-ayon niya. "Kaya handa akong magpakulong kung magsasampa ka ng kaso, p-pero pakiusap, huwag mong ipaalam kina Nanay at Tatay ang ginawa ko d-dahil sisihin lang nila ang sarili nila sa maling ginawa ko."
"G-Gusto kong makita ang mga magulang mo," mahinang sabi ko saka pinahidan ang mga luha. Isa pa, ayaw ko rin ng padalos-dalos na desisyon dahil baka hawak pa rin si Ruby ng mga Villafuerte.
"S-Sige," pagpayag niya.
Lumabas ako at nakiusap kay Kuya Red na kung puwede ay sasama ako kay Ruby. Kinausap niya si Sir Blue kaya pinasamahan niya kami sa tatlong bodyguards nila.
Sa itim na van kami isinakay. Habang nasa biyahe, hindi ko kinakausap si Ruby. Sabi niya, sa Tondo raw sila nakatira. Napapansin kong panay ang sulyap niya sa relong nasa kanang kamay niya pero hinayaan ko lang siya.
"M-Mira? Sana huwag m-mong ipaalam kina Nanay a-ang pakay mo," mahinang pakiusap niya saka hinawakan ang kanang kamay ko pero agad kong hinila.
"Gusto kong malaman ang totoo!" ani ko.
Nakarating kami sa sinasabi niyang lugar. Bumaba kami at kasama ang dalawang bodyguards, pumasok kami sa maliit ka eskinita. Ang daming batang nakakasalubong namin at dikit-dikit din ang bahay.
"P-Puwede bang bumili muna tayo?" pakiusap ni Ruby nang madaanan namin ang carenderia.
"Ruby! Bibili ka ba? Paubos na 'to," tawag ng ginang na nagbebenta. "Taray, sino ang mga kasama mo? Mukhang mayaman ah."
"Kaibigan ko ho," sagot ni Ruby. "Dalawang kanin at isang serve ng monggo, pahingi na rin ng--"
"Sabaw," dagdag ng ginang. "Alas kuwatro na kaya bahaw na 'to, initin mo na lang."
"Sige, salamat," pasalamat ni Ruby. Matiyaga akong naghintay ganun din ang dalawang bantay dahil baka mamaya, tatakasan na niya kami.
"Tara na," yaya ni Ruby kaya sumunod kami sa kaniya. Tumigil siya sa isang pintuan ng magkadikit ba bahay. "Pasensiya na kayo sa boarding house, ito lang ang makaya ko," paumanhin niya saka binuksan ang pinto saka pumasok.
"Dito lang ho kayo, manigarilyo muna kayo," sabi ko sa dalawang lalaki.
"Sige po, ma'am," pagpayag nila.
Pumasok ako. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang isang kama at mahabang silya sa gilid nito tapos may maliit na mesang may mga nakapatong na baso't plato.
"Mabuti naman at nakauwi ka na, Ruby," masiglang sabi ng matandang babaeng nakaupo sa wheelchair, si Tita Susan.
"N-Nay, pasensiya na kung hapon na akong nakauwi," paumanhin ni Ruby.
"Kumain na ba kayo ni Tatay?" tanong ni Ruby habang inilipat sa plato ang biniling pagkain.
"Hindi pa nga e, lugaw lang ang kinain namin dahil wala na tayong bigas," sagot niya at napatingin sa akin. "Sino ang kasama mo?"
"Ay, si Mira po pala. Naalala mo ang kaibigan mong si Tita Ana at Tito Romeo? Siya na iyon," sagot ni Ruby na nag-aalala ang mga mata.
"Hala, sus ikaw na ba si Mira? Guwapa, guwapa ka na," puri ni Tita Susan. "Mahilig ka pa rin ba sa bayabas?"
Napangiti ako. Naalala ko noong bata pa ako, nagtitinda sila ng prutas at gulay at sa tuwing dadaan, bumibili ako ng bayabas sa kanila. Minsan, hindi niya ako pinapabayad.
"O-Opo," sagot ko at napasulyap sa maliit na kama nang gumalaw ang kumot. Nakita ko si Tito Robert, payat at nakatitig sa akin pero nakangiti.
"Pasensiya ka na, hindi na si Robert makapagsalita dahil na-stroke. Alam mo namang masipag siya noon sa bukirin, tapos ako naman, naputulan ng paa dahil sa diabetes," paumanhin niya na halos ikadurog ng puso ko. Magsasaka si Tito Robert at nagbebenta rin ng uling sa bayan. Naging masipag ang mag-asawa para mapatapos sa pag-aaral si Ruby pero sa kasamaang palad, pinaalis sila ng amo nila dahil ibebenta na raw ang lupa kaya nakipagsapalaran sila rito sa Maynila.
"O-Okay lang po," sabi ko.
"Nay, kain na muna kayo," sabat ni Ruby at inabot ang plato kay Tita Susan.
"Pakainin ko muna ang tatay mo," sabi ni Tita at hinawakan ang gulong ng magkabilang wheelchair para makalapit sa kama.
"Huwag na, ako na po. Alam kong gutom ka na," sabi ni Ruby at lumapit kay Tito saka tinulungang makaupo para mapakain.
Namalayan kong tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin sa kanila. Naging mabuti sila sa amin noon. Si Tito pa nga ang tumulong kay Papa noong panahong nabaril ito ng nakaalitan sa negosyo. Kung wala si Tito, baka mas maaga pang namatay si Papa.
"Kain ka muna, Mira, pasensiya ka na sa bahay namin minalas talaga kami e. Ewan ko ba kung kailan kami susuwertehin. Kung wala si Ruby, mamamatay kami ni Robert. Sana nga, mamatay na lang kami para maging masaya na siya."
"Nay, huwag ka namang magsalita nang ganyan," saway ni Ruby.
"B-Bakit? Pabigat lang kami ng Tatay mo sa 'yo. Dapat may asawa ka na pero dahil sa amin, iniwan ka niya," naluluhang sabi ni Tita Susan.
"Naging pabigat din naman ako noon sa inyo," sabi ni Ruby at sinabayan ng tawa pero may bahid ng lungkot ang mga mata habang nakatingin sa mga magulang.
Hindi ko na kaya. Tumalikod na ako at walang paalam na lumabas saka iyak nang iyak paglabas.
"M-Mira," tawag ni Ruby na sinundan ako.
"Bumalik ka na sa loob, pasensiya na kung hindi nakatanghalian ang mga magulang mo nang dahil sa akin," paumahin ko saka tumakbo palabas ng eskinita kasunod ng dalawang bodyguards. Pagpasok ko sa van, doon ko ibinuhos ang lahat ng mga luha ko. Bakit ganito? Mas lalong hindi ko na alam ang gagawin ko.

A/n:
Bago ako magsulat, sabi ko papuntahin ko si Mira kay Grey pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat, naalala ko ang babaeng naging dahilan ng lahat ng ito. Hahaha! So ayun, sabi ko ikukulong ko siya, pero ewan ko ba kung bakit ito ang kinalalabasan. Hahaha! I just saw a video of a nurse beating his paralize patient sa Australia and remembered a small woman na walang upper extremeties, pero nahanap niya ang truelove niya kaya naging ganito ang eksena. Hahaha.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon