30

2.3K 65 0
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited...

[Grey POV]

Kakalabas ko lang sa bathroom, tahimik na si Mira kaya dahan-dahan akong nahiga sa kama para hindi na siya maistorbo pa.
" Isusumbong ko talaga kayo kay Daddy," bulong ko. Hindi nila alam na sobrang kapahamakan sa akin ang ginawa nila. Paano kung hindi ko na-control ang sarili ko kanina?
"G-Grey..."
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Shit! Gising pa siya?
"Grey? Nilalamig ako," sabi niya. "Could you please hug me tight?"
Hindi ako sumagot. Kunyare tulog na ako.
"I know you're still awake," sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi. "I-I'm cold."
"M-May comforter ka naman, isa pa, hug mo na lang ang pillow," nagu-guilty na sabi ko. Sorry, Mira, alam kong kasalanan ko rin ito dahil hindi kita nabantayan kanina.
"P-Pero naiinitan na nilalamig ako."
"M-Mira matulog ka na, okay? Baka magising si Maymay," sabi ko. Puwede ko bang painumin ito ng sleeping pills? Pero baka ma-overdose na naman siya. Damn! Ano ba kasi ang pinainum nila sa kaniya?
"I can't sleep, I wanna have-- sex with you. Please, Grey."
"Please, Mira naman, alam kong wala ka sa katinuan."
Hinintay ko ang sagot niya pero hindi na siya nagsalita pa. Buti naman.
Alam kong gising pa siya. Siguro kaya nagkakaganito ang buhay ko dahil matagal na akong hindi nakakapagsimba at puro kalokohan na lang ang ginagawa ko mula nang mamatay si Mommy.
Naalala ko tuloy si Lord.
" Our father who art in Heaven, hallowed be Thy name," panalangin ko sa isip.
" Thy kingdom come. Thy will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread and forgive us our--"
"Grey? Sex na tayo," pakiusap ni Mira. Jusko Lord, hindi ko na talaga nagugustuhan ang nangyayari. Habang tumatagal, mas lalo siyang naging agresibo.
Mariing ipinikit ko ang aking mga mata. Para siyang sinaniban ng manyak na demonyo.
"Grey, please. Hindi ko na kaya, pakawalan mo ako."
" Hail Mary full of grace, the Lord is with you. Blessed art thou among women and blessed is the fruit of thy womb Jesus. Holy Mary--"
"Grey!" sigaw niya kaya napabalikwas ako. "I n-need you, please."
Hindi ko matapos-tapos ang panalangin ko.
"Hmmm?"
Patay, gumalaw si Maymay at mukhang magising pa yata kaya hinagod ko ang likod niya.
"Sleep na, baby," bulong ko at niyakap siya.
"Patayin mo na lang kaya ako, Grey?" galit na sabi niya saka pinagtatapon ang unan sa sahig kaya tumayo ako at maingat na binuhat si Maymay saka inilapag muna sa couch.
Kinuha ko ang airbed at inilapag sa sahig saka inayos lang tulugan namin ni Maymay. Bahala na kung magalit si Mira ngayon. Kung puwede ko lang sana siyang tulungan.
"Grey," tawag niya nang damputin ko ang unan sa gilid niya.
"M-Mira? Alam mong mahal kita kaya ginagawa ko lang ang tama ngayon."
Narinig ko ang pag-iyak niya kaya naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang isang kamay.
"Sana maintindihan mo ako."
"A-Ayaw ko ng ganito," sabi niya habang nakatingala sa akin at pilit na inaaninag ang mukha ko. "Bakit n-nagkakaganito ako? H-Hindi ko mapigilan ang sarili ko."
"Close your eyes, Mira. Subukan mong matulog." Utos ko saka masuyong hinalikan siya sa noo. "Good night."
Hindi naman sa ayaw ko pero mali talaga. Inilipat ko na si Maymay sa airbed saka tinabihan.
" Matthew, Mark, Luke, John, Acts, Romance, first and second Corintians, Galacians, Ephesians, Philippians, Colossians, first and second Thessalonians, first and second Timothy,  Titus, Philemon, Hebrews, James, first and second Peter, first second third John, Jude, Revelations, Psalms and Proverbs.."  sabi ko.
Nagsimula na naman akong mag-baliktanaw ng Bibliya sa isip ko at inalala ang mga verses na-memorize ko noong bata pa ako. Bago kami matulog, pinapa-memorize kami noon ni Mommy Avery kapag nasa kuwarto nila kami matulog. Minsan, nagsto-story telling pa nga siya para makatulog kami. Naalala ko, paborito ko noon ang istorya nina David at Goliath at ang story ni Joseph na binigyan ng kaniyang ama ng napakamagandang damit kaya nainggit ang mga kapatid niya at ibenenta siya sa taong dumaang tao para maging alipin. Basta iyong nahulaan niya ang panaginip ng Pharaoh na kinain ng pitong payat na baka ang matatabang baka. Meaning, magkakaroon ng tiggutom sa loob ng pitong taon. Naniwala ang Pharaoh sa kaniya at nagkatotoo nga. Lahat ng tao ay pumupunta sa kanila sa Egypt para humingi ng pagkain. One day, pumunta ang mga kapatid niya. Hindi siya nagpakilala sa mga ito at parang pinagbintangan ang mga ito na nagnakaw kaya sabi niya, iiwan ang isa nilang kapatid at ipatawag ang ama nila para makausap niya. Nang dumating ang ama niyang si Jacob, saka siya nagpakilala at nagkapatawaran silang magkapatid.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Ang dami kong na-miss sa buhay. Ne hindi ko na nga pala maalala ang mga kuwento ni Mommy. Nakalimutan ko na nga ang pangalan ng babaeng naging bato, kung kanino ang kuwentong umulan ng bato at insekto, at ang santo na nabulag habang naglalakbay. I forgot din kung anu-ano ang mga hayop sa Noah's ark. It was our favorite story book. It was.
"P-Papa?" tawag ni Maymay kaya pinahidan ko ang mga luha ko. "Pasyal tayo."
"Huh? Gabi pa, sleep ka muna."
"Daddy, I'm hungry."
Napatingin ako sa wall clock. Namulagat ako nang makitang alas siyete na ng umaga. Tumayo ako at hinawi ang kurtina pero agad na isinara nang sumalubong ang nakakasilaw na liwanag ng araw.
"Nagugutom ka na?"
"Ihi muna ako," sabi niya saka tumakbo sa banyo. Nilapitan ko si Mira na mahimbing na natutulog.
Masuyong hinaplos ko ang makinis niyang pisngi saka yumuko at hinalikan siya sa noo. She's so lovely kahit na bakas sa mukha ang sobrang pagod. Tinanggal ko na ang posaa sa kamay niya. Napangiwi ako nang makitang pulang-pula ang kamay niya.
Pinuntahan ko si Maymay at sabay kaming nag-toothbrush. Inayos ko ang higaan namin at sabay na bumaba. Sinilip ko sina Tita pero wala na sila. Kahit ang sasakyan nila ay wala na rin sa garahe. Lagot talaga sila kay Daddy lalo na sina Tita Erika at Lyn. Sumbong ko talaga sila sa triplets.
"Baby? Magluluto lang si Papa, okay?"
"Laro na lang po ako sa sala, Papa."
"Sige, manood ka na lang ng cartoons," sabi ko at binuksan ang TV.
Magluluto ako ng sopas para paggising ni Mira, kakain na lang siya. Pangtanggal din ng hangover.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon