8

2.3K 66 0
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

[Mira POV]
"Saan galing ang mga laruan mo?" tanong ko kay Maymay nang pumasok siya at bitbit ang malaking paperbag na may lamang mga laruan.
"Sa tao po," sagot niya at ipinagpatuloy ang paglalaro.
"Sinong tao?"
"Bisita po," sagot niya na nasa mga manika ang mga mata.
"Ang pinakaayaw ko ang nagsisinungaling ka sa akin. Saan galing ang mga 'yan?" tanong ko ulit.
"M-Ma--"
"Aamin ka o hindi?"
"K-Kay Tito Grey po," sagot niya.
"Sa kaniya?" tanong ko na tumaas na ang boses.
Napaatras siya at sumiksik sa sofa.
"K-Kasi po gusto ko ang mga laruan."
"Binibilhan naman kita! Kilala mo na ba ang taong 'yon?"
"Mabait naman po si Tito."
"Iyan ang paniniwala ninyo!" singhal ko saka isa-isang pinulot ang mga manika at ibinalik sa isang supot. "Akin na 'yan!" sabi ko sa hawak niyang manika.
"Ayaw," tanggi niya saka umiling at mahigpit na niyakap ang manika.
"Akin na sabi! Papaluin kita!"
"B-Bigay niya 'to sa akin eh," naluluhang sabi niya.
"Huwag mo akong piliting paluin ka! Akin na sabi!" napipikong sabi ko at inagaw ang manika saka isinilid sa supot. "Dito ka lang."
Lumabas ako at hinanap si Grey sa mga kasamahan niya.
"Ang alam ko, nagpapahinga siya kanina," sagot ng isang crew.
"Salamat ho," pasalamat ko at binaybay ang pasilyo patungo sa suite niya. Nakadalawang katok ako pero wala pa rin kaya nilakasan ko na ang pagkatok.
"Ayaw mong buksan, ha," nanggigigil na bulong ko saka tumalikod para kunin ang duplicate pero bumukas ang pinto. Naka-black shirt, walking shorts at tsinelas lang siya at hindi pa nasusuklay ang basang buhok.
"Hey, Mira," wika niya kaya hinarap ko siya. "Sorry, nasa shower room ako."
Lumapit ako sa kaniya at itinapon sa dibdib niya ang bitbit na supot.
"Aw!" daing niya.
"Sa susunod--ah!" hiyaw ko nang hatakin niya ako papasok saka isinara ang pinto.
Mabilis na humarap ako sa pinto para buksan pero pinigilan niya ako.
"Kakalabas lang ng director namin sa suite nila kaya baka makita ka niya."
"And so?" matapang na tanong ko.
"Hindi mo siya kilala."
"Hindi ka rin naman niya lubusang kilala," makahulugang sabi ko.
"Psh! Ba't ba ang suplada mo? Bigay ko 'to kay Maymay," sabi niya at inihagis sa couch ang supot.
"Hindi kailangan ng anak ko ang kahit anong bagay na galing sa 'yo!" sabi ko kaya natawa siya.
"Ano ba ang masama? Look, sinusubukan kong maging mabait sa inyo lalo na sa bata," sabi niya at lumapit sa akin pero napahakbang ako palayo sa kaniya kaya kumunot ang noo niya.
"May sakit ba akong nakakahawa, Mira?"
"Ayaw ko lang na lumapit ka sa akin lalo na sa anak ko," prangkang sagot ko.
"Why?" naguguluhang tanong niya. "Harmless naman ako," puno ng kumpiyansa niyang sabi kaya naikuyom ko ang kamao ko. Harmless? That's the least word na papasok sa isip ko kapag marinig ko ang pangalan niya.
"Marami ang bata riyan kaya layuan mo na sana ang anak ko," prangkang sabi ko.
"Paano kung ayaw ko?" tanong niya.
"Bilang ina, nakikiusap ako," pagsuko ko.
"Come on, gusto ko lang mapalapit sa kaniya."
"Ako ang ina kaya ayaw ko at ako ang masusunod," giit ko.
Itinaas niya ang mga kamay.
"Fine, ikaw ang ina at wala talaga akong karapatan sa kaniya at para matapos na 'to, hindi ko na siya lalapitan."
"Sana marunong kang tumupad sa pangako," sabi ko.
"Can we be friends, Mira?" tanong niya kaya natigilan ako.
"No," sagot ko at tinalikuran ko siya para lumapit sa pinto.
"You know what? If this is your strategy para mapansin kita, you win," sabi niya kaya napatigil ako at hinarap siya.
"Pinagsasabi mo?"
Humakbang siya palapit sa akin habang nakatitig sa mukha ko.
"You got my attention, Mira," puno ng sinsiridad na sabi niya kaya uminit ang buong katawan ko sa galit.
"Hindi ko kailangan ang attention mo dahil una sa lahat, hindi kita gusto, Grey Villafuerte!" sabi ko habang sinasalubong ang mga mata niya. Gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya. "Sorry pero never pumasok kahit sa panaginip ko na magustuhan kita! Of all men, ikaw ang pinakaayaw ko!"
"What?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Of all women, ikaw ang pinakamalditang nakilala ko."
"Wala akong pakialam!" malakas na sigaw ko na kung maaabot ko lang siya, sinipa ko na.
"Do you believe in the more you hate, the more you love?" tanong niya sabay smirk.
Hindi na ako sumagot. Pinandilatan ko siya bago lumabas at pabagsak na isinara ang pinto kaya napalingon ang dalawang babaeng nag-uusap sa hallway.
Bumalik ako sa kuwarto namin at nadatnan ko si Maymay na umiiyak pa rin.
"Tumahimik ka!" saway ko kaya napayakap siya sa tuhod.
"L-Laruan ko."
"Bibilhan kita kaya shutup ka!" sabi ko na mas uminit ang ulo. I can't control my temper kaya tumakbo ako sa CR at doon nagkulong saka inilabas ang mga luha. Kahit man lang sa luha, maibsan ang galit ko kay Grey at tampo kay Maymay.
"Gusto ko l-lang ng tahimik na mundo at malayo kay Grey," luhaang sabi ko habang nakatitig sa sariling reflection. Bakit ang lupit ng mundo sa akin?

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon