11

2.3K 63 0
                                    




SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Unedited...

[Mira POV]
" No, p-please," luhaang pakiusap ko pero walang awa pa rin niyang inaangkin ang pagkababae ko.
"You l-like this, huh?" humahangos na tanong niya habang pawisang nakapatong sa akin.
"P-Please, stop it," mahinang pakiusap ko pero mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Wala na akong boses. Gusto kong humingi ng saklolo pero wala namang tutulong sa akin kaya hinayaan ko na lang na matapos siya.
" No!" malakas na sigaw ko saka napabangon at napahawak sa sumasakit na dibdib. Napasandal ako sa headboard ng kama. Pinahidan ko ang mga luhang hindi ko inakalang dumaloy sa aking mga mata. Kinuha ko ang unan at mahigpit na niyakap. Ilang taon na ang nakalipas pero nagiging bangungot pa rin sa akin ang nangyari.
Bumukas ang pinto kaya napatalikod ako at inayos ang sarili.
"Good morning, Sleeping Beauty," masiglang bati ni Gina. Nang sa tingin ko ay ayos na ako, humarap ako sa kaniya. "Flowers for you."
Inabot niya ang isang pumpon ng white roses.
"Saan galing?" tanong ko.
"Hindi ko alam," sagot niya.
"Huwag ka ngang--"
"Hindi ko nga alam."
"Kay Grey ba?" galit na tanong ko.
"Hala, nanliligaw siya sa 'yo?" inosenteng tanong niya kaya napabuntonghininga ako.
"Wala!" sagot ko.
Napatutop siya sa bibig. "Oh my, may something kayo ni Grey?"
"Shutup!" singhal ko kaya tumahimik siya.
"B-Ba't namumula ang mga mata mo? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. "Umiyak ka ba?"
"Kakagising ko lang at bakit naman ako iiyak?" tanong ko saka tumayo at inayos ang higaan.
"Okay," aniya. "Ilagay ko lang dito ang flowers sa bedside table mo ha."
"Gina, pakibalik sa nagbigay."
"Ang problema, hindi ko alam ang nagbigay," sabi niya.
"Huwag kang mag-deny."
"Seryoso, hindi ko nga alam. Isa pa, sayang ang white roses at ang bango pa. Ang bad mo naman yata kapag ibalik pa sa nagpabigay?"
"Sa 'yo na lang kung nanghihinayang ka."
"Ang bad mo talaga. Sa 'yo nga binibigay, 'di ba? O baka naman nag-expect ka na kay Grey galing ito kaya ayaw mong tanggapin nang malaman mong hindi yata sa kaniya galing?"
"Ang aga mo pang manira ng mundo!" naiinis na sabi ko at pumasok sa bathroom para mag-toothbrush.
"Si Maymay?"
"Nasa labas, naglalaro sila ni John," sagot niya. "Iwan ko ang flowers, ha."
Lumabas na siya kaya tinapos ko ang ritwal sa shower room saka lumabas.
Lumapit ako sa table. Natukso akong kunin ang puting card na nakakabit sa roses at binasa.
"Roses are white, it smells like you, don't forget Grey loves you. Morning."
"Ugh!" naiinis na sabi ko saka kinuyos ang papel at itinapon sa basurahan.
"Baka Grey raped you!" nanggigigil na sabi ko saka nagmarcha palabas ng kuwarto.
Dire-diretso ako sa suite niya at malakas na kinatok pero walang bumukas.
"May kailangan ka?"
Humarap ako sa kaniya. He's wearing a beach shorts, white sando and sandal. "Good Morning," nakangiting bati niya.
"Hindi maganda ang umaga kapag nakikita kita!" nanggigigil na sabi ko.
"What makes you angry, sweetheart?"
"Huwag mo akong ma-sweetheart, sweetheart! Puwede ba, Grey? Tigilan mo na ako?"
"Why?"
"Ilang beses ko bang sabihing ayaw ko sa 'yo!"
"Just because na masamang ginawa ang ibang lalaki sa 'yo, doesn't mean na gagawin ko rin iyon sa--"
"Shutup!" gigil na saway ko. "Just stop talking!"
"Hindi naman kita sasaktan, Mira."
"Really?"I asked sarcastically.
"Of course," kampanteng sagot niya. "Just give me a chance to prove--"
"No way!"
"Ba't mo ba ako pinapahirapan, Mira? Ito ka ba? Ganito ka ba ligawan?"
"Depende sa manliligaw ko. Hindi naman kasi lahat ng nanliligaw ay sinasagot," pagtataray ko.
"Grey? Mag-start na raw ang taping im fifteen minutes," sabi ni Carlo kaya tumango si Grey.
"Susunod ako," sagot niya saka binalingan ako. "Gusto kita kahit na ayaw mo sa akin."
"Sa iba mo na lang ibaling ang pagtingin mo."
"Kung puwede nga lang," nahihirapang sabi niya. "But I can't. Sana dumating ang araw na maliwanagan ako kung bakit kinamumuhian mo ako."
" At kapag dumating ang araw na iyon, kakamuhian mo rin kaya ang sarili mo?" tanong ng isip ko pero mas pinili kong isarili na lang.
"I love you, Mira. I love you with all my heart at kung bibigyan mo ako ng chance, gusto kong maging ama ni Maymay."
Hindi ako sumagot hanggang sa tumalikod na lang siya at laylay ang balikat na umalis sa harapan ko.
Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa papalayong si Grey. Kahit kailan, hindi nila ako maunawaan. Kahit na sampalin ko pa siguro ng katotohanang ginahasa niya ako, walang maniniwala sa akin. Lahat sila ay pagtatawanan lang ako. Of course. Baka nga sabihing bina-blackmail ko lang si Grey. No one will believe me dahil hindi ako sikat at mahirap lang ako kahit na ako ang nagsasabi ng totoo. That's the reality.
----------------------
Jeff POV
Kakalapag lang ng eroplano rito sa Roxas, City. Ugh! I hate province life. For me, lumaki na ako sa City at mababaliw ako sa katahimikan ng probinsya kaya nang malaman kong tatagal ang alaga ko rito, imbyerna ako. Wala akong choice kundi puntahan siya. He's my favorite alaga noh? Besides, may-ari pa sila ng agency and TV network. Ang laki rin ng kinikita ko sa tuwing may projects siya. Hulog siya ng langit sa akin kaya hindi ko siya puwedeng pabayaan at lahat ng babangga sa kaniya ay sa akin muna dumaan.
"Sa LA resort lang po," sabi ko nang sumakay ako sa taxi. Well, surprise ko ito kay Grey. Ang akala niya ay nextweek pa ako pupunta. Isa pa, para mahuli ko rin kung may tinatago siya.
Pagdating sa resort, dumiretso ako sa reception at tinanong ang suite ni Grey tapos nagpahatid sa suite ko. Nakapa-reserve na ako kahapon.
Nagpalit muna ako ng damit at inayos ang mga dala ko sa maleta. Mamaya na ako gagala. One week lang naman ako rito at sa loob ng 1 week, sana magustuhan ko rito.
After an hour, lumabas ako sa suite at nagtanong sa nakasalubong kong write kung nasaan ang alaga ko. Ang sabi niya, nasa dalampasigan kaya binaybay ko ang daan habang nakahawak sa malapad na sombrero ko. Siyempre kailangan kong umawra. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.
"Cut!"
Malayo pa lang ako, naririnig ko na ang sigaw ng bruhang director.
"Ano ba ang problema, Grey?" singhal niya. Pumantig ang tainga ko nang marinig ang pangalan ng alaga ko. "Kanina pa tayo nagte-take!"
"Sorry po, masama ang pakiramdam ko," paumanhin ni Grey.
"Come on, namimirwisyo ka na sa mga kasama mo!" Kitang-kita ko ang pag-usok ng ilong ng director.
"Let's have a break," anunsiyo ng director na mukhang napipilitan lang kaya nagsialisan sila.
"Grey!" tawag ko kaya napakunot ang noo niya.
"Manager," aniya. "Bakit nandito ka?"
"Bawal ba?" tanong ko.
"Hay naku, Jeff. Pagsabihan mo nga ang alaga mo. Kanina pa kami take nang take. Puro mali kasi ang sinasabi niya. Hindi yata nagbabasa ng script," nahihirapang sabi ng director. Kilala ko na siya, prangka at wala itong pinipiling artista kaya palaging blockbuster ang movie nito.
"Sige, ako ang bahala," sabi ko saka sumenyas para itaboy siya. College classmate ko siya and friends naman kami. Kaya nga nakadalawang movie na si Grey sa kaniya. Pangatlo na ito ngayon.
"Anong problema?" tanong ko kay Grey na naupo sa buhanginan at umiinom ng energy drink.
"Wala naman," tugon niya.
"Ba't mukhang problemado ka? Hindi ka naman pasaway ah."
"Pagod lang ako, manager," matamlay na sagot niya.
"Saan?"
"Sa lahat," problemadong sagot niya.
"Pagod? Hindi yata iyan ang linya mo?" ani ko kaya napangiti siya pero alam kong pilit. Kilala ko na 'to e.
"Bakit ka pala napaaga?" pag-iiba niya.
"Trip ko lang. Sige, ibahin mo ang usapan."
"Pagod lang talaga ako," aniya.
"Maymay!" tawag niya sa batang tumatakbo palapit sa kaniya.
"Tito!" natatawang sabi ng batang tinawag niyang Maymay.
"Come here, baby," sabi niya kaya lumapit ang bata at nagpakandong sa kaniya. "Kumain ka na ba?"
"Opo," sagot ng bata. Hinalikan siya ni Grey sa noo.
"Anak mo?" prangkang tanong ko kaya natigilan siya pero ilang sandali pa'y lumungkot ang mukha.
"I wish to..." sagot niya kaya sinapak ko nga. "Ouch!"
"Baliw ka. Aminin mo kung anak mo 'yan. Siya ba ang rason kung bakit ka namalagi rito?"
"Pinagsasabi mo?" labas sa ilong na sabi niya.
"Nevermind," ani ko saka pinagmasdan ang batang magiliw na nilalaro ang relo ni Grey.
"Kamukha mo siya. Anak mo ba?"
Natawa si Grey kaya tinaasan ko ng kilay.
"No."
"Deny to the max?"
"Hindi talaga," tanggi niya.
"Okay, I believe in you," pagsuko ko pero nasa utak ko ang pagdududa. Mula nang pumunta 'yan dito sa Roxas, kaduda-duda na talaga ang ikinikilos niya.
Tumayo ako at pinagpag ang buhangin sa pantalon.
"Babalik na ako sa suite ko,may jetlag pa ako," paalam ko saka sinulyapan ang batang nakatingala sa akin bago tumalikod.
Nakakapagod talaga ang biyahe lalo na't delayed ang flight namin ng dalawang oras. Nakaka-badtrip talaga.
Malapit na ako sa suite ko nang mapansin ko ang babaeng nakatayo sa tapat ng suite ni Grey at inilapag ang bulaklak saka nagmartsa paalis.
"Miss?" tawag ko nang malapit na siya sa akin.
"Yes po?" magalang niyang tanong.
"Ano ang ginagawa mo sa suite ni Grey?"
"H-Ha?" nagulat siya. "Ahm... W-Wala ho," sagot niya.
"Anong wala? I saw you," sabi ko.
"May inilagay lang po akong gift sa mga bisita namin dito sa hotel," sagot niya kaya tumango ako.
"Okay," sabi ko.
"Sige po," paalam niya saka nilagpasan ako.
Dahil pakialamerang bakla ako, lumapit ako sa pinto at napatitig sa bulaklak sa floor.
"Hmm?" ani ko at dinampot ang puting papel na nasa gitna ng bulaklak. Dahil pakialamera na naman ako, binasa ko ito. Tutal, para naman ito sa alaga ko.
"Roses are white, it smells like you, don't forget Grey loves you. Morning."
Automatic na tumaas ang kanang kilay ko. Galing ba talaga 'to kay Grey? Meaning, isinasauli ng babaeng iyon?
"Ganda mo teh," sabi ko at ibinalik ang sulat.
Bumalik na ako sa suite ko at nagpahinga. Kailangan kong mag-beauty rest dahil mas lalong sumakit ang ulo ko sa nalaman. Kailangan kong magpahinga dahil hindi gumagana ang brain cells ko.
Napabangon ako nang marinig ang kumakatok sa pinto.
"Letse! Sandali!" nauurat na sabi ko at lumapit sa pintuan kahit na para akong minaligno sa buhok ko.
"Oh?" pasinghal na sabi ko.
"Manager," sabi ni Grey.
"What? Natutulog ang tao e!"
"Sorry sa istorbo," nakangiting paumanhin niya. Kahit galit ako, ang pogi pa rin ng lalaking 'to. "Puwedeng pumasok?"
"Pasok!"
Iniwan ko muna siya at pumunta sa bathroom saka naghilamos at sipilyo. Lumabas ako na nakasampay ang tuwalya sa balikat ko habang pinupunasan ang mukha.
"Manager? Bakit ka napunta rito?"
"Para bantayan ka," sagot ko at may naalala. "At sino ang babaeng binigyan mo ng white roses?
Nagulat siya sa tanong ko.
"M-Meron ba?"
"Punyeta ka, Grey! De-deny ka pa?"
Napangiwi siya.
"W-Wala iyon, mabait lang siya kaya--"
"Sa sobrang kabaitan niya, ibinalik niya ang flowers? May pa-note, note ka pang nalalaman. Wow, ha."
"Manager naman."
"Naku, huwag ngayon, Grey! May movie pa kayo ni Chelsea. Oras na may lumabas na link sa inyo ng babaeng iyon, lagot ang career mo at hindi lang ikaw, pati si Chelsea!"
Napabutonghininga siya.
"I just can't--"
"Can't what?"
"I love her," pag-amin niya at naupo sa kama.
"Seryoso? Nilalagnat ba ako? O baka naman panaginip lang ito?"
"Seryoso ako," pag-amin niya kaya napaupo rin ako. I know na nagkakaedad na siya pero ngayon pa ba?
"Iniingatan ko lang ang career mo, Grey."
"I know. Anyways, wala naman siyang gusto sa akin."
"Obvious nga," pagsang-ayon ko na ikinalumo niya. "Pero baka nagpapakipot lang?"
"Hindi e," aniya. Well, expert naman siya sa babae kaya mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. "Basted ako."
"Bakit?"
"Ewan. Basta galit lang siya sa akin."
"Baka naman isa siya sa mga pinaglalaruan mo noon at gumaganti ngayon?"
Napaisip siya. "Hindi eh, hindi ko siya maalala."
"Baka naman galit kasi hindi mo maalala?"
Natigilan siya habang ang mga mata ay nalilitong nakatitig sa akin. Mga ilang seconds yata bago siya bumalik sa mundo.
"No," tanggi niya.
"Ewan ko sa 'yo!" naiinis na sabi ko. "Sinasabi ko na nga bang may babae ka rito e!"




Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon