37

2.4K 69 0
                                    


SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 37

Unedited....

[Mira POV]

Nasa kusina sila ni Maymay habang tinuturuan niya itong mag-prito ng hotdog.
"Kapag marunong kang maggisa, marunong ka na ring magluto," sabi ni Grey habang buhat si Maymay.
"Luto na po ba 'yan, papa?"
"Oo, gusto mo?" tanong niya saka tumusok ng isang hotdog at ibinigay kay Maymay, "Be careful, mainit pa 'yan."
"Ehem," pekeng tikhim ko kaya lumingon siya.
"Good morning, honey," masiglang bati niya. Psh! Honey.
"Grey? Anong oras kami uuwi?" tanong ko na ikinabigla niya. "Di ba uuwi kami ngayon?"
"H-Hon--"
"Huwag mo kong tawaging honey!" saway ko saka pinandilatan siya.
"Mira kasi--"
"What?"
"I thought you changed your mind."
"Ang usapan ay usapan, Grey. Kailangan kong ayusin ang shop ko dahil kami ang magsu-supply ng flowers sa kasal nina Lemuel," sabi ko.
"Ngayon na ba?"
"Oo."
"Puwede bang later na lang sa afternoon? May mahalaga pa akong lakad eh, please," pakiusap niya.
"Gaano ka halaga?"
"Pupunta ang clients ngayon sa office para sa proposal nila."
"Until what time, Grey?"
"Start kasi ten o'clock ang meeting. Most probably, mga four pm matatapos."
"Sige, after mo na lang," pagpayag ko. Kailangan ko nang makauwi sa Roxas.
"Hintayin na lang ninyo ako sa office if okay lang?"
"Dito na lang."
"Doon na lang tayo susunduin ng chopper, may helipad naman doon," sabi niya. "Basta sa office lang kayo, wala namang tao roon."
"Fine," pagpayag ko.
"Kumain na kayo ni Maymay," sabi niya at inilapag ang bata saka kinuha ang hotdog sa kawali.
May kanin at tapa na sa mesa.
Hinila ko ang upuan at naupo. Inilapag niya ang platong may hotdog sa mesa at naupo sa tabi ko.
"Kain ka nang marami, nagluto ako ng sopas," alok niya.
"Salamat," pasalamat ko. Mukhang maaga pa ito nagising para magluto ah.
Nilagyan niya ng kanin ang plato ni Maymay. "Gusto mo ng ketchup, baby?"
Tumango ang bata kaya nilagyan niya ang plato nito.
"Ikaw hon--Mira? Gusto mo ng ketchup?"
"No, thanks."
Ipinagpatuloy ko ang pagkain.
"Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" tanong niya.
"Oo," tipid na sagot ko.
"Mabuti naman," aniya.
Nakatulog nga ba ako nang mabuti? No. Dalawang oras lang yata ang tulog ko. Naramdaman ko pa nga ang pagbangon niya pero tinatamad akong magmulat ng mga mata para alamin ang oras.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas at siya na ang nagpaligo kay Maymay.
Nang matapos ako sa kusina, pumanhik ako sa kuwarto para mag-ayos na rin dahil sasabay kami sa kaniya.
"Sa labas lang si Maymay," sabi niya at hinila na ang bata palabas.
Pagkasara ng pinto, napaupo ako sa kama. What happened last night? Hindi pa rin ako makapaniwala na naulit ang pagtatalik namin ni Grey. And this time, hindi na niya ako pinilit.
Napahilot ako sa naninikip na dibdib ko, ang hirap tanggapin. Hindi ko mawari kung bakit? Sobrang bilis ng mga pangyayari. Basta ang naalala ko, nag-enjoy ako.
"Ugh! Mali ka, Mira," sabi ko saka sinabunutan ang sarili. Mababaliw na ako. Hindi naman kasi umabot ni Lemuel sa ganoong sitwasyon bilang magkasintahan kahit na minsan na kaming nagkatabi sa pagtulog. Pero kay Grey, ang bilis kong bumigay kahit na wala naman kami.
"Pero nanliligaw naman siya sa akin e, baka puwede na 'yon?" wala sa sariling tanong ko. "Agh! Mababaliw na ako!" naiinis na sabi ko saka tumayo at tumungo sa banyo para maligo.
Paglabas ko sa kuwarto, nakaayos na rin siya at mukhang ako na lang ang hinihintay nila.
"Okay na?" tanong niya at tumayo.
"Yups, lets go," sagot ko.
Tahimik kaming sumakay sa elevator hanggang sa nakarating na kami sa building nila.
Dumiretso kami sa office niya.
"Jen? Ikaw na muna ang bahala kay Ma'am Mira mo," bilin niya sa secretary. Tumakbo si Maymay at nagtatalon-talon sa malaking couch.
"Okay po, sir," sagot ni Jen.
"Sige, puwede ka nang lumabas, Jen. Tatawagan ka lang ni Mira kapag kailangan ka niya."
"Yes po," sabi ni Jen at lumabas na.
Humarap si Grey sa akin.
"Wait lang, hon, mabilis lang 'tong meeting. Basta sabay tayong mag-lunch, okay?" sabi niya saka hinapit ako sa bewang.
"Okay," sagot ko. Tinitigan niya ako kaya napakunot ang noo ko. "Bakit?"
"Huwag na lang kaya akong dumalo sa meeting?"
"Huh? Bakit?"
"ML na lang tayo rito," pilyo niyang sabi saka mas lalo akong hinapit sa bewang kaya nagkadikit ang mga katawan namin.
"G-Grey, ano ba!" mahinang saway ko.
"I miss you."
"Magkaharap lang tayo," sabi ko. Shucks, ang bango ng mokong.
"Adik na nga yata akong makipag-ML sa 'yo," bulong niya.
"Tumigil ka sa kaka-ML mo, baka may makarinig!" saway ko.
Marahang tumawa siya. "Walang makakaalam ng code natin, honey."
"Tigil na!" saway ko at hinampas ang dibdib niya pero agad niyang nahuli ang mamay ko at itinapat sa puso niya.
"Ang bilis ng lakas ng tibok, noh?"
Hindi ako kumibo. Tama nga siya, ramdam ko nga. Same lang din naman kalakas sa akin e.
"H-Hindi porket may n-nangyari na ulit sa atin, ganoon ka na sa akin, Grey," nauutal na sabi ko.
"Umaasa ako, Mira," seryosong sabi niya.
"Rapist pa rin kita," paalala ko.
"Guilty nga ako, but I think case closed na tayo," sabi niya saka itinaas ang kanang kamay sa batok ko. "Nang payagan mo ako kagabi, hindi ko na iniisip na rapist ang turing mo sa akin." Bago pa ako makasagot, inangkin na niya ang mga labi ko. Gusto ko siyang itulak palayo pero nanatili lang akong nakatayo at hinayaan siya.
"S-Sorry."
Tumigil siya sa paghalik saka humarap sa pinto pero ang isang kamay ay sa bewang ko pa rin.
"Nandoon na ba sila?"
"Yes po, sir. Nandoon na silang lahat," sagot ni Jen.
"Good," sabi ni Grey at binitiwan ako. "Dito lang kayo ni Maymay."
Sumunod na siya sa secretary niya kaya lumapit ako kay Maymay at naupo sa couch.
Nanood ako ng TV habang si Maymay ay nakatulog na. Ang lawak ng opisina niya, parang condo type lang dahil may maliit na kuwarto para tulugan at kumpleto rin sa appliances.
Quarter to twelve nang bumalik siya. Saktong gising na rin ang anak namin.
"Kain na tayo," yaya niya. Bumangon si Maymay at lumapit kay Grey para magpakarga.
Sumunod ako sa kaniya. Dinala niya kami sa cafeteria. Ang daming tao na napapalingon sa amin.
"Ako na lang ang oorder," sabi ko nang ayaw pababa ni Maymay.
"Ako na," sabi niya.
"Huwag na," tanggi ko.
"Here, use my card," sabi niya matapos kunin sa wallet ang card.
"Maymay, magpababa ka na kasi," saway ko pero mas lalong humigpit lang ang pagkakayakap nito sa leeg ni Grey na tila inaantok pa.
"Okay lang," sabi ni Grey.
"Dito lang kayo," paalam ko.
"Siya ba ang asawa ni Grey?" narinig ko sa kabilang table na may apat na babaeng kasing edad ko lang na kumakain.
"Kasal na?"
"Ewan."
"May anak na pala sila? Ang tagal niyang tinago ha."
Bahala sila. Sabihin nila ang gusto nilang sabihin. Pumila na ako.
"Miss? Dito ka na," nakangiting sabi ng guwapo at matangkad na lalaking nasa unahan ko.
"Hindi, okay lang po," sagot ko at nginitian siya.
"New employee ka ba rito?"
"Bakit po?"
"Ngayon lang kita nakita," sabi niya na nakaharap na sa akin. May pumila na sa likuran ko.
"Ah, napadaan lang," sagot ko.
"You mean, hindi ka rito nagtatrabaho?"
"Hindi po."
"Nag-aapply ka pa lang?"
"Ahm... Ganoon na nga," sabi ko.
"Good," nakangiti niyang sabi saka may dinukot sa bulsa. "Here's my calling card, in case na gusto mong mag-apply sa amin," sabi niya at inabot ang card pero bago ko pa matanggap, may pumigil na sa kamay ko.
"Hindi niya kailangan ng trabaho," sabi ni Grey at ibinaba ang kamay ko.
"Grey. You know her?" nakangising tanong ng lalaking sa harapan ko.
"Of course," sagot ni Grey. "She's my wife."
"Oh," anito.
"Bumalik ka na sa table, honey, ako na ang pipila," sabi ni Grey kaya napatingala ako sa kaniya na madilim ang mukha.
"Grey--"
"Walang kasama ang anak natin sa table, hon."
"Totoo pala na may anak ka na, dude," sabi ng lalaki.
"Madadagdagan pa 'yan kaya huwag ka nang umeksena," sagot ni Grey kaya napakagat ako sa ibabang labi. Alam ko namang nakikinig ang mga tsismosa sa paligid namin.
Walang pasabing iniwan ko sila at bumalik sa table namin. Ano ba ang problema kung makipag-usap ako? Naghahanap ba siya ng gulo?
Naupo ako sa harap ni Maymay na mukhang bumalik na ang diwa.
Paminsan-minsan, sinusulyapan ko si Grey na malapit na sa counter. Hindi na rin sila nag-usap pa ng lalaking sa harapan niya
"Mama? Si Papa," sabi ni Maymay. "May kasamang babae."
Napasulyap ako kay Grey na kausap ang sekretaryang lumapit.
"Hayaan mo siya!" naiinis na sabi ko.
"Mama? Puntahan mo si Papa, please," pakiusap niya.
"Bakit ba?" naiinis na tanong ko.
"K-Kasi may babae siyang kausap," naiiyak na sagot niya saka tumayo at patakbong lumapit kay Grey.
Fine! Magsama silang mag-ama! Hindi naman ganiyan si Lemuel sa akin noon ah.

[Grey POV]

"Galit ka ba?" tanong ko habang patungo na kami sa helipad pero hindi pa rin siya nagsasalita. "Honey, kung may mali man akong nagawa, I'm sorry. Kung nagalit ka sa nangyari kanina, iyon ay gusto lang kitang protektahan."
Wala pa rin siyang imik kaya tumahimik na lang ako habang buhat si Maymay.
Nang makasakay na kami sa chopper, tahimik pa rin siya hanggang sa nailapag na kami sa bakanteng lote na malapit sa bahay niya.
Nakabuntot lang ako sa kaniya pero dedma pa rin siya hanggang sa nakapasok na kami sa bahay nila.
"Good afternoon, sir," magalang na bati ni Marie.
"Good afternoon," bati ko rin at dumiretso sa kuwarto nila para ilapag si Maymay na natutulog na.
Narinig ko ang sasakyang tumigil sa tapat ng bahay pero hindi ako makaalis dahil gumalaw si Maymay kaya sinigurado ko munang tulog siya.
Paglabas ko, nasa sala si Marie.
"Si Mira?"
"Sa labas po, kinakausap ni Sir Lemuel," sagot niya.
"Pakibantayan si Maymay, please, baka mahulog sa kama," pakiusap ko at lumabas.
Nasa ilalim sila ng punong mangga at nakaupo sa bench.
"Nandito ka pala," sabi ko nang malapit na sa kanila. Biglang dumilim ang mukha ni Lemuel. Actually, pareho sila ni Mira and it hits me.
"Nag-uusap kami, doon ka muna sa loob," sabi ni Mira.
"You're my fiancée kaya makikinig ako sa usapan ninyo," sabi ko na ikinangisi ni Lemuel.
"Iyon na nga, decoration lang sa church and venue," sabi ni Lemuel.
"Hindi namin kaya ni Marie," sabi ni Mira.
"Flowers lang, kami na ang bahalang mag-ayos," sabi niya.
"Baka kulangin kami," sabi ni Mira. Nakatayo lang ako sa tabi niya na parang bodyguard.
"Don't worry, may dalawa pa kaming supplier. Gusto kasi ni Joyce na marami ang bulaklak."
"Sige," ani Mira. Napaisip ako. Mahal pa kaya niya si Lemuel? Nasasaktan kaya siya? Kung ako kay Lemuel, hindi ako papayag sa gusto ni Joyce dahil alam kong masasaktan si Mira.
"Mira? M-Makakapunta ka ba sa kasal?" seryosong tanong ng gago.
Hindi sumagot si Mira. Narinig ba niya ang tanong ng kausap? Uulitin ko pa ba?
"Ikaw Lemuel, gusto mo ba akong dumalo?"
Si Lemuel naman ang natigilan at biglang lumungkot ang mukha.
"H-Hindi ko rin alam," sagot niya kaya napabuga ako sa hangin.
"Asahan mo ang bulaklak namin, congrats in advance," sabi ni Mira saka tumayo. "Salamat sa pagpili sa amin bilang supplier."
"Salamat din sa pagpayag," anj Lemuel.
Naglakad na pabalik sa bahay si Mira pero naiwan ako.
"May kailangan ka pa? Umuwi ka na," pagtataboy ko.
Tumayo si Lemuel saka hinarap ako.
"Mali ang approach mo kay Mira," sabi niya.
"What?" tanong ko.
Ngumisi siya pero pilit.
"Alam mo ba kung bakit kami tumagal ni Mira?" tanong niya.
"Hindi ako interesado!"
"Ayaw niya na binabantayan niya," sabi niya.
"So?"
"Hindi selosa si Mira. Kahit saang party kami mapadpad at ilang babae ang lumapit sa akin, wala siyang pakialam. Siya ang tipo ng babaeng hindi magseselos dahil may tiwala siya sa akin. Alam namin ang hangganan at kung kailan magtiwala sa isa't isa. Ang ginawa mong manatili kanina habang nakikipag-usap siya sa akin, ikinaiirita niya iyon," pahabang sabi niya.
"So? Kilala mo na siya sa lagay na 'yan?" tanong ko.
"Tumagal kami ni Mira."
"Iba kayo."
"Ikakasal na ako, Grey, hindi ko na siya mababantayan kaya sana ingatan mo siya at huwag paiyakin dahil hindi ko 'tan pinaiyak noong kami pa."
"Alam ko kung paano alagaan ang mag-ina ko!"giit ko.
"Just don't hurt her," sabi niya. "At pakilagay rin ng selos sa lugar dahil ang pinakaayaw niya ay ang selosong tao."
Iniwan na niya ako.
"Psh! Kapal!" bulong ko habang nakatingin sa kaniya palabas ng gate. "Ako, seloso? Hindi naman ah!"


Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon