17

2.3K 63 0
                                    



SUPERSTAR'S MISTAKE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

[Blue POV]

"Saan ka galing?" tanong ni Red nang pumasok ako.
"Date," tipid na sagot ko.
"To whom? May bago ka na?" curious na tanong niya.
"My wife," sagot ko. "May iba pa ba akong dine-date?"
Napa-poker face siya.
"Really, Dad?" aniya saka sinundan ako patungo sa kusina. "You have to accept na wala na siya."
"Bakit? Indenial ba ako?" pabalik na tanong ko saka lumapit sa ref at kumuha ng malamig na tubig dahil ang init sa labas. Alas tres na ng hapon at kaninang ala una ay dinaanan ko si Avery bago umuwi.
"Dad? Wala na siya," malungkot na sabi niya.
"I know, mukha na ba akong ulyanin?" naiinis na tanong ko saka nilagok ang laman ng baso. Sarap sa lalamunan ang malamig na tubig. Wala pa naman akong tubig sa kotse ko kanina kaya nang makasalubong ko ang isang katulong, pinalagyan ko na dahil baka makalimutan ko na naman.
"Dad? Bata ka pa at--"
"This is my life, Red."
"But you have to move on."
"I moved on!" bulalas ko.
"Hindi lahat ng oras, kailangang si Mommy na lang."
"Matanda na kayo at hindi na kayo dapat na bantayan pa," giit ko.
"Dad? Maging masaya ka naman, iyon ang gusto ni Mommy."
"I am happy, Red."
"Puwede ka namang magmahal ng iba," suhestiyon niya. Putiks! Heto na naman kami.
"Kapag maunang mamatay si Kara, saka mo sasabihin 'yan sa sarili mo."
Hindi siya umimik. Hinarap ko siya at nginitian.
"Mahal ko ang mommy mo at habambuhay ko siyang mamahalin. Just because she's dead, doesn't mean na malaya na ako. I love your mom, dead or alive. I promised to be faithful to her, kaya hindi ko iyon balewalain hanggang sa huling hininga ko."
"I hate you, Kuya!" singhal ni Tangerine na mukhang kanina pa nakikinig sa amin.
"Why?" inosenteng tanong ni Red.
"You've been faithful kay Ate Kara pero iyon ang gusto mong gawin ni Daddy? Very wrong! My dad is only for my mom!" Lumalaki ang butas ng ilong ni Tangerine kaya napangiti ako, she looks like her mom kapag nagagalit.
"Hey, wala naman akong masamang intensyon, okay?" natatawang sabi ni Red.
"Basta I hate you pa rin!" nakalabing sabi ni Tangerine at padabog na lumabas.
"Haist! Bakit ba nami-misinterpret ninyong mag-ama ang mga bagay-bagay?" tanong ni Red.
"Mahal ko si Avery kaya huwag mo akong itulak sa iba dahil si Tangerine ang una mong makakalaban," natatawang sabi ko. Walang pinagbago sa pagmamahal ko kay Avery. Kung puwede nga lang sumunod sa kaniya, ginawa ko na. But I have to live. May mga anak kami and I promised na aalagaan ko sila hanggang sa makakaya ko.
"Si Grey pala?" tanong niya.
"Hindi ko alam, bakit parang mula nang bumalik siya galing sa Roxas, iba na ang ikinikilos niya? Madalas siyang sa condo tapos naglalasing mag-isa," puna ko. Kagabi, dinalaw ko siya pero naabutan kong puno ng alak sa sala niya at sa sahig na siya nakatulog. Buti at hindi nagba-bar 'yon dahil nawawala pa naman iyon sa sarili kagaya ng pinsan niyang si Kean na sobrang baba ng alcohol tolerance.
"Baka nayanggaw?" pabirong sagot niya at sinabayan pa ng tawa. Yanggaw is ilonggo word na madalas nilang naririnig kay Natnat. Nagiging aswang din daw ang tao kapag nilalawayan ng aswang ang pagkaing kinakain nila.
"Brokehearted kamo," sabi ko. May naririnig ako sa opisina na may nilgawan daw siya sa Roxas pero binasted siya.
"Tsk. Puro kasi pambabae ang ginagawa niya," sabi ni Red.
"Kaya nga e," pagsang-ayon ko. "Hindi kagaya sa 'yo na kung hindi pa ikinasal, hindi pa mawawala ang virginity," dagdag ko na ikinapula ng mukha niya.
"So what? At least kay Life ko lang ako," pagmamayabang niya. Maybe, siya lang ang Villafuerte na ikinasal na virgin. Ewan ko lang sa mga ninuno at pamangkin ko.
"Si Grey," sabi niya at itinuro si Grey na nagmamadaling umakyat.
"Wait lang, sundan ko lang siya," paalam ko at umakyat din.
Nakailang katok ako sa kuwarto ni Grey pero hindi niya binubuksan.
"Grey?" tawag ko at nilakasan pa ang katok pero wala pa rin. Doon na ako kinabahan kaya kinuha ko ang duplicate ng susi.
"Grey!" tawag ko nang buksan ang pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang makita siyang naglalagay ng damit sa maleta. "May lakad ka?"
"Aalis muna ako," sabi niya.
"May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Babalik lang po ako sa Roxas," sagot niya na hindi nakatingin sa akin pero pansin kong nanlalalim ang mga mata niya.
"Bakit? May naiwan ka ba? Ang dami naman yata ng dala mong damit?" puna ko.
"Hindi ko alam kung kailan ako babalik," sagot niya.
"Sa Monday na ang premier night ninyo, babalik ka ba kaagad?" tanong ko.
"Mukhang hindi po," sagot niya.
Naupo ako sa kama at pinagmasdan siya.
"Tell me, son, what is your problem?" kalmadong tanong ko.
"Dad--"
"Tungkol ba ito sa nililigawan mo?"
Tumigil siya sa ginagawa saka lumingon sa akin. "Yes," sagot niya.
"Hindi ba makapaghintay 'yan? Baka puwedeng after one week na lang na maipalabas ang duty mo?"
Umiling siya.
"It's my choice, Dad. Please, huwag mo akong pigilan," pakiusap niya. Lalaki ako at ama niya kaya alam kong may malalim na problema siya. Gusto kong malaman pero siguro hindi pa sa ngayon. Saka na lang ako makialam kapag hindi na niya kaya. As of now, hayaan ko na muna siya. Lahat naman kami dumadaan sa ganiyang sitwasyon lalo na kapag ang mahal na namin sa buhay ang pag-uusapan.
"I won't," sagot ko. "Pero kapag hindi mo na kaya, nandito lang kaming pamilya mo."
"S-Sana nga nandiyan pa rin kayo balang araw," malungkot niyang sabi kaya sigurado akong may malalim siyang dahilan sa pagbalik niya sa Roxas.
"M-May nabuntis ka ba?" kinakabahang tanong ko.
"Not now, dad," pakiusap niya.
"You know my rules, Grey," paalala ko saka tumayo.
"I know," aniya.
Lumabas na ako sa kuwarto niya. Pagdating sa mga apo ko, alam ng mga anak ko na hindi ko ito-tolerate ang kapabayaan nila bilang ama. Mahal o hindi nila ang ina ng bata, kailangang kilalanin at ipaglaban nila ang anak nila.

Superstar's Mistake (R-18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon